Chapter 4

1992 Words
HABANG nagmamaneho pauwi ng mansion si Heath, nakatulala ito at malalim ang iniisip. Naaawa siya sa kapatid niya. Tiyak na guguho ang mundo ni Katelyn kapag malaman nitong masaya na si Tiger at may asawa na sa ibang bansa. Kahit walang bansa na binanggit si Messy sa kanya, alam niyang nasa abroad ito base na rin sa oras na agwat na binanggit ni Messy. “Nasaang bansa siya? Kung 4 o’clock AM kanina doon at 7 o’clock PM naman dito. . . fifteen hours ang pagitan,” usal niya na naiisip ang possible place na kinaroroonan ni Tiger. “US,” usal nito na napahilot sa sentido. “Saang banda sa US? Ang lawak ng US,” dagdag nito. Napailing ito na iniwaksi sa isipan si Tiger. Tiyak na malaki-laki ang gagastusin niya para mahagilap si Tiger. Idagdag pang bumababa ang sales ng kumpanya nila dahil sa pagpapabaya ni Katelyn. Kaya kung maglalabas siya ng pera, tiyak na lulubog na ang kumpanya. “No, there must be some other way to find out. Hindi ko pwedeng ilabas ang funds ng kumpanya para mahanap siya.” Usal nito. Pagdating niya sa mansion, hindi na muna ito bumaba ng kotse. Napapikit siya na naisandal ang katawan at iniisip ang number ni Tiger kanina nang masulyapan niya iyon. Habang iniisip ang number na nagpakita sa screen ng cellphone ni Messy na nakalapag sa mesa, napapa-tap ang daliri nitong nakahawak sa manibela. “+1 310. . . .” Naipilig nito ang ulo na pilit paulit-ulit iniisip ang pagkakasulyap niya sa screen ni Messy. “Yeah, 456. What else the other numbers?” Napabuga ito ng hangin na kinalas ang ilang butones ng long sleeve polo niya. Para kasi siyang sinasakal. Pinagpapawisan na rin siya na pilit iniisip ang cellphone number ni Tiger para matawagan niya ito! “0022? +1 310 456 0022!” usal nito na napadilat ng mga mata! Kaagad itong napatuwid sa pagkakaupo at hinugot ang cellphone. Nangangatal pa ang kanyang mga daliri at sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya! He bit his lower lip. Kabado ito pero kailangan niyang subukang kausapin si Tiger– kaysa naman ilabas niya ang funds ng kumpanya nila para lang maipahagilap ito sa US! “Hope it's you,” usal niya na napalunok at napabuga ng hangin bago tinawagan ang possible number ni Tiger! “Damn, c'mon!” inis niyang asik na napahampas sa manibela dahil hindi matawagan ang number! Muli itong napapikit. Mabibigat ang paghinga na kinakalma ang sarili. Ilang segundo pa, nang mas kalmado na siya, muli niyang sinubukan ang mga naaalala niyang number! “+1 310 456 0222,” sambit niya na sinubukan ulit tumawag. Napalunok siya na ibang-iba ang kabog ng kanyang dibdib! “C'mon, sana ikaw nga ito.” Aniya. Parang lumukso ang puso niya palabas ng kanyang ribcage nang mag-ring ang number! Namimilog ang kanyang mga mata at pinagpawisan ng malamig habang naririnig na nagri-ring ang cellphone! “Hello? Who's this?” bungad ng baritonong boses na kilalang-kilala niya! Napaawang ng labi si Heath, tumulo ang luha na makumpirma nitong si Tiger na nga ang kausap niya! “Hello?” “Ahem!” Napatikhim si Heath na nagpahid ng pisngi. “Uhm, Tigre, ako ‘to.” Wika nito na pilit pina-normal ang boses. Natahimik si Tiger sa kabilang linya. Iniisip kung sino ang caller. Sa pagkakatanda niya kasi, isa lang ang tumatawag sa kanya ng ‘tigre’ si Heath. Ang kuya ni Katelyn. He softly chuckled ang shook his head. “Doc, ikaw pala. Kumusta? It's been a while. Si Kate, kasama mo ba?” he casually asked. Mapait itong napangiti habang nakalapat ang cellphone niya sa tainga. “Nakikilala mo pa pala kami ng kapatid ko, Tiger. Akala ko kasi. . . burado na kami sa iyo e.” Mapait niyang turan na tumulo ang luha habang naiisip ang nakababatang kapatid niya. “H-hey, don't say that, dude. Bakit ko naman kayo kakalimutan? You know that Kate is my best friend ever since we're kids. Uhm, pasensiya