ASTRALLA
Pabagsak na humiga ako sa kama. Mag isa nanaman ako. Ano kaya magandang gawin? Tinatamad naman ako gumala, mabuti nga't nakaligo ako bago ako tamarin ng tuluyan.
Makapag rp na nga lang. Scroll chat scroll chat lang ginagawa ko. Ang boring naman ngayon dito. Puro threads, drama, parinigan, away, engage kay ganiyan, married sa kanya, in a relationship, aahhh! Nakakasawa mag hihiwalay din naman, hmp!
Ng may nag chat sakin, ang port niya parang totoo. Tinignan ko muna pangalan bago mag reply. Name Maxwell Del Valle, hindi halatang galing sa he's into her. Iba.
[Maxwell]
Crush mo daw ako?
Laaa? Sinong may sabing crush ko ang tukmol na 'toh, tsaka hindi ko siya crush. Agad naman nireplyan ko siya.
[Me]
Sabe ni Duterte bawal mag drugs, patokhang kita gusto mo?
Feelingero si kuya ah. Taas din confidence.
[Maxwell]
Bakit sabi ng friends mo crush mo 'ko?
Agad na napatingin ako sa isang gc naming tatlo kasali siya do'n. Sino namang poncio pilatong nag sabe nu'n? Tinanong ko lang kung sino port nung 'Maxwell' sperm talaga sila. I mean letse english is sperm sariling word ko lang.
[Me]
Sino sa kanila, tsaka correction hindi kita crush
[Maxwell]
Sorry, okay? Mukhang pinag ttripan lang nila tayo
Hmmm, halata nga. Nakoo malilintikan ka saken Sam. Siya lang naman laging may pakana eh, hindi na ako magugulat if maging sila pero hindi tatagal ng isang araw. Lagi kase silang nag aaway.
Lumipas ang ngayon kaya bukas na, charot. Kinabukasan totoo nga instinct ko naging sila pag dating ng gabi nag break din. Pa'no ba naman kase simpleng bagay pinag aawayan na jusko, masyado nilang tinutoo 'yung kasabihang 'The more you hate, the more you love' pero 'yung kanila hindi pa umaabot ng 24 hours nag break na iba din.
Kung sabagay parang trip lang nila isa't isa. Pansin din namin ni ate na kapwa mainit dugo nila. Nakakapag taka naging sila eh mabuti na lang nag hiwalay din, walang forever ha lifetime with s(he) you love pwede pa.
May kutob ako jojowain niya si ate, wala ramdam ko lang, hindi naman ako 'yung nanay niya ba't gano'n? At dahil tamang hinala ako lagi nagkatotoo nga nililigawan na ni Max si ate 'wag niya lang sasaktan si ate ililibing ko siya ng buhay pero syempre torture muna bago ilibing di 'ba, peace ayoko lang siya masaktan or magaya saken.
Nag off muna ako, bigla ako nag crave ng mango shake at mocha cake. Mabuti pa makapag bake since marunong naman ako hindi lang sa pagluluto pangarap ko din maging chef kung hindi papalarin plate attendant na lang.
———————
Saktong pag tunog ng oven tapos ko na rin 'yung shake ko. Nagsuot muna ako ng gloves para hindi mapaso dahil mainit pa ang cake, tsaka ko inilabas sa oven at nilagyan ng frosting at iba pa. Nakakatamad isa-isahin ilalagay eh. Naghiwa ako ng 1/4 tsaka ko inilagay ang natirang shake at cakes sa ref para lumamig at mas sumarap.
Naghanap din ako ng magandang movie sa netflix, mag mmovie marathon na lang ako dito. Ready na ang lahat paupo pa lang ako sa couch ng may mag doorbell naman, amp istorbo naman 'toh.
Sino naman kaya ang pupunta dito? Nasagit naman agad ang tanong ko ng makita ko si Irene kababata ko isa siyang bixesual wala namang kaso sakin 'yon dahil kaibigan ko siya at tanggap ko naman.
Agad naman itong kumaway sakin ng makita ako. Pinapasok ko muna siya sa bahay tsaka kumuha ng isa pang slice ng cake at shake. Mabuti na lang dumating siya para may kasama ako mag movie marathon nakakatakot kase 'yung movie na papanurin namin though hindi naman talaga ako matatakutin pero feel ko lang hindi siya katulad ng ibang horror movie, it's more about mystery.
Nang matapos kami sa panunuod agad na nagligpit ako ng kinainan namin tsaka ito hinugasan sa kitchen sink, randam ko naman na nakasunod lang sakin si Irene, kanina pa siya gan'yan wala imik at nakatitig lang sakin kaya hindi na ako naka tiis mag tanong.
"May dumi ba ako sa mukha?" takang tanong ko still nakatitig pa rin siya.
Nag snap ako sa tapat ng mukha niya dahilan ng pag atras nito dahil sa gulat, nang makitang ma oout balance na ito agad na sinalo ko siya kaya ang ending nakapatong siya sa akin.
