CHAPTER 16 Bakit kahit saan naman ata ako mag punta ay nakakasabay ko si Father Atticus? Hindi ko alam kung stalker ba s'ya o nag kataon lang na nandito siya sa pinuntahan namin ni Atlas at Warm. Ngayon ay magkausap pa nga si Father Atticus at si Atlas habang kami ni Warm ay narito lang sa table. Nasa isang resto kasi kami ngayon at nagka salubong kami ni Father Atticus. “ Tita bakit kakaiba ang tingin ninyo kay Father Atticus? May problema po ba? ” Agad akong umiling kay Warm at inalis ang tingin sa dalawang lalaki. “ Wala naman. Napapansin ko kasi parang napaka lapit nilang dalawa sa isa't isa. ” Saad ko. Hindi ko talaga alam kung may something ba sakanila o baka naman sadyang friendly lang ang dalawa at kuhang kuha ang ugali ng isa't isa. “ Ganyan naman po talaga si Mayor

