ASTRALLA
"Anak are you still there?" Tanong ni dad. Mahigit dalawang oras na akong namimili ng susuotin ko pero hindi pa rin ako makapili pili. Argh! Bakit ba ako kinakabahan?. And to thought na hindi ito ang unang beses na pupunta at makikita ko si tita Iris.
"Yes dad, palabas na din ako" sagot ko. Napahinga ako ng malalim ng mataan ko ang isang simpleng plain navy blue dress na may glitters sa paligid nito. Ito na lang sambit sa isipan.
Napatingin ako sa full body mirror ko. Ang ganda ko. Naglagay lang ako ng light make up para mas umangat ang natural beauty ko, sabi naman nila kahit hindi ako naka make up maganda pa din ako.
Pinaresan ko ito ng white doll shoes na may ribbon sa gitna. Agad na pumasok ako sa kitchen para kunin ang nakahandang cake na kaninang umaga ko pa binake para ready to get na lang. Napatingin sakin si dad na animo'y pinag aaralan ako.
"Alam kong maganda ako dad so stop staring at me like that" mahanging pabirong sambit dito. Napangiting iiling iling naman ito. Totoo naman ah.
"Sorry princess, I just miss your mom kamukhang kamukha mo siya" aniya nito na binabalikan pa ang nakaraan.
"I know dad, mana ako sa kaniya di'ba" nakangiting malungkot na saad ko. Miss ko na din si mom if only I can protect her life from that accident.
"Ma'am nandito na po si ma'am Iris" sambit ng maid namin. Ningitian ko ito at nakitang pumasok ang isang dyosang bumaba mula sa Mt.Olympus. but still mas diyosa ako kesa sa kaniya.
"Hi tito, and oh hello gorgeous!" Papuri nito sakin. Napairap na lamang ako sa hangin tsaka ibinigay sa kaniya ang paborito nitong chocolate coconut cake. At ako naman ang nagdala ng Lamon yoghurt cake with syrup ni tita.
Naglakad lang kami dahil hindi naman gano'n kalayo ang bahay nila sa bahay namin. Pag pasok pa lamang sa mansyon nila agad naman akong binati ng nakangiting ginang.
"Astralla iha nice to see you again" magilie na bati ni tita Iris sabay halik nito sa aking pisnge. Kinuha muna nito ang cake bago inabot sa anak na nangiwing binitbit ito para maihanda sa hapag.
"Nice to see you too tita you look beautiful as ever" papuri ko dito. Pabirong hinampas naman ako nito sa braso. Nakangiwing nangiti lang ako huli. Masakit 'yon ah.
"Ano ka ba iha mas maganda ka kaya nga–" hindi na nito natuloy ang sasabihin ng may tumikhim sa likuran namin.
"Ma the dinner is ready tayo na lang hinihintay" na medyo nakakunot ang makinis na noo dahil sa naputol na sasabihin ng ina.
Natatawang nauna sa hapag si tita bago ako sumunod dito.
"Pasensya na sa mga nasabing kalokohan ni mama if meron man" hinging paumanhin nito.
"It's okay, wala naman siyang nasabi eh naputol lang kanina ng bigla kang tumikhim" sabay ngiti at tingin dito na kanina pa pala naka titig sakin. Agad din naman ito nagbawi ng tingin.
"If you say so" kibit balikat nitong sabi. "Tara na kanina pa excited si mommy ipatikim ang bagong recipe niya" nakangiting tumango ako dito bago nagpatuloy sa paglalakad.
"Nagustuhan mo ba Astra anak?" Tanong ni tita ng matikman ko ang Tacos al pastor niya. It's mexican dish. Simple but so delicious. Nagpunas muna ako ng napkin sa labi bago sumagot.
"It's so delicious tita sobrang galing mo ho pa rin magluto" puri ko sa ginang dahil totoo naman. Isa pa isa siya sa hinahangaan kong chef bukod kay mommy na sobrang sarap din magluto.
Nangingiti naman itong namula bago muling nagsalita.
"Thanks iha pati na rin kay Irene who helped me to prepare and cook this food" nangiting baling nito sa anak. Wait si Irene? didn't know na marunong siya magluto kahit paano ah. Na ngayon nga ay namumula dahil napuri ng ina.
"Sus si mommy nambola pa, napilitan nga lang ako eh" aaahhh so napilitan lang pala kala ko naman nagkusa eh isa din 'tong tamad.
Napailing na lang ako. Kelan kaya 'toh sisipagin? Himala na lang kung magsipag itlog na 'toh.
Nagpatuloy kami sa pagkain at kwentuhan bago napag pasyahan na uuwi na dahil gumagabi na din at may pasok pa bukas.
"Thank you talaga tita sure na matutuwa at masasarapan si dad kapag natikman 'toh" pagbibigay paalam sa ginang bago umalis.
"Oh siya sige ikamusta mo na lang ako kay Leif" tukoy kay dad na tinanguan ko lang. "Irene ikaw ma maghatid dito hah" utos sa anak na medyo namumungay na ang mata sa antok. Halata dito ang kulay itim sa ibaba ng kaniyang mga mata na ngayon ko lang napansin. Marahil dala ng puyat sa ginagawa at nirerebisang thesis bago matapos ang taong ito.
Alas nuebe na ng maka uwi ako sa bahay. Nadatnan ko si dad sa sala nanunuod ng paborito nitong anime series na haikyuu minsan childish si dad pero seryoso naman ito lagi.
"Hi dad, bakit gising ka pa?" Bati dito sabay halik sa pisnge.
"Inaantay talaga kita 'nak tsaka isa pa mag papaalam din ako na mawawala for a week. I have a business trip in New york tommorow.
"It's okay dad sanay naman ako eh, don't worry I can handle my self besides nandiyan naman si Irene, manang, maids and ilang body guards to secure me" nangiting pag intindi ko dito na ikinangiti niya ng malungkot.
"I'm so sorry princess promise babawi sa daddy sa chritmas and new year hmm" pangbawi nito para hindi ako masyadong malungkot. Oo nga pala 2 weeks from now mag papasko na.
"Ah dad before I forgot pinabibigay ni tita Tacos al pastor a mexican food" agad na kinuha ito ni dad at nagpasalamat bago nagpunta sa dining table tsaka kinain ang pasalubong mula kay tita Iris.
Paakyat na sana ako ng maalala si Irene. Nasa labas pa kaya siya? Agad na lumabas ako ng bahay para hanapin ito ng makitang wala na sa gate ay tumingin ako sa paligid umaasang nandito pa siya.
Napako ang tingin ko sa isang dalagang pilit isinasama ng dalawang lalaki ngunit nagpupumiglas ito. Agad namukhaan ko ang dalaga. Kaya pumunta ako doon ng walang ginagawang ingay.
"Miss ano ba sumama ka na mag eenjoy ka naman dito eh" rinig kong sambit ni boy1 na kung makatingin ay mukha talagang m******s. Teka pa'no ba nakapasok ang mga ito gayong mahigpit ang sekuridad dito. Argh! ipapa sesante ko talaga ang mga tamad na guwardiyang iyon.
"Mawalang galang na ho pakawalan niyo na ang kaibigan ko kung ayaw niyong masaktan" malamig kong sabi sa dalawang. Napatigil naman sila bago ako tignan mula ulo hanggang paa. Tss mga m******s!
"Alam mo miss maganda ka sana kaso pakielamera ka eh, kung gusto dito ka na lang sa isa kong kaibigan sumama ka na lang din samin mag eenjoy naman tayo sa gagawin eh" nakingising sambit nito.
Walang pasabing tinuhod ko sa ito sa pagitan ng kaniyang mga hita tsaka napabitaw sa hawak na kutsilyong hindi ko napansin kanina.
Agad naman sinapak ni Irene sa mukha ang lalaki bago hinampas ng may kalakasan sa batok ang ikalawang m******s na lalaki dahilan ng pagkawala nito ng malay.
Itinawag na namin sa guwardiya ang nga nakapasok sa subdivision namin at humingi ng paumanhin samin dahil sa nakatulog ito.
"Sa susunod kase huwag kang magsusuot ng fit dress o magsuot ng jacket kung lalabas" panenermon ko dito na ngayon ay kakamot kamot sa hindi makating ulo.
"Opo mama hindi na ho mauulit" nakangising pang aasar nito pero agad din nawala ng kurutin ko sa tagiliran.
"Hmp! Pasalamat ka nakita kita at nailigtas kung hindi pinaglalamayan ka na ngayon" saad ko.
"Ang bayolente mo talaga Astralla tsaka oo na thank you mwaa mwaa tsup tsup" pang aasar pa nito.
"Ewan ko sayo, 'wag ka nga gumanyan kadiri 'toh" ako naman ang nang asar dito kaya napasimangot siya.
Umuwi na kami baka mapagalitan pa siya ni tita't tito dahil masyado na siya nag tatagal at ako ni daddy dahil hindi ako nakapag paalam sa kaniyang lalabas sandali.
Pag kauwi ko sa bahay dumiretso na ako sa aking kwarto ngunit hindi pa man tuluyang nakakapasok ng makita ko si dad nakaupo sa upuan at nag kakape.
"D-dad a-anong ginawa mo dito?" Alanganing ngumiti dito.
"Saan ka galeng Astralla Campbell?" Striktong tonk nito na ikinalunok ko. Patay.
Pumasok muna ako sa kwarto bago inilapag sa kama ang dalang pouch at sinimulang ikwento ang nangyari kanina lamang samin dalawa nagulat pa ito ng bahagya sa nangyari at proud na nakatingin sakin dahil nagamit ko ang mga itinuro niya sa akin na self defense. Pagkatapos ay tabi kaming natulog ni dad dahil ito ang last night na magkasama ulit kami.
———————
Maaga pa lang ay pumasok na ako sa paaralan para tapusin sa pag rerebisa ng thesis namin para maplantsa na lahat sa dadating na battle para sa thesis namin sa Jade Stone University o JSD.
"Rian ang aga ah" pang aasar ni Irene ng makita ako dito sa library.
"Hoy Davis ang aga-aga mang aasar ka bibigawasan na kita" iritang sabi ko dito.
"Campbell naman ang aga-aga din highbloid na highblood ah" patuloy na pang aasar nito.
"Isa pa Davis sinasabi ko sayo mata mo lang walang latay" nangigil kong sambit na bahagyang kinaputla nito. Sabe na takot ito eh.
"S-sabe ko nga may gagawin pa ako" paalam nito tsaka nagmamadaling umalis. Weak.
Hindi ko siya masisi kasama ko siya nung itrain kami ng pinakamahusay na assasin ng Black Rose Organization na si ate Brielle she's lipstick lesbian. Damit babae, kilos babae pero gusto din ay babae. Tinrain niya kaming maigi dahil hindi sa lahat ng oras nandiyan siya at nakabantay sa paligid. Hindi kami pwedeng mawalan ng bantay.
Bawat estudyante dito ay may kanya kanyang body guard para sa sariling kaligtasan puro mayayaman at maimpluwensiyang tao ang mga nag aarl dito. Kasama ang pamilya namin ni Irene sa top 3 na pinaka mayamang business tycoon hindi lang sa bansang ito kung pati na rin sa Amerika, Europa at ibang bahagi ng bansa.