Chapter 7

1897 Words
ASTRALLA "Boo" biglang bulong ng isang boses babae dahilan siya'y masuntok ko sa mukha pagkaharap sa aking likuran dahil sa gulat. Napa aray naman ito sa lakas ng impact na nagawa ko. Gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko dahil si Irene pala ang nasapak ko. s**t! "Ano ba kase ginagawa mo!?" Sigaw na sermon ko. Kung bakit ba naman kase bigla na lang siya bubulong at mang gugulat. Buti nga't ayan lang ang natamo niya. Stupid. May narinig ako mapa singhap at ng makitang sino ito ay napa irap na lamang ako. "Omyghod Irene what happened to your face?" Exaggerated na tanong nito. Pasa lang naman 'yun ah hindi niya ikamamatay agad. "And you!" Singhal nito sakin pero nanatiling naka taas ang isang kilay at cross arms na nakatingin sa b*tch na 'toh. She's Jade anak ng may ari ng Jade Stone University. Top 2 ang pamilya nila sa pinakamayan at pinakilalang wordwide. Ano naman kaya ang ginagawa nito? "Bakit mo sinapak si baby ko huh?!" Sigaw na tanong pa rin nito habang nakaduro ang hintuturo sa mukha. Seriously? Wala bang ihihina ang boses ng b*tch na 'toh? Daig pa niya naka megaphone sa ingay and I hate it! "Excuse you, nagulat lang ako and fyi she's not yours at mas lalong walang nag mamay ari sa kaniya b*tch" malamig kong sabi. Kita ko naman kung pa'no ito mamula sa inis, serves she right. "I hate you!" Inis pa ring sambit nito. Tss ang dali naman mapikon nito. Napatingin ako kay Irene na kulang na lang eh matumba at mahahalikan na niya ang sahig may kasalan din naman siya. Umiwas ako sa Jade na 'toh baka mahawa pa ako sa masamang ugali kala mo naman kagandahan. "Let me help you, it's my fault anyway" tinulungan ko itong makatayo ng maayos bago iniwan ang b*tch na 'yon na panay pa rin ang ngawa at hindi na lang pinansin ito. "What happened iha?" Tanong ni tito Keith dad ni Irene. "Aksidenting nasapak ko siya sa mukha tito nagulat lang ho ako" hinging paumanhin ko dito. Napakamot na lang ito sa batok. "Hindi na talaga nag tanda ang batang 'yan. Lagi ka na lang ginugulat at lagi mo din namang nasasapak" natatawang sabi nito. Natawa na lang din ako. Totoo naman sinabi niya lagi ko nga nasasapak si Irene sa paulit ulit na pang gugulat nito sakin tuwing pinapatawag kami ni tito sa secret office nito. Pinanuod ko lang na ginamot ng nurse ang pasa sa panga nito habang sinesermunan siya ng ginoo. "Lapad ng ngiti ah" nakasimangot at sarkastikong sambit nito. Nailing na lang ako. Magsasalita pa lamang ako ng maunahan. "Oh 'wag mo na ituloy umay na ako sa sermon ni dad kanina" sabay roll eyes nito. "Hey kiddo just want to remind you I'm still here hmm" may bantang paalala nito sa anak. "Whatever dad" aniya. "Ah tito ano nga pala kailangan niyo samin?" Hindi naman niya kami ipapatawag kung hindi mahalaga. "Nabalitaan niyo naman siguro ang kumakalat na balita, hindi ba?" na agad naming tinanguan. "Well one of my man found a lead tungkol sa illegal na droga na pinapasok dito para masira ang school kapag nagkaroon ng yearly checked mula sa matataas na leaders" yearly nag cchecked ang higher leaders ng school to make sure na safe at malinis ang school mag patakbo. Pinapa-punta kaming lahat sa multi purpose gym at doon naman isa isa iccheck kami kung may kahina-hinalang bagay ba na ipinapasok sa loob ng Campbell's University or C.U. "Yes dad I heard a lot issues about that, nag report din ang isang tauhan ko na may nakita sila kagabing men in black na nakipag kita sa isang istudyanteng lalaki na nakipag palitan ng drugs at pera" napatingin naman si tito sa sinabi ng anak. Maaring pilya, loko-loko