TUMULOY ito sa airport. Doon na sila nagkita ng kanyang lawyer at ibinigay dito ang divorce agreement nila ni Jade na kopya niya. Naka-book na rin kasi ito ng flight pabalik ng Pilipinas kaya doon na siya tumuloy. Hindi na nga siya makapaghintay na makabalik na ng bansa.
"Mag-iingat po kayo, sir, at. . . congratulations. Welcome back po sa pagiging buhay binata," pabirong bati pa ng kanyang lawyer na ikinatawa nito.
"Salamat. Tapusin mo na kaagad ito, atty. Sumunod ka kaagad sa bansa." Tugon ni Tiger na tinapik ito sa balikat.
Yumuko ang lawyer nito sa kanya at inihatid ito sa loob ng airport hanggang sa departure area.
*****
Makalipas ang halos labinlimang oras sa byahe, nakarating din sa bansa si Tiger! Napangiti ito na napainat ng mga braso pagkalabas ng airplane. Damang-dama na niya sa simoy ng hangin. . . na nakauwi na nga siya.
“Manila, I'm back.” Usal niya sa isipan na napangiting inayos ang suot na sunglasses at facemask.
Tinawagan nito ang isa sa kanyang mga kapatid dahil wala pang may alam na nandito na siya. Biglang sumagi sa isipan niya ang dalagang kaibigan at namis ito bigla! Bumilis ang kabog ng dibdib nito na napangiting hinihintay sumagot ang kapatid niya– si Lewis Madrigal.
“What's up, dude? Teka– you're using Philippine simcard?!” bulalas ni Lewis na mapansin na gamit ni Tiger ang old number nito.
Mahinang natawa si Tiger na napailing. “Yeah, actually, kakarating ko pa lang, dude. Can you fetch me here at NAIA airport? Alangan namang mag-taxi ako pauwi,” nakangusong sagot ni Tiger ditong mahinang natawa.
“A’right, I'll be there in ten minutes. Anyway, saan ka tutuloy? Sa hospital ba?” tanong ni Lewis na ikinakunot ng noo nito.
“Hospital? Bakit naman sa hospital ako tutuloy?” naguguluhang tanong ni Tiger dito.
“Oh? Akala ko umuwi ka dahil sa best friend mo, si Kate. Hindi mo pa ba alam ang nangyari sa kanya?” naguguluhang tanong din ni Lewis ditong napalunok at binundol ng kakaibang kaba sa dibdib!
“H-hindi pa. Why? What happened to her?” nauutal na tanong ni Tiger na iba na ang nagpaparamdam sa kanya!
“Gosh, Tiger? She is your bestfriend, pero– wala ka manlang bang alam sa mga nangyayari sa kanya?” pagalit ni Lewis ditong napasapo sa ulo. “She's in the hospital, Tiger. Unstable and comatose until now. Actually, it's been almost a month that she's fighting for her life. Naaksidente siya e. Mabuti na lang at matalino si Heath, siya ang nag-opera sa kapatid niya nang isugod si Kate sa hospital natin.” Pagbibigay alam ni Lewis ditong natigilan na nanlambot ang mga tuhod sa nalaman!
“W-what? She's coma and unstable? Ibig sabihin. . . iyong mga kakaibang nadarama ko this past few weeks, it's all about her. Si Kate ang dahilan ng mga pag-aalala ko?” usal nito sa isipan na naglaglagan ang butil-butil na luha.
Nanghihina itong napaupo sa semento na luhaan. Parang pinipiga ang puso niya na naiisip ang nakaraan. Lalo siyang kinakain ng guilt na malamang critical ang dalaga na palaging nasa tabi niya noon sa tuwing may problema o kailangan siya!
“K-kate. . . I'm coming,” usal nito na hindi mapigilang mapahagulhol sa sobrang bigat na nadarama!
