ASTRALLA "Kumain muna kayo bago magpatuloy, hindi pwedeng makatulog tayo lalo na ngayon" sabay lapag ni ate Prim ng plato na puno ng Nachos at Sandwiches. Mabilis kumuha ako ng dalawang tinapay at sabay kinagat. "Gutom na gutom ah" pang aasar ni kuya, inirapan ko na lang siya. Bigla naman ako nasamid sa Nachos, panay ubo at hampas ako sa dibdib ko. Mabilis na inabutan nila ako ng tubig at agad na ininom ako. "Love hinay-hinay lang wala ka naman kaagaw eh" sabi ni Cath habang hinahagod ang likod ko. I feel relieved nang makahinga ako ng maayos. Eh sa gutom kaming dalawa ni baby. Sinaan ko sila ng tingin at tumigil naman sila sa pagtawa. Napatingin ako sa monitor. Kinidnap na ang human robots namin nila Cath. Pinlano talaga namin na makidnap sila para malaman namin ang blueprint kung

