ONE WEEK LATER: MABILIS lumipas ang mga araw. Mabilis kumalat sa internet na nakabalik na ng bansa ang isang run-away tycoon billionaire na si Tiger Madrigal! Kaliwa't kanan ang tumatawag na network para kunin ito pero– wala sa mga iyon ang tinanggap niya. Not even his old network. Naka-focus ito sa isang bagay– sa isang tao. Kay Katelyn. “See? Si Tiger ang hinihintay ng kapatid mo, son. Look at her progress now,” naluluha at nakangiting saad ni Mrs Dolores. Napangiti din si Heath na tumango-tango. Iniabot sa kanyang ina ang result ni Katelyn at nakumpirma nilang malaki na nga ang progress ng dalaga. She's stable now. Hindi na rin nagfaflat ang heartbeat nito sa monitor. She's no longer in danger. Hinihintay na lamang nilang magising ito, one of these days. “Nagalit lang naman po