PAGDATING nila sa hospital, patakbong nagtungo si Tiger sa elevator. Naiiling naman ang kapatid nitong sumunod sa binata. Halos hindi niya ito makilala kanina sa airport sa itsura ni Tiger. Maong na kupas ang suot, black jacket na luma din. Nakasumbrero ng itim, naka-shades at facemask pa. Ngayon niya nga lang napansin na mahaba pala ang buhok ni Tiger na nakapusod.
"Bakit naman hindi niyo ako sinabihan kaagad sa nangyari kay Kate?" pagalit nito kay Lewis habang paakyat ang elevator sa VIP floor ng hospital.
Napakamot sa ulo si Lewis na napangiwi. "C'mon, Tiger. Ikaw itong nagsabi na gusto mo na munang mapag-isa kaya hwag ka naming guguluhin. Isa pa, ang sabi ni Doc Heath ay nagkausap na kayo ni Katelyn. Nakita nila ang number mo sa call logs sa cellphone ni Katelyn. Actually, parang ikaw nga iyong sinisisi ni Doc Heath e. Kasi nangyari ang aksidente. . . noong nagkausap kayo ni Katelyn. Inamin mo ba kay Katelyn na may asawa ka na abroad?" pagbibigay alam ni Lewis ditong napalunok at namutla sa narinig!
"H-hindi. . . that's not true," usal ni Tiger na naalala ang araw na iyon! "Kung gano'n. . . ako nga ang dahilan kaya siya naaksidente. This is all my fault."
"Hey, take it easy, Tiger. Hindi mo naman kagustuhan ang nangyari. Isa pa, that was an accident. Nagkataon lang na in love sa'yo ang best friend mo at nadurog siya na malamang may asawa ka na. Alam mo ba? Gabi-gabi daw iyon naglalasing e. Ilang beses din silang nagtutungo sa mansion para kausapin si daddy na sabihin kung nasaan ka. Kaso, alam naming ayaw mong magpahanap sa kahit na kanino kaya palagi silang bigong malaman kung nasaan ka." Wika pa nito.
Natutulala naman si Tiger na hindi maproseso ng utak ang mga nalaman! Hanggang sa bumukas ang elevator at nagmamadali itong nagtungo sa silid na kinaroroonan ni Katelyn.
"Katelyn--" natigilan ito na bumukas ang pintuan ng silid at inilalabas ang isang hospital bed na may nakahiga doon at natatakluban ng puting kumot!
"N-no. . . K-kate, nandito na ako," usal nito na nanginginig at sunod-sunod na tumulo ang luhang nakamata sa nakahiga sa kama.
Sinugod niya ito na mahigpit na niyakap! Napahagulhol na wala nang pakialam sa paligid niya! Sa isip ni Tiger--he's late. Hindi siya umabot na masilayang humihinga pa ang dalaga!
"Katelyn!" sigaw nito na mahigpit na yakap-yakap ang patay.
Pilit naman itong inaalo ni Lewis na inilalayo sa patay. Nahihiya na ang binata dahil sa pag-aatungal ni Tiger dito sa hallway ng hospital. Mabuti na lang at walang ibang tao sa paligid dahil nasa VIP floor sila. Puro pribado ang mga silid doon.
"Ano ba, Tiger? This is embarrassing, tumigil ka na." Pabulong sikmat ni Lewis dito na napailing.
"No! Wala akong pakialam! Katelyn, I'm sorry for leaving you. I'm sorry. I'm so sorry." Umiiyak nitong saad habang yakap-yakap ang katawan ng patay. "Please, comeback. Comeback, Kate. Nandito na ako."
"Hoy, Tigre. Ipinagdadasal mo bang. . . mamatay na ang kapatid ko?"
Natigilan si Tiger sa pag-atungal na marinig ang pamilyar na boses. Dahan-dahan itong nag-angat ng mukha at napalingon sa nagsalita na nasa kabilang silid.
