CHAPTER 18 “ Piper are you okay? ” It was one of our photographer Sunny. Pinsan siya ni Atlas. “ Yeah. Pasensya na mukhang hindi maayos ang mga kuhang litrato ko kanina. ” Nandito ngayon ako sa studio photoshoot ko ngayon. Laking pasasalamat ko nga na pinapayagan na ako ni Atlas lumabas kahit walang kasama. Madalas kung lalabas ako ay pinapasundan pa niya ako ng palihim ngunit ngayon ay hindi na. Baka may something na nakain si Atlas. “ Okay naman ang mga kuha mo pictures kanina. May problema ba? ” Huminga ako ng malalim at tumingin sa malayo. “ Naninibago lang ako kay Atlas. Bigla siyang naging smooth saakin. Kapag galit siya ay kalmado pa rin siya at hindi na niya binubunton saakin. Isa pa ay pinapayagan na din niya akong gumala. Hindi na mahirap mag paalam kay Atlas. Nanin

