Chapter 3

2010 Words
KINABUKASAN, tanghali na nang magising si Katelyn na kumikirot ang ulo at ang bigat ng katawan dala ng hangover. Kahit nasanay na ito na gan'to siya sa paggising, palagi pa rin itong naglalasing. Walang gabi ang dumaan na hindi niya iniiyakan si Tiger. Matapos maligo, bumaba ito ng dining room. Naabutan naman nito ang kanilang ina at ilang katulong nila sa mansion. Mabibigat ang yabag nito na lumapit sa kanyang ina na nakaupo sa silya at nakamata sa kanya. “Good afternoon, Mom.” Tinatamad niyang pagbati saka humalik sa ina nito. “What's your plan, hija? Ano ‘to, magiging lasinggera ka na lang ba, hmm? Are you going to waste your life because of a man?” wika ng ginang saka sumimsim sa tsaa nito. “Not now, Mom. Masakit po ang ulo ko.” Sagot ni Katelyn na nagpaabot ng kape sa kanyang yaya. “At kailan kita pwedeng kausapin tungkol dito, kung araw-araw ka namang hangover at iyan palagi ang excuse mo. Hija, hwag mong kalimutan na ikaw ang namumuno sa YouGlow Skin Essentials natin. Napapabayaan mo na ang kumpanya dahil d'yan sa pagmumukmok mo. Paano naman ang kuya mo, hmm? Trabaho ba ng isang doctor ang mag-manage ng kumpanya?” pagalit ng ginang dito na napaikot ang mga mata sa inis. “I said not now, Mommy. You're annoying. Ang sakit-sakit ng ulo ko kaya please, hwag na kayong manermon,” inis nitong litanya sa ina na napailing. “Fine. Gusto mong itapon ang buhay mo? Pwes, leave my house and do what ever you want! Kapag nagkasakit ka dala ng pag-iinom mong iyan? Hwag kang magpapagamot gamit ang pera ko! It's been a year, Katelyn! Mahigit isang taon na akong nagtitimpi at inuunawa ka, pero heto at palala ka nang palala!” galit na asik ng ginang ditong pabalang na tumayo at nagdadabog na lumabas ng dining room! Napahilot na lamang sa sentido ang ginang na kinakalma ang sarili. Pilit niyang iniintindi ang dalaga niya, pero nag-aalala na din kasi siya sa kalusugan nito at sa kumpanya nila dahil napapabayaan na ito ni Katelyn. Mayaman ang ama nila Katelyn sa LA, pero wala silang natanggap mula sa dating asawa niya dahil iniwan nito sa kanyang bastarda ang kanyang kayamanan. Nag-devorced din silang mag-asawa at hindi na naghabol pa ang ginang sa kayamanan ng dating asawa, dahil may kaya din naman sila. Napalaki nito mag-isa ang dalawang anak, napagtapos sa pag-aaral na walang tulong mula sa kanilang ama. Mabait, masayahin at malambing ang mga anak niya. Pero unti-unting nagbago ang bunso niya, nang umalis na ng bansa ang bestfriend nitong si Tiger at hindi na muling nagparamdam ang binata kay Katelyn. “Señora, unawain niyo na lang po ang anak niyo. Baka lalo po kasing magrebelde si señorita kapag nagtatalo po kayo.” Kalmadong wika ng kanilang mayordoma na dinalhan ito ng tubig. Napabuntong hininga ng malalim ang ginang. Napailing na malungkot ang mga matang tumitig sa mesa. “It's been a year, Nanay. Isang taon nang ganyan si Kate. Ayoko lang na makakuha siya ng sakit sa kakainom niya. She's too young. Gusto ko lang naman, mabuhay sila na masaya at successful. Bakit ang hirap ma-achive ang pangarap kong iyon para sa kanila?” saad ng ginang na uminom ng tubig at kinakalma ang sarili. “Makakabangon din po si señorita sa pinagdadaanan niya. Sa ngayon, unawain niyo na lang po muna siya, señora. Hindi po makakatulong sa anak niyo na nagtatalo kayo.” Pagpapayo ng matanda sa kanyang amo na napilitang tumango at bumuntong hininga na lamang. “Dalhan niyo ang señorita niyo ng tanghalian sa silid niya. Tiyak na gutom na iyon,” wika nito sa mga katulong nilang kaagad na kumilos. NAGING abala sa maghapon ang binatang si Heath dahil isa itong surgeon doctor sa Madrigal's Hospital. Kilala ang hospital at karamihan, mga VIP ang kanyang mga pasyente. Kabilang kasi ang binata sa mga pinakamatalinong surgeon doctor ng hospital. "Hey, doc, pauwi ka na?" Napalingon si Heath na may tumawag sa kanya habang naglalakad siya ng parking lot ng