at makulit si Irene but she's silently observing enemy's move afar. Matalino at magaling din siya pag dating sa strategies, plans, combats, and use different guns and katana. "Well good job anak mana ka talaga sakin" proud ma sabi ni tito. "As I said my man told na may tattoo sila sa left arm na black petal nasa loob ito ng isang bungo" dagdag nito. "It's that's all tito?" Tanong ko at tumango naman ito. "Nag report din ang isang tauhan ko about their identity together with the informations kung kelan at anong oras isinasagawa ang operation nila I just send it to your email tito" pagbibigay alam dito na mas kinalapad ng ngiti nito. "Hindj ako nagkamali na kayong dalawa ang kinuha namin for this mission at ang bibilis niyong kumilos girls and your teams too" pagbibigay puri samin. Well bukod magaling din ako sa pag gamit ng mga baril, different kinds of swords at ano pang matutulis na bagay, magaling din ako sa pakikipag laban ng mano mano at mabilis mag isip ng plano pati na rin sa pag trace ng mga information ng mga kalaban at iba pa kumbaga full pack na ako as their captain sa isang group na hinahawakan ko. "Alright girls mag lunch na kayo and I have many things to do salamat sa tulong niyong dalawa" sambit nito at tuluyan nang umalis. Sabay na nag-tanghalian kami ni Irene. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay sumulpot naman si Jade sa tabi ni Irene at si Frances sa tabi ko. Mga panira ng araw. "Loves pahingi ah" pambuburaot nito sakin. Agad naman akong tumayo at umalis na lang tss bad trip gutom pa din ako. Naramdaman kong sumunod sakin si Irene. Hanggang mapadpad ang ako sa tree house sa sekretong lugar sa univ. Pagka akyat ay agad dumiretso kami ni Irene sa mini kitchen ng tree house tsaka nagluto ng heavy meal na madaling lutuin pero nakakabusog pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa designated rooms. ——————— Hayss sa wakas makaka uwi na hindi ko namalayang uwian na dahil nakatulog ako. Sure naman akong walang nakapansin dahil nasa pinaka dulo ako nakaupo sa may bintana. Nagtaka naman ng may pinagkakaguluhan sila sa labas kaya no choice na nakipag siksikan ako para makalabas at maka uwi na rin. Naglalakad na ako sa hallway ng may humawak sa braso ko kaya nilingon ko kung sino. "Kanina pa kita tinatawag ah 'di mo manlang ako pinansin" hingal nitong sambit. "Kita mong naka earphones 'yung tao tapos nag rereklamo ka diyan" malumanay kong sabi. Sira ulo talaga. Napakamot naman ito sa pisnge sa kahihiyan. "Eh madalas namang walang sounds 'yan kapag naka earphones ka eh akala ko walang sounds" katwiran nito. "Tara na nga" sabay hawak sa kamay nito may biglang pumasok sa isip ko since alam kong sira ang kotse niya. "Ilibre mo na lang ako sa jollibee sa park na lang tayo kumain" aniya ko habang patuloy sa paglalakad. "Wow ah, sa yaman mong 'yan napaka kuripot mo talaga. Ano ba gusto mo?" See papayag din naman ang dami pang sabi. "Tsaka isa pa mi amor pwede mo naman akong ayain mag date ng maayos eh" napatingin naman ako dito na taas baba ang kilay. Kapal bulong ko. Siniko ko na lamang ito para manahimik. "Refreshing" nakangiting sabi nito. Nandito kami ngayon sa park katatapos lang kumain kasama ng mga bodyguards namin hindj pwedeng kami lang ang kakain dahil alam kong gutom din sila. Napatingin ako sa langit. Kamusta na kaya si mommy kahit sure naman akong nasa langit na siya at mabuti ang lagay may part pa rin sakin na umaasang buhay siya. Kung may nagawa lang ako para iligtas siya nung gabing 'yon. Napahinga ako ng malalim. Dahil sa pagliligtas niya samin ni kuya kaya