Chapter 9 SOBIA POV “Daddy missed you so much,” maluha luhang sabi ni Drei nang makita ang anak niyang si Lira after two years. Bumuhos ang luha niya nang sa wakas ay nayakap niya na ang kanyang anak. “You were so tiny back then. Takot na takot akong buhatin ka, ni hawakan ang daliri mo, parang madudurog ko sa liit. But I swear, my Love, you are the most precious in this world.” Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Parang ako ang nasasaktan para sa kanilang mag-ama. Si Lira naman kasi ay palagi niya akong nakikita at musmos pa talaga siya kaya hindi pa niya alam kung ano ang nangyayari sa paligid niya. Pero ramdam ko ang pagnanais niya na magkaroon ng isang ama kahit hindi pa siya marunong magsalita. Kaya hanggang sa pag labas namin ng DSWD at naiwan doon si Lira, para