hospital. Napangiti ito na malingunan ang mala-anghel na dalagang nakasakay sa black Ducati nito. Si Messy Madrigal-- pinsan ni Tiger at madalas niya itong maging pasyente dahil siya ang personal doctor ng dalaga. "Oo e. Actually, dadaan sana ako sa inyo, Mes. Ikaw, what are you doing here? Don't tell me, you're injured again ha?" wika ng binata na lumapit at bumeso sa dalaga. "Hindi naman, doc. Aayahin sana kitang lumabas tayo, pero-- ano nga pala iyong sinabi mong dadaan ka sa amin? Bakit? Ako ba ang sadya mo, doc?" tugon ng dalaga na humalik pa sa pisngi nito at nangingisi. Pinamumulaan kasi si Heath sa kanyang paghalik. Kaya gustong-gusto niyang tinutukso ang binata dahil gentleman ito at halatang virgin pa. "Uhm, hindi, Mes. Kila Tito Leon ako. Alam mo na, itatanong ko sana si Tiger kung ano na ang balita sa kanya. Ikaw na lang, Mes. Baka may alam ka. Sabihin mo naman sa akin kung nasaan si Tiger oh? Awang-awa na ako sa kapatid kong gabi-gabing naglalasing at iniiyakan si Tiger. Malaking bagay kay Kate ang malaman niya kung nasaan si Tiger at ano na ang balita dito. Baka sakaling. . . bumalik na sa dati 'yong kapatid ko," mababang wika ni Heath na nangungusap sa dalaga. Napabuntong hininga si Messy na lumamlam ang mga mata. Of course she know where's her cousin. Kung ano na ang balita dito at alam din niyang. . . umiiyak si Katelyn na hindi pa bumabalik si Tiger, maski ang magparamdam ito. "Uhm, doc, tara, kumain muna tayo." Pag-iiba nito. Pilit na ngumiti si Heath na tumango sa dalaga. Matagal-tagal na siyang personal doctor ni Messy, maging ang ibang kapatid nitong dalaga. Hindi niya man alam kung bakit madalas sugatan ang mga ito, hindi na lamang siya nag-uusisa. Malaki din kasi ang binabayad sa kanya nila Messy. "Sige, sa kotse--" "Ah, nope. Dito tayo. I want to hug you, doc. Namis kita e." Sagot ni Messy ditong napakurap-kurap at namula ang pisngi sa tinuran ng dalaga. Nangingisi naman ang dalaga ditong pinamumulaan ng mukha at kitang nahihiya. Parang batang masunurin si Heath na sumampa sa bigbike nito at nagsuot ng helmet. Naiiling na lamang ito sa isipan na pagka-start niya sa bigbike, kaagad nang yumapos ang braso ng dalaga sa kanya. Damang-dama niya tuloy ang malambot at pinagpala nitong hinaharap na nakalapat sa kanyang likuran. TUMULOY ang dalawa sa kilalang restaurant ng pamilya Madrigal. Nagugutom na rin kasi si Heath na ang dami nitong pasyente ngayong araw sa hospital. Pagod na ang katawan niya at gusto na niyang magpahinga. Nahihirapan na nga ito na mina-manage ang kumpanya nila habang nagdu-duty siya sa hospital. "Kumusta na ba si Katelyn, doc? Baka pwede ko siyang dalawin at ilabas?" tanong ni Messy habang kumakain silang dalawa na magkaharap. "Hindi mo iyon mailalabas, Mes. Gabi-gabi siyang lasing sa bahay e. Tanghali na siya kung bumangon at sa gabi, iinom ulit." Sagot ni Heath dito na napanguso. "You know what, doc? I like your sister. Maganda si Katelyn, matalino at sexy. Hwag naman niya sayangin ang buhay niya dahil lang sa kumag kong pinsan. Wala naman siyang aasahan kay Tiger e. Masasaktan lang siya," wika nito na nagsubo. Napatitig naman si Heath dito. Sa sinabi kasi ng dalaga, tila may iba itong ibig ipahiwatig. Napasipsip ito sa straw ng juice nitong ikinatitig ng dalaga sa kanyang mga labi saka napangisi. "Damn, ang sexy ha? Are you seducing me, doc? Sunggaban kita, sige ka." Nakangising wika ni Messy ditong muntik masamid sa tinuran ng dalaga. "Seducing kaagad? Uminom lang ako," naiiling sagot ni Heath ditong napahagikhik. "Pero, Messy, seryoso. Sabihin mo naman kung ano ang alam mo oh? Kahit ang contact number niya lang o kung ano na ang balita kay Tigre," pakiusap ni Heath dito. Napasipsip si Messy sa kanyang juice at napahingang malalim. Malungkot ang mga matang tumitig kay Heath na nangungusap na nakatitig sa kanya. Bakas sa mga mata ng binata kung gaano nito kagustong malaman ang balita