Sa wakas ay mayroon na tayong taong isasama sa ating kaharian batid kong matutuwa ang panginoon natin nito, wika ni Aruh na may itim na balat at pulang labi at mata na nilalang.Napakaganda niya talaga, pwedi kayang hiramin ang kanyang mukha pansamantala? Nais kong subukan ang buhay niya, ang maging tao, ang mabuhay bilang tao, makisalamuha sa kanila..wika ni Ari na bakas sa mukha ang saya at saya. Siya ay nilalang na may mapuputing balat, mapupulang labi at mata."Huwag kang mapangahas Ari, ang utos lamang sa atin ay dalhin ang babaeng ito sa ating mundo upang gawing kaisa natin... wika ni Awu nilalang na mayroong mahahabang buhok at ang pinakamatangkad sa kanila.Anubayan Awu,ang seryoso mo naman masyado nagbibiro lang naman ako...tugon ni Ari sa kasamaang seyosong-seryoso." Bakit nga ba Siya ang napili nating bihagin? tanong ni Ari. Dahil sa aking pagmamasid siya ay palaging gabi na kung umuwi at may mahinang pagkatao na madaling lang makuha... seryosong sagot ni Awu. Nagsitahimik ang gga ito na wari bay may malalim na iniisip.