KAHIT alam ni Tiger ang lahat, he act normal in front of his wife. He smiled, he talks to her so calm like he don't know anything yet. Wala siyang ibang goal ngayon kundi ang mapapirma si Jade sa divorce nila para matapos na iyon at makalaya na siya. Hindi na niya kayang magtagal sa pamamahay ni Jade lalo na ang maging asawa nito.
“What's the occasion, Tiger? Why you effort this much to please me, hmm?” tanong ni Jade habang magkaharap silang nagdi-dinner sa balcony ng silid nila.
“I want to treat you, wife. Ginagawa ko naman na ito dati pa a. Why questioning me now? Anyway, I prepared you something that you will surely like. Sabihin na nating– regalo ko para sa'yo.” Nakangiting sagot ni Tiger na pinaghiwa pa si Jade ng steak at inilagay sa plato nito. “You like rear steak so– I cooked it for you.”
Hindi naman nakadama ng kakaiba si Jade. Lalo na't distracted ito na maya't-mayang nagme-message si Donald sa kanya. Panay ang paalala ni Donald na hwag siyang m************k kay Tiger o maski magpahalik sa mga labi at magpahaplos.
“You want some wine, wife?” alok ni Tiger dito na tumango.
Pinagsalin ito ni Tiger ng wine sa wineglass nito at nakangiting nakipag-toss.
“Hindi ka na ba nagtatampo niya'n? Is this mean– we're okay now? Kikibuan mo na ba ako at yayakapin sa pagtulog, Tiger?” tanong ni Jade dito na tumango at labas sa ilong na ngumiti.
“Yeah, naisip ko, bakit pa natin pinapatagal ang tampuhan kung pwede namang ayusin at tapusin na ito, ‘di ba?” makahulugang saad ni Tiger dito na napanguso at tumango.
“Fine. Pakawalan na natin ang nakalipas, hubby. If you want anything, just say it. I will give it to you– anything.” Sagot ni Jade dito na napangiti.
“Anything?” ulit na tanong ni Tiger ditong tumango na nagsubo.
“Yeah, anything, hubby. Drop it, I will give it to you.” Balewalang sagot nito.
Napasinghap pa si Tiger na humugot ng bwelo para mapapirma si Jade. Hindi masyadong maliwanag sa kinaroroonan nila. Sinadya niya iyon para hindi mapansin kaagad ni Jade ang papeles, unless basain niyang maigi ang nilalaman no'n.
Maya't-maya itong nadi-distract sa cellphone niya pero hindi iyon pinupuna ni Tiger. This is the best timing for him to make her sign their divorce agreement. Pasimple nitong kinuha mula sa silyang inuupuan niya ang envelope. Nagtitipa naman sa cellphone si Jade dahil kausap nito sa text si Donald at nilalandi siya.
“Uhm, wife. Siya nga pala. I need you to sign these papers ha? Uhm, this is my gift for you so I hope– you will sign it.” Pasimpleng saad ni Tiger na dahan-dahang iniusog ang papeles sa harapan ni Jade.
“Give me pen, hubby.”
Napangisi si Tiger na iyon ang isinagot ni Jade! Sobrang bilis ng t***k ng puso niya at namumutla pa nga siya sa mga oras na ito. He handled the pen to his wife, at dahil abala si Jade sa cellphone nito, hindi na niya binasa ang papeles at pinirmahan na lamang ang mga dapat niyang pirmahan. Hindi na niya iyon inusisa pa dahil sinabi ni Tiger na regalo niya iyon para sa kanya. Maybe something like– new house, penthouse, or car that needs her signature.
Napangiting tagumpay si Tiger matapos pirmahan ni Jade ang divorce agreement nila at ipinasa ito sa kanya. Sakto namang nag-ring ang cellphone ni Jade na tumatawag si Donald kaya tumayo ito na nagpaalam.
“Hubby, this is important. Sagutin ko lang, okay?” pamamaalam nito na ikinatango ni Tiger.
“Go ahead, wife. Take your time.” Labas sa ilong na sagot ni Tiger na may hilaw na ngiti sa mga labi.
MALAPAD ang ngiti ni Tiger na isa-isang tinignan ang mga papeles at lahat iyon ay pirmado na ni Jade. Para siyang nabunutan ng tinik na nakatarak sa dibdib na napapirma niya ito.
“Thanks, Donald. You helped me a lot.” Usal niya sa isipan na alam naman niyang si Donald ang katext ni Jade at ang tumawag.
Matapos masuri ang mga papeles, ibinalik na ito ni Tiger sa envelope. Lingid sa kaalaman niya ay pinapanood sila ng kanilang byanan sa kabilang balcony. Nakita nito na may ipinapirma si Tiger sa anak niya at pinirmahan iyon ni Jade. Iba ang nagpaparamdam sa matanda kaya naman nang pumasok si Tiger sa silid, kaagad itong sumunod na nagkubli sa bintana at pinanood si Tiger.
“Ano kaya ang laman ng envelope na iyon? Bakit niya pinapirma si Jade at napakalapad ng ngiti niya. Hindi kaya. . . ninanakawan na niya ang anak ko?!” bulalas nito na namilog ang mga mata!
Nang bumalik na si Tiger sa balcony, pakubli-kubli itong bumalik sa kanyang silid at umikot. Pumasok siya sa silid nila Tiger habang abala na ang dalawa sa dinner date nila. Nagkakainuman, tawanan at kulitan na parang totoong mag-asawang nagse-celebrate.
