Ga,ano ba ang nangyari sa'yo.Ano ba napanigipan Mo at tila ba humahangos ka? Alam Mo ba natakot Ako kanina sa'yo? wika ni Rhea na kaboardmate ko.Binangungot kasi ako Reah,ewan ko ba kahit matagal na yung nangyari naaalala ko parin...Ano ba kasing nangyari sa'yo noon ha? wika ni Rhea. Care to share naman diyan oh? dagdag pa nito.Kasi noong kolehiyo pa ako may nangyari sa akin na 'di ko alam kung panaginip ba o totoo. Ganito kasi iyon...Flashback....5 years ago.Oktubre yun taong 2008, 2nd year na ako sa kurso kong nursing noon at kasalukuyang naglelecture pa ang prof. namin sa last subject.Anu ba yan si prof. last subject na nga lang matagal pang matapos alas alas 7:30 na oh! wika ko sa aking sarili.Okay class dismiss. Hay salamat. Dali-dali Kong linigpit ang gamit ko sa bag at lumabas kaagad sa building namin marami-rami pa naman kami pero kahit na no ang dilim kaya. Tapos mauubusan na naman ako nito ng Jeep eh!Binilisan ko ang paglakad halos takbo na nga yung ginawa ko eh. Hayyy. ...Sa wakas may isa pang Jeep pauwi sa amin pero bakit masyado ng tahimik sa terminal ang lamig pa ng hangin ngayon.? Oh well malamang gabi na mag- aalas otso na kaya, wika ko. Oh dalawa pa kulang dito sakay na huling biyahe nalang to. Sabi ng konduktor. Pagkarinig ko ay hindi na ako nagdalawang isip na sumakay. Kaya dali-dali kong inukupahan ang bakanteng upuan.