Pag mulat ko ng mata sobrang lapit lang ng mukha namin. Napatingin siya sa labi ko, oh no don't tell me hahalikan niya ako. Kung sakali mang oo siya ang first kiss ko.
At naramdaman ko na lang ang pagdikit ng malambot niyang labi sa labi ko, literal na nanlaki ang mga ko dahil do'n at sa gulat ay naitulak ko siya.
"S-sorry hindi ko sinasadya nadala lang ako" hinging paumanhin niya.
"Sa susunod 'wag mo nang uulitin ha" ayoko naman magalit sa kaniya, naiintindihan ko naman siya. At alam ko na matagal na niya akong gusto pero never siya nag take advantage.
Paulit ulit pa rin siya humihingi ng tawad, naririndi na din ako kaya sa inis binigyan ko siya ng smack. Agad naman itong natahimik at parang kahoy na nanigas sa kinatatayuan, gano'n ba naging epekto ko sa kanya, cute.
Wait what? Cute? Sa mga bestfriends ko nga hindi ko sinasabing cute sila dahil baka lumaki ang ulo, tapos sa isang 'toh na nasabihan ko, e?
Ang weird lang. Hula ko alien talaga ako eh.
"Alam mo mabuti pa umuwi ka na, baka hinahanap ka na ni tita" saad ko sa kaniya kalahati no'n ay totoo naman dahil mag eight na din.
Tango lang ang naging respond niya bago lumabas ng bahay at umalis na pabalik sa kanila na tulala pa rin. Sana lang hindi siya mabunggo ng kotse dahil do'n.
Inaantok na humiga ako sa kama. Katatapos ko lang maligo at patulog na para magising ng maaga upang makapag simba. Nagdasal muna ako bago natulog.
———————
4:30 ng magising ako agad akong naligo at nag ayos para maaga pa lang ay makahanap ako ng mauupuan sa simbahan.
Habang nagluluto ay bigla namang tumunkg ang selpon ko pahiwatig na may nag chat, hininaan ko lang ang apoy para hindi masunog tsaka ko tinignan kung sino ang nag chat.
Laking gulat ko ng may isang babaeng nag char sa akin ng 'Hi crush, good morning'. Agad naman bumilis ang t***k ng puso ko pero sinawalang bahala ko na lamang. Ganito rin kasi 'yung nararamdaman ko kay Irene.
-Rhianne-
Hi crush, good morning
-Me-
Ate masama ang nag ddrugs bawas points sa langit
Reply ko. Totoo naman bawas points sa langit at dagdag record kay San Pedro dahil masama naman 'yon.
-Rhianne-
Sa ganda kong 'toh sasabihan mong nag ddrugs? Ouch naman crush
Natawa naman ako, hindi ko man siya lubusang kilala feeling ko naka nguso siya ngayon.
-Me-
Hindi naman sa gano'n, sorry ah, btw good morning din
Pinatay ko muna ang kalan tsaka inilagay sa plato at dinala ito sa dining table. Wala pa rin akong kasama.
-Rhianne-
Kain ka na crush bawal papagutom, sige ka 'pag hindi ka kumain ikaw kakainin ko. RawrrRr
Pfft, seryoso ba siya. And to think na babae siya, tsaka lang nag sink in sa utak ko ma crush ang tawag niya sakin kaya agad ko itong tinanong.
-Me-
Bakit ba crush ang tawag mo sakin eh Kiara ang pangalan ko
-Rhianne-
Totoo niyan matagal na kita crush, ngayon lang ako nagka chance sabihin sayo sabihin. Knowing you hindi lang naman ako ang nag cchat sayo
Oookay, totoo naman siya. Pero masyadong direct to the point ang sagot niya ah. Nag paalam muna ako na kakain pa agad naman itong pumayag, madali siyang kausap. Susubo na sana ako ng may nag door bell, kanina pa naantala ang pagkain ko nagugutom na ako.
Agad na binuksan ko ang gate at nakangiting Irene ang bumungad sakin. Tinaasan ko siya ng kilay, nahihiyang napayuko siya at napakamot sa hindi makating ulo.
"Ano naman ginagawa mo dito?" Nakataas pa rin ang kilay na tanong ko.
"A-ano kasi makikikain sana ako tsaka samahan na din kita mag simba" nag aalangang sagot nito at bahagya pang namumula. Napangiti na lang ako.
"Pasok, bilisan na lang natin kumain nang makaalis agad" nasa loob ng subdivision namin ang simbahan at dalawang kanto lang ang layo.
Mabilis naman siya pumasok at feel at home na kumuha ng plato at pagkain niya. Natawa naman ako dahil halatang gutom na gutom ang babaita minsan napapaisip ako kung nagugutuman ba 'toh at kung kumain daig pa ako.
Pagkatapos kumain ay agad na nagpunta kami ng simbahan upang makahanap agad ng pwesto. Pagkatapos mag simba ay dumeretso kami sa isang cafe na malapit lang dito para uminom ng kape tsaka nalag desisyonang umuwi na.
_______
Sorry if lame wala ako sa mood today.