ASTRALLA Umikot ako sa kabilang side ng kama. Kanina pa ako pagulong-gulong dito at hanggang ngayon hindi pa din ako makatulog. Nakakainis! Tipong antok na antok ka at gustong-gusto mo matulog pero hindi mo magawa. Nakakainis, sobra! Nagugutom ako pero tinatamad ako bumangon. Sa tuwing tatayo kasi ako lalo na kapag ganitong oras bigla ako nasusuka at masakit sa lalamunan sumuka. Ewan ko nga hanggang ngayon may morning sickness pa rin ako. Pumatong ako kay Cath na mahimbing natutulog. Malalim ang eyebags niya pero hindi naman nakabawas sa ganda niya. Ang cute niya humilik, hilik pang mayaman! Naalala ko nanaman 'yung tulong na hiningi kanina ni Daemon. Loko-loko siya noon at ngayon parang kinarma siya. Wala naman kami ibang connection sa mafia world bukod sa kanya. Dapat kay lolo siya

