Kasabayan kong sumakay ang isang babaeng may katandaan na. Mayroon itong mahabang, maiitim na buhok at kumikinang na parang mga bituin.
Habang nasa biyahe tahimik ang lahat tanging ang tunog lamang ng makina ang aking naririnig.
Unti-unting nagsibabaan ang ibang pasahero na kasama ko ,bakit ba naman kasi nasa malayo ang bahay namin iyon tuloy kinakabahan ako kasi ang we-weird ng mga kasama kong pasahero. Habang nasa loob panay tanaw sa akin ang matandang babae, tila may nais siyang sabihin sa akin na dinadaan niya sa kanyang mata ngunit hindi ko mabasa ang nais niyang iparating sa akin.
Pumara ang matanda pero bago siya bumaba ay may binulong siya sa akin na nagpatinding ng aking mga balahibo " mag-iingat ka ineng, may mga nilalang na nagbabalat-kayo lamang."
Nagsimulang umandar ang jeep, ng hindi ko na tanaw ang matanda at nang mas lalong dumulim ang aming tinatahak na daan ay mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. Sa isip-isip ko sana malapit lang ang bahay namin upang 'di ko na kailangang mag biyahe ng matagal.
Palingon- lingon ako sa daan at sa aking mga kasama at nabahala ako ng sobra nang biglang bumilis ang takbo namin at ang dinaraanan namin ay nag-iba. Kuya, para ,dito nalang po ako pero tila bingi ang drayber at nagpatuloy lang ang takbo nito. Nanginginig ako sa takot, lumaki ang aking mata ng sa paglingon ng isang pasahero at napasigaw ako ng sobra dahil sa hitsura nitong kakaiba na ngayon ko lamang nakita.