Naikurap-kurap niya pa ang mga mata na makita. . . ang binatang doctor na kapatid ni Katelyn! Seryoso ito na nakakunotnoo na nakamata sa kanya.
"H-heath? Bakit nand'yan ka?" tulalang tanong nito sa doctor na napailing.
"Dahil nandito sa silid na ito ang kapatid ko. What about you? What's that drama ha? Dinig na dinig ka dito," pagalit ni Heath ditong namilog ang mga mata na may ma-realized!
"W-wait. . . kung nand'yan siya sa silid-- sino ito?" tulalang tanong ni Tiger na namutla at may yakap-yakap siyang patay!
"Exactly, sir. Who the hell are you? Hwag mo namang gawing bakla itong anak ko. If you're not one of his friends, then let us go." Wika ng ginang na ikinabitaw nito sa katawan!
"S-sorry po, ma'am. Napagkamalhan ko lang po," magalang paumanhin ni Tiger na tinanguhan ng ginang at umalis na sila.
Napangiti si Lewis na tinapik sa balikat ang kapatid nito. Ngayon niya lang kasi nakitang nagpakumbaba si Tiger na umamin ng pagkakamali.
"Mukhang nag-matured ka sa paninirahan mo sa LA ha?" tudyo nito kay Tiger na napailing.
"Siraulo. Tara na nga." Aniya na lumapit sa kinatatayuan ni Heath.
Napakamot pa si Tiger sa ulo na nagpahid ng luha at alanganing ngumiti kay Heath. Nakatayo kasi ito sa tapat ng pintuan na nakasarado. Kaya hindi siya basta-bastang makakapasok sa silid.
"Uhm, kumusta, dude? Can I come in?" wika ni Tiger dito.
"Why? Hindi ba't wala ka namang pakialam sa kapatid ko? You are the reason why my sister is lying inside! Kasalanan mo ito e. Hindi sana ito nangyari kung hindi ka minahal ng kapatid ko!" galit at madiing asik ni Heath ditong nangilid ang luha.
"Hindi ko alam na naaksidente siya, Heath." Mababang saad ni Tiger ditong napangisi at iling.
"Oh really? O baka naman kasi. . . wala ka lang pakialam, Tiger. Magkaiba kasi iyong totoong walang kaalam-alam. . . sa wala naman talagang pakialam." Makahulugang saad ni Heath ditong napalunok at pinahid ang tumulong luha.
"Uhm, doc, hindi talaga alam ng kapatid ko ang nangyari kay Kate. Kaya nga dumiretso siya dito nang sabihin ko sa kanya kanina na nandidito si Kate." Paglilinaw ni Lewis.
"Wala akong pakialam kahit magkampihan pa kayong dalawa. Now, get the hell out of here. No visitors allowed to visit my sister-- specially you," madiing saad ni Heath na nakamata kay Tiger.
"H-heath, please? Gusto kong makita si Kate. I want to talk to her. I want to hug her. Gusto kong iparamdam sa kanya na nandito na ako. Sige na, please? Kahit sandali lang. I want to see her, please?" naluluhang pakiusap ni Tiger na akmang luluhod pa nga nang pigilan ito ni Heath.
"You only have twenty minutes to stay." Malamig na tugon ni Heath ditong napalabi.
"Make it thirty. I miss her so much. Thirty minutes, please?" pakiusap ni Tiger ditong napailing na umalis na.
Kaagad namang pumasok si Tiger ng silid at parang mabubuwal ito na naglalakad habang nakamata sa dalagang nakahiga sa gitna ng kama. Nandito ang ina nila na napatayo na makilala ang bisita. Nakaalalay naman si Lewis kay Tiger dahil pasuray-suray itong naglalakad at sunod-sunod ang pagtulo ng luha na makita ng kanyang mga matang. . . comatose nga ang dalaga!
"K-kate. . . Kate, I'm here. Nandito na ako," usal nito na nangingig ang kamay na inabot ang dalaga at mahigpit na niyakap!