na. Hindi na ako nagparamdam pa sa inyo. Si Kate ba– how is she?” mababang saad ni Tiger dito na napailing. “She's fine. Don't worry,” tanging tugon nito. “Uhm, I just called to confirm it from you, Tiger. Kung totoo bang. . . may asawa ka na.” Wika ni Heath na napapikit at kay bilis ng t***k ng puso. “Ahem!” napatikhim pa si Tiger bago sumagot sa binata. “Uhm, yeah– that's true, dude. Actually, last year pa ako ikinasal. Anniversary nga namin last monday e. Soon, kapag hindi na busy ang asawa ko, dadalaw kami d'yan sa bansa.” Pag-amin ni Tiger dito na namuo ang luha at nakagat ang ibabang labi. “Gano'n pala.” Usal ni Heath na tumulo ang luha. “Uhm, Tiger, pwede bang makisuyo? T-tawagan mo naman si Kate oh? Sabihin mong. . . maayos ka na at– at may asawa ka na.” Pakiusap ni Heath na nanginginig ang boses. Napalunok si Tiger na bumilis ang t***k ng puso na maalala ang dalaga. Tiyak na magugulat si Katelyn at hindi siya sigurado kung matutuwa itong. . . may asawa na siya. Nang magkaroon kasi ito ng girlfriend dati, nagbago si Katelyn sa kanya. Palagi na itong umiiwas kapag kasama niya ang girlfriend niya. Saka niya lang nakakasama si Katelyn– kapag hindi kasama si Deia. “O-okay. I'll call her, dude.” Pagsang-ayon nito na ikinatango-tango ni Heath. “Sige, uhm, iyon lang naman. Anyway, best wishes to you, dude. I hope you'll find your happiness to your wife. Congratulations,” labas sa ilong na pagbati nito kay Tiger. “Thank you, dude.” Tugon ni Tiger bago niya ibinaba ang linya. HABANG umiinom mag-isa ang dalagang si Katelyn sa mini bar nila sa mansion, biglang nag-ring ang cellphone nito. Nangunotnoo ito na napasulyap sa screen dahil unregistered ang number. “Who's this fvcking idiot calling me at night,” usal niya na hindi na ito pinansin. Maya pa'y muling nag-ring ang cellphone niya at same number. Napalunok siya na binundol ng kakaibang kaba sa dibdib! Napasulyap siya sa number at parang lulukso ang puso niya na makitang. . . hindi Philippines number ang caller! “Oh my God! Tiger?!” bulalas niya na dinampot ang cellphone at mabilis na sinagot ang caller! Para siyang mabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib niya at damang-dama niyang ang best friend niya ang caller! “Hello, Kate?” ani ng baritonong boses na ikinalaglag ng butil-butil niyang luha at nanikip ang dibdib na sa wakas. . . narinig na din niya ang boses ng lalakeng pinakamamahal niya! “H-hello, T-tiger, is that you?” nanginginig ang boses nitong sagot sa kaibigan. “Yeah, it's me. I'm sorry, ngayon lang kita natawagan, Kate. Kumusta ka na?” tanong ni Tiger dito na napatakip ng palad sa labi at napahagulhol. “I-i’m fine, totally fine. Mabuti naman at nagparamdam ka pa. I thought you already forgotten me. Ikaw, how are you, Ty? It's been a year. Hindi ka pa ba uuwi ng bansa?” luhaang tanong ni Katelyn na pilit kinakalma ang sarili. “Uhm, I'm good, Kate. Maayos na ako– masaya na. Hindi pa ako makakauwi ng bansa e. K-kasal na kasi ako dito. M-may asawa na ako. How about you? May boyfriend ka na ba?” wika ni Tiger ditong nanigas sa kinauupuan! Nabitawan nito ang hawak na baso at napaawang ng labi sa narinig! “T-teka, what did you s-say, Ty? M-may asawa ka na d'yan?” pangungumpirmang tanong nito na nauutal! “Yeah, I'm married now, Kate. Her name is Jade Carter. She's a business woman here in LA. Kapag dadalaw kami d'yan sa bansa, ipapakilala kita sa asawa ko.” Sagot ni Tiger ditong natulala na nabitawan ang cellphone sa nalaman! “He's married. . . he's married. . . he's already married.” Paulit-ulit niyang sambit na bumubuhos ang luha at nakatulala! “H-hindi. . . w-why, Tiger? Why? H-hindi mo ba talaga ako nakikita? O sadyang. . . o sadyang wala ka lang talagang pagtingin sa akin?” usal niya na napasapo sa ulo at napayukong napahagulhol. ILANG