namatay siya. Speaking of kuya Axel kamusta na kaya siya sa states after kase ng mamatay ni mom dinala siya ni dad doon together with ate Brielle. "Miss mo na naman si kuya Axel 'noh" dinig kong tinig ng aking katabi na tinanguan ko lang. Naiisip ko din kung kamusta na kalagayan niya. Kung ligtas ba siya nakakapasok araw araw. May dead threats pa rin ba siyang natatanggap? Tulad ko hindi niya rin ginusto ang ganitong buhay. Nagtatago mula sa nga kalaban para masiguradong ligtas. Naputol ang pag mumuni ko na may marinif kamung barilan. May kalaban! Naging alerto ang mga BG namin pati na rin kami. Kinuha ko mula sa suot na garter sa legs ang isang hand gun at gano'n din si Irene na nag labas ng dalawa. Pinasakay kami agad ng mga BG's sa kotseng kami mismo ang nagdisenyo at gumawa para masiguradong ligtas kami kapag nagka problema kung sakali. Mabilis na pinasibad iyon ng isang BG ko para makaalis sa lugar. Pinaulanan kami ng baril ng naka white van na humahabol samin pero hindi kami dumapa dahil hindi ito tatablan o magagasgasan ng baril nila kahit pasabugin ay hindi nila masisira ang kotse. Agad inactivate ko ang security ng pinto ng kotse gamit ang cellphone ko habang si Irene kasama ng ilang bodyguards sa loob ay iniisa-isa ang kalaban para mapabagsak. Tumulong na din ako. Ng maubusan ng bala ay tumigil na kami. Inactivate ko naman ang machine ng sasakyan para ito na mismo ang bumaril at magpasabog sa kotse ng mga kalaban. Ligtas naman kaming nakauwi. May iilan namang nasugatan sa mga BG'S namin at walang namatay na ikinahinga ng maluwag ng mga pamilya nila. Napangiti na lang ako sa isipan. Kumpleto sila at masaya. Naisip ko, kung normal lamang ang aming buhay at walang mga pagbabanta gaya na lamang kanina siguradong payapa, masaya at kumpleto kaming pamilya. Nandito sana si mommy at kuya pati na si dad. Simpleng buhay lang kasama sila ayos na ako ang mahalaga kasama at ligtas ang bawat isa. Napabuntong hininga na lamang ako dahil alam ko sa sarili kong imposibleng mangyari ang gusto ko lalo na sa estado at karangyaang kinalakihan ko, namin. "Ang lalim ah baka hindi ka na makaahon niyan" napatingin ako. Nakangiti itong ibinigay ang isang tsaa siyang tinaggap at ininum ko. "Tama na sa pag-iisip mamaya sumabog na utak mo sige ka" pag bibiro pa nito. Natawa ako ng mahina. Kahit kelan talaga napaka corny. Tulad ko nag aasam din siya ng isang simpleng buhay malayo sa gulo at pagbabanta sa buhay at pamilya niya. Napansin kong may benda ito sa kanang braso na ikinuot ng noo ko. Hindi ko napansin kanina 'yun ah. Bakit hindi niya sinabi? Baka ayaw ka lang mag aalala tuya ng aking isipan. Kung sabagay may point ka. "Nadaplisan ka kanina, hindi mo agad sinabi" sambit ko. "Malayo naman sa bituka tsaka gaya ng sabi mo daplis lang 'yan hindi ko ikamamatay" pagbibironla niya. Tss eh paano kung hindi lang daplis ang tinamo niya kanina? "Ewan sayo ang hilig mo mag biro" sermon ko. "Pero sayo lang mag seseryoso" sabay tingin sa akin ng seryoso. Nakaramdam ako ng hindi pamilyar na pakiramdam sa tiyan. Tila ba may mga hayop na gumagalaw doon. Nailing na lang ako. "Mabuti pa mag pahinga na tayo" paalam ko sa huli bago pumunta sa guess room nila. Napatingin naman ako sa nag chat. Rein. Kumunot ang noo ko dahil sa nabasa. [Rein] Don't let your guard down, ate panda. Papanong nalaman niya ang nn ko kung close friends at pamilya ko ang tumatawag sakin ng gano'n hindi kaya.... No imposibleng buhay pa ang lil sis ko. Pero kung totoong buhay siya may posibilidad bang buhay din si mommy?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD