HABANG nasa dining, napansin ni Jade na wala si Tiger sa kusina. Usually kasi, ito ang naghahanda ng pagkain nila. Nandito na ang ina at kapatid niya at ang dalawang katulong ang naghahain. Kagagaling lang nito sa trabaho. Hindi na ito nakapag agahan kaninang umaga dahil tinanghali siya ng gising.
“Yaya, call Tiger. Tell him that the food is ready.” Utos nito sa isang katulong.
Nagkatinginan pa ang mga kasama niya sa bahay saka bumaling sa dalaga.
“Anak, nakalimutan mo na ba? Naghiwalay na kayo ni Tiger at umalis na siya kaninang umaga.” Pagpapaalala ng ginang.
Natigilan si Jade na nanigas sa kinauupuan. Namutla ito na parang may sumasakal sa kanyang leeg sa narinig! Dahan-dahan itong napalingon sa kanyang ina na nakamata sa kanya.
“W-what? Since when, Mama? Hindi po kami naghiwalay ni Tiger. Nagkakamali po kayo.” Sagot nito sa ina niya.
“Ikaw ang nagkakamali, ate. Hiwalay na kayo ni Tiger at umalis na siya kaninang umaga. Gumawa pa nga siya ng cake para sa'yo e,” wika ni Jude dito at sinenyasan ang katulong na kunin ang cake sa fridge.
Lalong namutla si Jade na pinagpawisan! “Hindi, that's not true. Bakit ko naman hihiwalayan si Tiger? I mean– oo nagkakaproblema kaming mag-asawa, pero– sino bang mag-asawa ang hindi nagkakatampuhan, ‘di ba? Nagkaayos na kami kagabi ni Tiger.” Sagot ni Jade na pilit kinakalma ang sarili kahit iba na ang nagpaparamdam sa kanya.
Dinala ng katulong ang cake sa harapan niya. Kinuha din nila ang wedding ring at divorce agreement na iniwan ni Tiger kaninang umaga. Namutla pa lalo si Jade na mabasa ang nakaukit sa ibabaw ng cake!
Happy divorce day, Jade!
Nangatal ang kamay nito at namuo ang luha na dahan-dahang inabot ang wedding ring ni Tiger na kapares ng suot niya! Parang may batong bumukil sa kanyang lalamunan habang nakamata sa singsing.
“H-hindi ito totoo. Nasaan siya?” tanong ni Jade na tumulo ang luhang kinuha ang envelope at binuksan iyon! “This can't be! Kailan ako pumayag na mag-divorce kami?! This is illegal! Peke ang signature ko dito!” galit nitong sigaw!
“Paanong peke, anak? Nakita ko kayo kagabi. Ikaw mismo ang pumirma ng divorce agreement niyo, anak. Nakita ko kayo sa balcony ni Tiger.” Wika ng ina nitong ikinatigil ni Jade na napalingon sa kanyang ina!
“What? Kagabi po? Pinirmahan ko ito?” bulalas ni Jade na gulat na gulat!
Tumango-tango ang ina nitong ikinalunok ni Jade na napahigpit ang hawak sa papel na naiisip ang mga nangyari kagabi!
“I have a gift for you,” paulit-ulit na nagri-replay sa isipan niya ang katagang iyon mula kay Tiger!
“I-ito ang regalong binanggit niya. Ito a-ang regalo niya sa akin. Ang m-maghiwalay kaming dalawa,” usal nito na sunod-sunod tumulo ang luha at nakatulala.
“Hindi ba't magandang naghiwalay na kayo, ate? Tignan mo, hindi ka na mapapahiya sa mga tao dahil isang pulubi ang asawa mo na walang trabaho at walang alam sa buhay. At least, single ka na ulit. Pwede na kayong magpakasal ni Kuya Donald. Hindi ba't si Kuya Donald naman ang totoong mahal mo?” wika ni Jude dito na napailing.
“Hindi, hindi ako papayag mawala sa akin si Tiger!” sikmat ni Jade dito na nahampas pa ang mesa at pabalang tumayo na lumabas ng dining.
PATAKBO itong umakyat sa kanilang silid. Hindi pa rin siya naniniwalang iniwan siya ni Tiger!
“You can't do this to me, Tiger. I won't let you go! Asawa kita!” galit niyang sigaw!
