Chapter 2

1304 Words
NAPAILING ang binatang si Heath na makita ang nakababatang kapatid nitong umiinom na naman sa kanilang mini bar ng mansion– si Katelyn Scott. Lumapit ito sa dalaga na kitang tamado na at nakakalahati na ang iniinom nitong Glenfiddich whisky. “What's the matter, sis? Don't tell me, it's Tiger again? Damn, wake-up, Kate. It's been a year since that man's disappeared,” pagalit nito sa kapatid niya. Magmula kasi nang umalis si Tiger ng bansa, nawalan na siya ng connection dito. Hindi niya rin alam kung nasaan ang binata dahil ang huling pag-uusap nila, sinabi ni Tiger na gusto niya na munang mapag-isa sa lugar na walang nakakakilala sa kanya. Pero heto at mahigit isang taon na ang nakakalipas, hindi pa rin siya bumabalik ng bansa. Tiger and Katelyn are bestfriends. Childhood bestfriends to be exact. Tatlo silang magkakaibigan. Si Tiger, Hermes at Katelyn. The two boys treat her as their princess ever since they are kids. Mula elementary, highschool, college ay matalik na magkakaibigan ang tatlo. Pero nagkasira sila nang magka-girlfriend si Tiger at inagaw ni Hermes ang girlfriend nito. Lihim na may pagtingin si Katelyn kay Tiger. Pero hindi napapansin ni Tiger ang pagtingin sa kanya ng dalaga because he only see her as his younger sister. Si Hermes naman, she courted Katelyn, pero binasted ito ni Katelyn at sinabi nito kay Hermes na si Tiger ang mahal niya. Alam iyon ni Hermes. Dahil habang pinagmamasdan ni Katelyn si Tiger, pinagmamasdan niya rin ang dalaga. Sa galit nito, inagaw niya ang girlfriend ni Tiger. Hindi na niya inisip ang masisirang friendship nila. Nagkataon naman na may gusto rin kay Hermes si Deia, kaya sa huli, pinagtaksilan nila si Tiger at nalaman iyon ni Katelyn. Si Katelyn ang nangibisto sa dalawa kay Tiger. Kaya nagkasira-sira silang tatlo. Nang umalis si Tiger ng bansa, umasa ang dalaga na babalik din ito at sasamahan si Tiger sa paghilom nito. Pero heto at lumipas na ang isang taon, wala pa ring paramdam si Tiger sa kanya. Gabi-gabi itong umiinom. Umiiyak at hinahanap si Tiger. Pero kahit lumuha siya ng dugo, mamaga ang mga mata niya sa kakaiyak, walang Tiger ang dumarating. Hindi katulad noon na isang tawag niya lang sa kaibigan, dumarating kaagad ito para samahan siya. “Please, kuya, not now. You know that I loved him so much. Hindi ko siya kayang kalimutan nang gano'n-gano'n lang. Tiger is my life, he's my everything.” Luhaang sambit ng dalaga sa kapatid nitong napailing. Mugto na ang mga mata nito sa kakaiyak. Namumula na rin ang maganda niyang mukha dala ng kalasingan at pag-iyak nito. Nagsalin si Heath ng alak sa isang baso at dinamayan ang kapatid niya. Alam niya naman kung gaano kamahal ni Katelyn si Tiger. Iyon nga lang, masyadong bulag si Tiger para mapansin ang kaibigan nitong sikretong umiibig sa kanya. “Pero maawa ka naman sa sarili mo, Kate. Look at yourself, sweetheart. You're not the same Katelyn we ever know. Nasaan na ‘yong Katelyn na masayahin? Iyong Katelyn na puro positive? ‘Yong Katelyn na palaging nagpapalakas ng loob namin? Hindi ba you always said before that– always look at the bright side of life.” Mapait na turan ni Heath ditong napailing at patuloy ang pagtulo ng luha. “Ang problema, wala akong makitang liwanag ngayon, kuya. Dahil wala si Tiger dito. God knows how much I missed him. Kahit makausap ko manlang siya, kuya. Malaman ko manlang kung nasaan siya? Kumusta siya? Ano na ang nangyari sa kanya? Hindi katulad nito na para akong naghihintay sa wala. Para akong naglalakad sa malawak na disyerto at hindi malaman kung saan tutungo para makaalis na dito. I loved him so much, kuya. He is my life. He is my happiness– my everything. So tell me, how do I start my life again? If I'm not complete and I feels so