Maingat ang bawat paghakbang ng ginang na tinungo ang drawer kung saan itinago ni Tiger ang documents. Nang makuha niya iyon, kaagad niyang binuksan ang envelope at namilog ang mga mata na mabasa ang nilalaman no'n kung saan pirmado na ni Jade at Tiger!
“Divorce agreement?!” bulalas nito na hindi makapaniwala!
Kaagad niyang sinuri ang papeles at napangising makita na walang kukunin si Tiger mula kay Jade maski isang pisong dollar! Namangha pa siya at natuwa na malamang hiwalay na ang dalawa!
“Kung gano'n. . . ito pala ang isine-celebrate nila? Sa wakas. . . nagparaya ka rin, Tiger. Mapapalayas na kita dito– at magpapakasal na ang anak ko kay Donald!” kinikilig nitong turan na ibinalik ang documents sa drawer.
Pakanta-kanta pa itong bumalik ng kanyang silid at nagbukas ng wine para mai-celebrate din ang paghihiwalay ng dalawa. Sigurado kasi siyang lalayas na si Tiger sa pamamahay nila at magsasama na si Donald at Jade!
******
Kinabukasan, maagang bumangon si Tiger. Nagluto siya ng agahan, nilagay ang cake sa gitna ng mesa at ang divorce agreement nila kasama ang wedding ring na suot niya. Matapos mai-set-up ang lahat, napangiti ito na nakamata sa divorce agreement nila, sa wedding ring na wala na sa daliri niya at ang cake na may nakasulat sa top nitong– Happy divorce, Jade. You are free now.
Satisfied itong napangiti na bumalik sa silid nila. Nahihimbing pa si Jade. Dahil abala ito palagi sa trabaho, hindi niya napansin na wala na maski ang wedding portrait nila sa silid. Sinunog iyon ni Tiger at maging ang lahat ng pictures nila na magkasama sa gallery ng laptop ni Jade. Binura niya lahat at walang iniwan na bakas. Maski ang ATM na ibinigay sa kanya ni Jade– iniwan niya iyon sa drawer.
Kinuha nito ang mga damit niya. Wala naman siyang mga damit na binili mula sa pera ni Jade. Kaya dinala niya lahat ng mga gamit niya. Iniwan niya lang ang isang ternong pantulog na kapares ng nighties ni Jade noong unang gabi nilang mag-asawa.
Napangiti ito na pinakatitigan ang babaeng pinakasalan, minahal, inaruga at pinagsilbihan ng mahigit isang taon. Okay naman sana si Jade. Pero nagbago ang lahat nang patirahin nito ang kanyang ina at halfbrother sa pamamahay nila. Dumagdag pa ang pagbabalik ng ex boyfriend nitong naging kabit ni Jade.
Lumapit siya kay Jade at hinaplos ito sa ulo. Kahit hindi na niya ito asawa ngayon at wala ng puwang ang dalaga sa puso niya? May konting respeto pa rin naman siyang natitira para dito. Alang-alang sa maganda nilang pinagsamahan noon.
"Take good care of yourself, Jade. Alam kong masaya ka sa kanya. You are free now. Thank you for everything. Hanggang dito na lang-- paalam." Wika nito na hinagkan sa ulo ang dalaga bago tuluyang lumabas ng silid dala ang maleta niya.
Nagulat pa ito na makita si Jude na nandito sa labas ng silid nila at tila hindi manlang nagulat na makitang dala ni Tiger ang maleta nito.
"Need help, Tiger?" nakangisi nitong tanong.
"No thanks." Malamig na sagot ni Tiger na tinalikuran na ito.
Sumunod naman sa kanya ang binata. "Mabuti naman at nakinig ka sa payo ko sa'yo noong nakaraan. Good decision, Tiger. Ganyan nga. Umalis ka na dito sa pamamahay namin dahil hindi ka naman namin gustong makasama dito e. Bumalik ka na sa kalsada-- doon ka naman pinulot ni ate, 'di ba?" pang-aasar ni Jude dito na napaikot lang ng mga mata.
Hanggang sa makalabas na sila ng gate. "Wala ka namang kinuhang pagmamay-ari ni ate, noh? Kung sabagay, oras na may ninakaw ka? Sa kulungan ang bagsak mo." Dagdag pa ni Jude na nakangisi dito.
"Hwag kang mag-alala, Jude. Damit ko lang ang dala ko na nagtungo noon dito kaya. . . damit ko lang din ang dinala ko paalis. Hindi ako magnanakaw kaya kahit suriin mo pa ang maleta ko? Wala kang makikita dito." Sagot ni Tiger dito.
"No need for that. Magtatagal ka pa dito e. O hayan na, may parating na cab. D'yan ka na sumakay at nang makaalis ka na dito. Goodbye, Tiger." Nakangising wika ni Jude na siya na ang pumara sa parating na taxi.
Naiiling na lamang sa isipan si Tiger. Mabuti na lang at hindi siya gusto ng kapatid ni Jade. Dahil tinulungan niya pa itong mapadali ang pag-alis sa pamamahay na iyon. Habang nakasakay ito sa cab at palayo na siya nang palayo, napapikit ito na may ngiti sa mga labi. Pakiramdam niya kasi. . . unti-unti nang nakakalas ang mga nakatali sa kanya at ramdam--na malaya na siya.