Pagpasok niya sa silid, wala nga dito ang asawa niya. Sumunod naman sa kanya ang lahat. Nagmamadali siyang nagtungo sa closet ni Tiger at nanlumo na makitang walang ibang damit doon kundi ang isang pares ng lumang pantulog na binigay niya kay Tiger noong unang gabi nilang mag-asawa!
Natigilan si Jade nang may mapansin. Mahigit isang taon na silang kasal ni Tiger. Pero hindi niya napapansin na halos hindi nagbabago ang mga pananamit nito. Iyong mga isinusuot nito noong hindi pa sila mag-asawa, iyon lang din ang mga isinusuot nito sa bahay niya. May allowance siyang ibinibigay monthly kay Tiger pero hindi niya napansin na may biniling damit, sapatos, gadget o maski isang relo si Tiger!
“Imposible, bakit hindi ko napansin ang mga ito? Paanong. . . hindi ko manlang naibibilhan ng bagong damit o sapatos ang asawa ko?” usal nito na nakatulala sa empty closet ay hawak ang pantulog ni Tiger na naiwan doon.
“Ano ba'ng nangyayari sa'yo, Jade? Hwag mong sabihing nanghihinayang ka na umalis ang pulubing iyon sa pamamahay natin?” pagalit ng ina nito.
“Mama, bahay din ito ni Tiger at pwede ba? Hindi siya pulubi, so don't call him that way,” madiing asik nito sa ina.
“E ano pala siya, hmm? Walang diploma, walang trabaho, walang pera, walang bahay, walang sasakyan, maski nga alahas wala siya e,” ismid ng ginang.
Humarap si Jade sa mga ito na galit ang itsura. “Kahit walang-wala si Tiger? Mabait siya at disente, Mama. Kaya ko ‘yon pinakasalan at minahal,” madiing saad ni Jade sa ina nitong napataas ng kilay.
“Seryoso ka ba sa mga pinagsasabi mo, Jade? Dahil kami? Kinikilabutan kami sa mga naririnig sa'yo. Ano ba'ng nangyayari sa'yong bata ka ha? Hindi ba dapat ay magsaya tayo ngayon dahil wala na si Tiger dito? May relasyon kayo ni Donald, ‘di ba? Ayaw mo bang maging malaya na kayo ni Donald at magpakasal?” asik ng ginang ditong napailing na naiisip si Tiger.
“Hindi niyo ako naiintindihan, Mama. M-mahal ko ‘yong asawa ko–”
Isang malakas na sampal ang natikman ni Jade mula sa kanyang ina! Sa lakas ng pagkakasampal sa kanya ni Georgia, tumagilid pa ang mukha nito at bumakat ang palad ng ginang sa kanyang pisngi!
“Wake-up, Jade! Hiwalay na kayo ni Tiger! Wala na ang lalakeng iyon dito sa pamamahay natin at wala na ring bisa ang kasal niyo! Magpasalamat ka na lang na wala siyang kinuha sa mga ari-arian mo. Kahit paano, may dignidad pa rin siya at hindi kumuha ng pera mula sa'yo!” sikmat ng ginang dito na napasapo sa pisngi niyang namanhid sa lakas ng pagkakasampal sa kanya ng kanyang ina!
"Oo nga naman, ate. What's wrong with you? May Donald ka naman a. Ano ngayon kung iniwan ka ni Tiger? Hindi ba't pabor sa'yo na hiniwalayan ka na niya?" segunda ni Jude sa ina nila.
Mapait itong napangiti na naglalaro sa isipan ang mga kasalanan niya kay Tiger. Kung gaano siya kawalang kwentang asawa. Ang mga pagtatalo nila. Ang palaging pagsisinungaling niya kay Tiger sa tuwing kasama niya si Donald. Masyado siyang nabulag at nalunod sa tukso! Hindi niya na napapansin ang asawa niyang naghihintay sa kanya sa bahay at inaasikaso siya.
Sunod-sunod tumulo ang luha ni Jade na hindi makaimik. Dahil kahit masakit tanggapin. . . alam niyang maraming rason si Tiger para hiwalayan siya at iwanan. Marahil nga. . . nagsawa na si Tiger sa kanya.
"Leave me alone," mababang saad nito makalipas ang ilang segundo.
Umalis naman ang ina at kapatid nito. Naiwan itong mag-isa sa silid. Nanghihinang napaupo sa sahig yakap ang damit ni Tiger na tanging naiwan sa kanya. She was planning to end up her relationship with Donald. Dahil nagu-guilty na siya sa mga namamagitan sa kanila ni Donald.