weak.” Mapait nitong tugon na tinungga ang shot nito. NAKATULUGAN na ng dalaga ang pag-iyak. Naaawa man si Heath sa kapatid niya, wala naman itong magagawa. Ilang beses na siyang nakausap sa pamilya Madrigal na sabihin sa kanya kung nasaan si Tiger, pero nabibigo lang siya dahil palaging ang sagot ng pamilya ni Tiger– uuwi ito kapag nakahanda na siya. Lumaki ang magkapatid na ang ina lang nila ang nakakasama nila. Dahil ang ama nila, ni minsan ay hindi nila nakilala. May kaya ang pamilya Scott. Pero hindi kasingyaman ng pamilya Madrigal. Wala silang kakayahan para hagilapin si Tiger dahil naka-cover ang pamilya Madrigal sa binata. “Lasing na naman ang batang iyan?” galit na wika ng ina nila– si Mrs Dolores Scott. Nakasalubong kasi nito ang binatang anak na karga si Katelyn na lasing na lasing. “Hayaan na natin, Mom. At least, dito po siya sa mansion naglalasing at hindi sa labas. Mas delekado po sa kanya kung sa labas pa siya iinom at magpapakalasing.” Sagot ni Heath sa inang naiiling na sumunod sa kanila sa silid ng dalaga. “Makakakuha naman ng sakit iyang kapatid mo sa kakainom niya. Ano kaya kung ipagkasundo ko na lang siya sa iba, hmm?” ani ng ginang na binuksan ang pintuan ng silid ni Katelyn at sumunod sa mga itong pumasok. “Iyan ang hwag na hwag niyo pong gagawin, Mommy. Alam niyong hindi niyo ito mapapapayag na magpakasal sa iba,” tugon ng binata sa ina nitong napailing. “Then what should we do, Heath? Panonoorin na lamang natin ang kapatid mong maging lasinggera? Aba, bumabagsak na ang sales ng YouGlow Skin Essentials dahil sa pagpapabaya ng kapatid mo,” wika ng ginang na tinulungan itong ihiga sa kama ang dalagang walang malay dala ng kalasingan. “Ako na po ang bahala sa kumpanya, Mom. Inaagapan ko na po. Pagbigyan na natin si Katelyn. She's having a hard time. Pang-unawa at suporta ang kailangan nito, hindi ang i-pressure siyang ipakasal sa hindi naman niya mahal. Babalik ako bukas sa mga Madrigal. Kung kinakailangan kong lumuhod sa harapan nila, sabihin lang nila kung nasaan si Tiger, gagawin ko.” Sagot ni Heath na hinaplos sa ulo ang nakababatang kapatid nito. “Sige na, son. Ako na ang bahala sa lasinggera na ‘to. Kumain ka na doon, hmm?” kalmadong saad ng ginang ditong tumango at humalik sa noo ng kanyang kapatid at ina bago lumabas ng silid. Naiiling namang tumayo si Mrs Dolores na nagtungo sa closet ng dalaga. Kumuha siya ng pantulog nito at maligamgam na tubig sa banyo para mapunasan ang dalagang gabi-gabi na lamang naglalasing. “Hays, anak ko. Kung sana e kasing lakas at tapang mo ako. Na kaya kong iwanan ang mahal ko, at unahing mahalin ang sarili ko. I can live without a man in my life. Hindi ba pwedeng iyon ang manahin mo sa katangian ko? Nang sa gano'n, hindi ka nadudurog nang gan'to.” Wika nito sa lasing niyang anak habang pinupunasan. Mapait itong napangiti na pinagmamasdan ang anak niyang nahihimbing. Alam naman niya kung bakit nagkakagan'to si Katelyn. Minsan ay naiinis na siya sa dalaga dahil puro ito Tiger. Pero mas nananaig ang awa niya sa kanyang anak. Dahil sino ba namang ina ang matitiis makitang nadudurog ang anak nito? Minsan ay naiisip na lamang niyang isumpa ang asawa niyang yumao na dahil pakiramdam niya, ang anak niya ang nagdudusa sa karma na dapat ay sa dating asawa niya. Dahil sa pangangaliwa nito noon at mas pinili pa ang kabit nito-- kaysa sa kanyang mag-iina. "This is all your fault, Chris Carter. Kung hindi ka sana nagloko noon, hindi kakarmahin ang anak mo ngayon. Kung pwede lang kitang hukayin sa libingan mo at durug-durugin ang kalansay mo, gagawin ko." Usal nito sa isipan na sumasariwa ang masalimuot na bahagi ng buhay niya, dahilan kaya mas pinili niyang hindi na muling umibig pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD