HABANG nasa shower room si Tiger, nagtungo na muna sa balcony si Katelyn na may dalang wineglass. Nasa 50’th floor ng condominium ang unit ni Tiger at kabilang sa mga presidential suite ito dahil pagmamay-ari ng pamilya nito ang condominium. Napasimsim sa wine si Katelyn habang nakamata sa kailawan ng syudad sa harapan niya. Tahimik ang gabi at malamig ang simoy ng hangin na sumasalubong sa dalaga. Habang nagmumuni-muni ito, iniisip ang ex-wife ni Tiger na nakita nito sa party. “That party was only for those owners of a beauty products company. Is this mean. . . she also has a company just like mine?” usal nito na naiisip ang katauhan ng ex-wife ni Tiger. Alam niyang may negosyo ito at minsan na iyong nabanggit ni Tiger. Pero dahil wala siyang interes at naiinis lang siya na napag-uu