minuto itong nakayukong umiiyak, hanggang sa makalma ang sarili. Lumabas siya ng mini bar nila at umakyat sa kanyang silid. Naligo at nagbihis ito at kahit panay ang tulo ng luha niya, pinilit niyang inayos ang sarili. Saktong paglabas niya ng mansion, nasa dining room naman ang ina at kuya niya. Kaya walang nakapansin na lumabas ito. Tulala ang dalaga na nagmaneho palabas ng mansion. Hindi naman ito napansin ni Heath at Dolores dahil seryosong nag-uusap ang mag-ina tungkol sa dalaga at kay Tiger. "He will never be mine. Malayo na nga siya sa akin. . . m-may asawa na din siya. I'm just waiting for nothing. Para akong tanga ditong umaasa pa rin na magiging kami in the future pero-- that dream will never happen anymore. Hindi niya ako mahal. I'm not his type. Ang malas kong nagmahal ng lalakeng hindi ako ang tipo," usal ni Katelyn na awang-awa sa sarili habang naiisip ang mga pinagsamahan nila ni Tiger mula pagkabata. Nakatulala at mabilis itong nagmamaneho. Walang direction kung saan papunta. Durog-durog ang puso niya at parang gumuho na ang mundo niya na malamang. . . may asawa na pala ang lalakeng minamahal at hinihintay niya! Dahil lutang ito at mabilis ang pagmamaneho, hindi nito napansin ang papasalubong na ten wheeler truck! Napaiwas ito nang may mag-overtake na umagaw sa kanyang linya dahilan. . . para masalubong niya ang truck at hindi na nakaiwas pa! Nanigas si Katelyn at huminto ang paligid maski kanyang paghinga sa bilis ng pangyayari! Alam niya ang pagtilapon ng kotse niya at ang pagbagsak nito sa semento, maging ang pagkabasag ng windshield at bintana niya na bumuhos sa kanya pero-- namamanhid ang buong katawan niya at walang maramdamang kirot! Umaagos na ang dugo sa kanyang mukha pero nakadilat lang ito na tila hindi pa rin mag-sink-in ang mga nangyayari sa kanya! "T-tiger. . . p-please help me." Usal nito sa isipan na tuluyang pumikit ang mga mata at tumulo ang luha. HABANG nag-uusap ang mag-inang Heath at Dolores, aksidenteng natabig ng ginang ang mug ng tea nito at nabasag. Bigla silang binundol ng kakaibang kaba na nagkatinginan! "M-mom, did you feel it?" "Son, d-did you feel it?" Panabay nilang tanong at napatayo na napalingon sa pintuan! "Where's Katelyn?!" bulalas ni Heath na maalala ang kapatid niya! Patakbo itong nagtungo sa mini bar nila pero-- wala doon ang dalaga! Nakasunod naman ang ginang sa anak nito. Akmang paakyat sila sa hagdanan nang magsalita ang isang katulong na nakakita kay Katelyn. "Uhm, señora, señorito, lumabas po si Señorita Katelyn kanina." Natigilan ang mag-ina na napalingon sa katulong nilang napayuko. "Lumabas? Bakit hindi mo sinabi sa amin, yaya?!" bulyaw ni Heath dito at iba na ang nagpaparamdam sa kanya. . . lalo na't nakatitiyak siyang alam na ni Katelyn na kasal na si Tiger! "P-pasensiya na po, señorito. May ginagawa po kasi ako kaya hindi ko na kayo nasabihan." Paumanhin ng katulong ditong napasabunot sa ulo. "Damnit!" Napamura si Heath na hinugot ang cellphone at nagri-ring iyon! Nangunotnoo siya na kaagad sinagot ang caller na makitang isa sa mga assistant nurse niya sa hospital ang caller. "Hello, Camille? May problema sa pasyente natin?" tanong nito na damang-dama ang bilis ng t***k ng puso! "D-doc. . . it's not about our patients. This is more important," nauutal na wika ng nurse ditong napalunok. "W-what is it?" kabado niyang tanong na napasulyap sa ina niyang nasa tabi niya at nakikinig. "D-doc Heath. Y-your sister po. . . i-isinugod siya dito sa h-hospital. S-she's critical. Naaksidente po siya. We need you here." Wika ng nurse ditong nanlambot ang mga tuhod at napasalampak sa sahig na sunod-sunod tumulo ang luha! "H-hindi. . . that's not true. H-hindi si K-katelyn iyan. H-hindi totoo 'yan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD