HABANG nasa kahabaan ng byahe, tahimik ang dalawa na nagpapakiramdaman. Maraming gustong itanong si Katelyn kay Tiger pero hindi niya alam kung paano magsisimula. Kaya hinihintay na lamang nitong si Tiger ang unang babasag sa nakabibinging katahimikan sa pagitan nila. Napababa ito ng tingin sa kamay nila. Hawak-hawak kasi ni Tiger ang isang kamay niya, habang nagmamaneho ang isa nitong kamay. Kahit hindi niya pa rin maalala ang nakaraan, damang-dama ni Katelyn sa puso niya na masaya siya ngayon. Na kinikilig ito habang hawak ni Tiger ang kamay niya. “Saan tayo, baby? Bahay niyo ba?” “Ha?” Nag-angat ito ng mukha nang magsalita si Tiger. Sa lalim ng mga iniisip niya, hindi niya naintindihan ang itinanong ni Tiger sa kanya. Napakurap-kurap pa ito nang mahinang natawa si Tiger sabay pis

