Itim na itim ang balat nitong may mapulang malalaking mata, at labi, nakangisi itong lumingon sa akin... " magandang gabi sa iyo aking prinsesa, nakangiting wika nito kay Saniya. Hali kana at sumama sa aming kaharian kung saan ka nararapat" dugtong pa nito.Sino ba kayo? Pasinghal na tanong ko ngunit sa aking kaloob-looban ay para ng nanginginig sa takot gawa ng mga nilalang na nasa harapan ko.Matagal kana naming sinusubaybayan Saniya at sa pagsusubaybay na iyon ay nakita naming karapat-dapat kang mapasa-amin. Unting-unti hinahawakan ng may mahabang buhok at matangkad na lalaki si Saniya. "Ano ba lumayo kayo sa akin . Ayaw Kong sumama sa inyo,ihinto niyo na itong Jeep bababa na ako. Ngunit hindi siya pinakinggan ng mga ito tumawa. Lamang ito na parang demonyo..... wahahahahaha Wala kanang magagawa pa Saniya sapagkat walang sinuman ang maaaring tumulong sa iyo rito. May usok na lumabas mula sa bibig ng nilalang na may mapuputing balat at mapupulang labi at mata.Sa paglabas ng usok na iyon dumilim ang aking paningin.