kay Tiger-- na alam ng dalaga na hindi sasabihin ng pamilya ni Tiger kahit lumuhod pa si Heath sa mga ito. "Sige, I will tell you, but in one condition, doc." Wika nito na ikinalunok ng binata at kumabog ang dibdib nito! "S-sure, anything, Mes. Sabihin mo lang ang alam mo," nauutal nitong sagot sa dalagang sumilay ang pilyang ngiti sa mga labi. "Are you sure-- anything, hmm? Paano kung sabihin ko sa'yong magpakasal tayo, are you going to say yes, doc?" nakangising tanong nito sa binata na namutla at napalunok. "M-magseryoso ka naman oh? Seryoso ako, Mes. Gagawin ko anuman ang pabor na hihingin mo basta sabihin mo ang alam mo," sagot ni Heath ditong mahinang natawa. "Sige na nga." Anito saka humingang malalim. "Be my date, doc. I'm attending a Gala tomorrow evening at the Montereal hotel." Wika ni Messy ditong napalunok. "Kapalit no'n. . . ibibigay ko ang alam ko tungkol kay Tiger." Napalapat ng labi si Heath na walang pag-aalinlangan na tumango sa dalaga. "Sige, 'yon lang pala e. Pumapayag ako, Mes. Pwede mo na bang sabihin ang alam mo?" pagpayag nitong ikinangiting tagumpay ng dalaga! "A'right, that's my boy." Tugon ni Messy saka kinuha ang cellphone sa pocket nito. Nakamata naman si Heath sa dalaga. Tinawagan nito ang pinsan at ini-loud speaker pa ang cellphone para marinig ni Heath ang pag-uusap nila. Hindi naman nagtagal, sumagot si Tiger. "Hello, coz?" bungad ng baritonong boses nito na ikinangilid ng luha ni Heath na marinig ang boses ng binata. "Hey, coz. Nakakaistorbo ba ako?" malambing tanong ni Messy sa pinsan nito. "Nope, hindi naman, coz. Kakagising ko nga e. Magjo-jogging sana sa labas." Tugon ni Tiger ditong napasilip sa wristwatch niya. "Ang aga mo namang mag-jogging. Alaskwatro pa lang d'yan, 'di ba?" tanong ni Messy dito. Tahimik lang naman si Heath na nakikinig sa usapan ng dalawa. "Yeah, may isang oras lang kasi ako at babalik din ng bahay para alam mo na, maghanda ng agahan nila mama at asawa ko." Tugon ni Tiger dito. Nakagat ni Messy ang ibabang labi na napasulyap kay Heath. Nabitawan kasi ni Heath ang hawak niyang baso at namutla ito sa narinig! Kaagad namang lumapit ang isang waiter na nilinis ang sahig dahil nabasag ang baso. "What's that noise? Are you okay there, coz?" tanong ni Tiger sa pinsan nito. "Ahem! Yeah, uhm, nasa restaurant kasi ako at may nahulog na baso sa kabilang table. I'm fine, you have nothing to worry about. Ikaw, kumusta na ba. . . ang buhay may asawa, hmm?" tugon ni Messy na pilit pina-normal ang boses. "Maayos naman ako dito, coz. Hindi pa nabubuntis si Jade e. Ayaw niya pang magkaanak na kami and I'm okay with that. Naiintindihan ko naman ang asawa ko. Ayoko siyang pilitin na magkaanak na kami na hindi pa siya handa." Sagot ni Tiger. Napaiwas ng tingin si Heath na nangilid ang luha sa mga mata nito. Para siyang dinudurog sa puso sa nalaman! Gusto niyang mapasaya ang kapatid niya kaya nagpupumilit siyang alamin kung ano na ang balita kay Tiger pero-- heto at ikakaguho pa nga ng mundo ni Katelyn ang nalaman niya! "Uhm, that's right, coz. Kung hindi pa siya handa, e 'di hwag na muna. Anyway, I just called to check on you. You're okay naman, 'di ba?" pamamaalam na ni Messy at napayuko si Heath na alam niyang umiiyak. "Yeah,. I'm fine. I'm totally fine here, coz. Don't worry about me." Tugon ni Tiger saka nito ibinaba ang linya. "Hey," mababang saad nito na hinawakan sa balikat ang binata. "Paano ko sasabihin sa kapatid kong. . . may asawa na pala iyong lalakeng hinihintay at iniiyakan niya, Messy? Bakit? Bakit hindi manlang naisip ni Tiger ang kapatid ko? Hindi ba kamahal-mahal ang kapatid ko para hindi niya mapansin?" luhaang tanong ni Heath ditong tumayo at niyakap ang binata. "Shh. . . tahan na, doc. Pumapanget ka sa pag-iyak mo. Crush pa naman kita." Pag-aalo nito sa binatang umiiyak. "Kainis ka naman e. Magseryoso ka nga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD