KAKAMOT-KAMOT sa ulo si Tiger na hindi makasingit para masolo si Katelyn. Kita kasing naiilang ang dalaga sa kanya at parang natatakot ito. Si Heath at ang ina lang nila ang madalas na kinakausap ng dalaga. Ni hindi niya matagalang matitigan sa mga mata si Tiger. “Kuya?” “Hmm?” Napalingon si Heath sa kapatid nito nang kalabitin siya sa braso ni Katelyn at sumenyas na may sasabihin. Inilapit naman nito ang mukha sa dalaga at pasulyap-sulyap ito kay Tiger na nasa kitche kausap ang ina nila. Naghahanda ang dalawa ng tanghalian at kita ang closeness nila. “Hindi pa ba siya uuwi? Is he really close to us?” tanong ni Katelyn dito na napangisi. “Hindi talaga iyan uuwi, sweetheart. Binabantayan ka niya e.” Sagot ni Heath dito na nangunotnoo. “Why? Nandito naman kayo ni mommy a. I'm not

