Naaalala ko nong ako'y bata pa lamang. Sa tuwing naglalaro kami sa tuwing dapit-hapon at gabi ay pinapagalitan kami ng aming Lola, baka raw kasi ay may magalit sa aming mga nilalang sa sa madaling sabi ay mga engkanto. Sabi ni Lola sa akin noon pati nina nanay at tatay baka raw kunin kami nito at hindi na muling ibalik pa.Naaalala ko noon, may kalaro akong bigla nalang naglaho. Hapon iyon ng pauwi kami galing maglaro sa may bandang ilog ay kasama pa namin siyng pauwi maglakad, pero nang paglingon namin ay wala na siya. Kaya dali-dali namin itong sinabi kina Aleng Betty na nanay ni Bianca na aklaro namin na naglaho. Hinanap siya ng kanyang Mmga magulang pati na ilang naming taga- baryo pero wala ni isang anino ang nakita. Pagkaraan ng ilang araw ay nakita na lamang ang kanyang katawan na lumulutang sa may ilog namin malapit sa may malaking puno. Sabi noon ng Lola ko ay hindi na raw iyon ang kalaro namin na si Bianca kundi tanging katawan na lamang iyon ng saging kung idada -an ang kabaong nito sa bintana. Nang pinadaan ang kabaong nito sa may bintana ay nabigla ang lahat na nakilamay sapagkat katawan lang pala ng saging ang iniiyakan nila. Sabi pa noon nila Lola, kung mayroong nais magdala sa iyo na engkanto sa kanilang mundo ,sabihin mo lang daw na asin o bigyan mo sila ng maalat na pagkain o di kaya ay humingi ka sa kanila ng maalalat na pagkain ay aayawan kana nila at ibabalik ka ng kusa.