Alam niyang nasasaktan na din si Tiger. Nagpaplano pa lang itong makipaghiwalay kay Donald at magtapat kay Tiger pero-- heto at iniwan na siya ng kanyang asawa.
"If you already know everything, then why did you not talk to me about this? Why did you not confront me? You just set me free and walked away. That's it? H-hindi ka manlang nagpaalam sa akin. M-minahal mo ba ako, Tiger? Did you?" usal nito na yakap-yakap ang damit ni Tiger.
"Sir Tiger loves you so much, ma'am. Pero sinayang mo ang pagmamahal niya sa'yo."
Napaangat ito ng mukha na may magsalita,-- ang isang katulong nila. She wiped her tears and stand-up.
"Araw-araw niyong kasama si Tiger dito. Nitong mga nakaraang buwan ba. . . may napapansin ba kayong kakaiba kay Tiger? Baka naman may babae siya kaya iniwan niya ako nang gano'n-gano'n lang?" tanong nito sa katulong na napailing.
"Ma'am, kayo ang nagbago. . . hindi ang asawa niyo. Mabait po si Sir Tiger. Nahihiya nga po ako sa kanya e. Kasi lahat ng gawain dito sa mansion, mula sa paghahanda ng agahan, paglilinis ng buong mansion, paglalaba at iba pa, siya po lahat ang gumagawa." Pagtatapat ng katulong ditong napaawang ng labi sa narinig!
"What?! How?! Kinuha ko kayo dito para gawin ang mga iyan, hindi ba?" bulalas ni Jade na salubong ang mga kilay.
"Patawad po, ma'am. Utos po kasi ng mama at kapatid niyo na si Sir Tiger ang gagawa ng mga gawaing bahay. Magagalit po sila sa amin at sinasaktan po kami kapag tumutulong kami kay sir. Kaya hindi po namin siya natutulungan dahil naging personal yaya po kami ng mama at kapatid niyo, ma'am." Nakayukong pag-amin ng katulong!
Napasapo sa ulo si Jade at para itong masisiraan ng bait sa mga nalaman! Iniiputan niya na nga si Tiger sa ulo pero--heto at inaalipin din pala ang asawa niya sa sarili nilang tahanan!
"H-hindi. . . hindi ito maaari. Ang Tiger ko. . . bakit? Paano ko nagawang durugin siya nang gan'to?" usal ni Jade na napahagulhol.
"M-may isa pa po kayong kailangang malaman, ma'am." Wika ng katulong na ikinalingon ni Jade dito.
"And what is that, huh?" umiiyak na tanong ni Jade dito.
"Hindi lang po inaalipin si Sir Tiger dito ng mama at kapatid niyo, ma'am. Si Sir Jude po, narinig ko noong nakaraan, kinukuha niya pala ang pera ni Sir Tiger na allowance niya raw nagmula sa'yo." Pag-amin nitong ikinaawang ng labi ni Jade na namutla sa kinatatayuan!
"A-ano? Kinukuha ni Jude ang allowance ni Tiger?" ulit nitong tanong na ikinatango ng katulong.
"Iyon po ang narinig ko. Iniwan ni Sir Tiger ang ATM niya kaya makikita niyo sa record niya. . . kung tama po ang mga narinig ko," sagot ng katulong ditong nagtungo sa side table nila at binuksan ang drawer no'n.
Nandoon nga ang ATM na binigay niya kay Tiger. Ngayon ay unti-unting naging malinaw sa kanya kung bakit hindi manlang bumibili ng mga personal na gamit si Tiger kahit may pera ito. Iyon ay dahil. . . kinukuha pala ng kanyang kapatid!
"Mama. . . Jude. . . bakit gan'to kayo kalupit sa asawa ko? Ano'ng nagawa ni Tiger sa inyo para durugin niyo siya nang gan'to?" usal nito na nanghihinang napaupo sa gilid ng kama. "Hindi. . . hindi lang si mama at Jude ang dumurog sa kanya. . . pati rin ako. Kaya umalis na siya. Kaya iniwan na niya ako."
Napayuko ito na napahagulhol. Hindi maproseso ng isipan niya ang mga nangyayari. Akala niya ay may oras pa siya para ayusin ang pagsasama nila pero--heto at nahuli na pala siya!
"T-tiger. . . wherever you are right now, I will find you. . . I will win you back, hubby. I will bring you back home."