Chapter 3

1584 Words
ASTRALLA Maaga pa lang pumasok na ako. Ayokong makitang aalis nanaman si dad para sa isang business trip niya sa Greece. Lagi namang gano'n simula ng mawala si mommy at Mauve isinubsob na niya ang sarili sa trabaho pero naglalaan pa rin siya ng sapat na oras para sa akin pero mas lamang pa rinsa kanyang trabaho. Aamininko minsan nagseselos na ako sa trabaho niya kaya laging kasama ko si Irene. "Sabi na nandito ka lang eh" nandito ako ngayon sa rooftop ng building namin habang tinatanaw ang mga estudyanteng unti unting dumarami sa bawat paglipas ng oras. "Early bird eh" sarkastic na sagot ko. Napahinga naman ito ng malalim tsaka hinawakan ang kamay ko. Doon muli kong naramdaman ang kuryenteng dumaloy sa aming magkahawak na kamay, naramdaman din kaya niya 'yon? Tanong sa sarili. "Alam kong naiisip mo pa rin ang nangyari nung nakaraang buwan, gusto kong sabihin na nandito lang ako at hinding hindi kita iiwan kahit alam kong mukha na akong sirang plaka dito" natatawa pa niyang sambit na ikinamula ko, tss lagi na lang niya ako pinapakilig. "Alam ko and thankful ako na nandiyan ang isang itlog na katulad mo" pang aasar sa kaniya sabay pingot sa ilong nito. Napa 'aray' naman ito at hawak ngayon ang namumulang ilong. Kailangan kong gawin 'yun para matakpan ang kilig na nararamdaman. "Masakit 'yon ha, kiss mo dalii" pang uuto nito sakin kaya nahampas ko na lamang siya sa braso para tumigil. "Kahit kelan napaka bayolente mo, pa'no ba kita naging best friend huh?" Taas ang isang kilay na tanong nito. Napangisi naman ako. "Kase maganda at mas magaling ako kesa sayo" pahumble na sambit ko. Napa roll eyes naman ito. What? Totoo naman ah! Sinamaan ko ito ng tingin. Bago tatawa tawang itinaas ng dalawang kamay tanda na sumusuko na agad ito. May takot din naman pala eh. "Tara na at baka mahuli pa tayo sub. alam mo namang napaka terror ni Miss Violet palibhasa tumandang dalaga" napailing na lang ako sa kalokohan niya. Siguradong diretso siya detention kung sakali man marinig ni Miss Zaragoza. Mabilis lumipas ang oras at lunch na. Sumabay saming magkakaibigan sina Irene at Brielle na siyang nag train sa amin ng husto. Habang nagtatalo sila sa ano ang kakainin ay lumapit naman sakin si Irene. Tinaasan ko lamang ito ng isang kilay. "Oorder na ako, same pa rin ba katulad dati?" Tanong niya na agad ko naman tinanguan. Bago siya pumuntang counter at umorder hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin sila, tss daig pa nila ang nasa elementary. "HINDI PA BA KAYO TITIGIL?!" nang gigigil na sigaw ko sa kanila sapat lang para kami lang ang makarinig kaya napatigil din sila sa takot na masuntok sa mukha. Sabay sabay naman silang nag peace sign bago nagtungo na rin counter at umorder kaya kaming dalawa na lamang ni Brielle ang natira. "Pa'no mo masasabing mahal mo na ang isang tao?" Out of the blue na tanong ko na siyang ikinagulat nito, maski ako ay nagulat sa biglang tanong ko. This past few days laging naiisip ko si Irene kahit nasaan ako. f**k it! At ang mas malala pa one time naimagine kong kahalikan ko siya watdapak di'ba?! Parehas kaming babae. Napangisi naman ito. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan habang mariing pinakatitigan ako. At hindi ko gusto ang nasa isip nito. Ugh! Bakit ko ba kase nasabi 'yon? Magsasalita na sana ito ng ilagay ko sa kanyang labi ang aking hintuturo para pigilan sa kanyang sasabihin. "W-wala akong sinasabing si Irene 'yun ah" mahinang sambit ko habang pinipigilan mamula pero ramdam ko ang pamumula ng aking mga tenga. Inalis naman nito ang aking hintuturo bago nagsalita. "Oh excited ka masyado darlin' isa pa wala pa naman akong sinasabi ah at.." pambibitin niya sa huling sasabihin. "What? Ituloy mo ano na?" Naiiritang tanong ko pa pero siya nakalobo ang mga pisnge halatang pinipigilang matawa. "At hindi ko sasabihing kay Ire–Catherine na inlababo" tuloy nito sa sasabihin kanina na may mapanuksong tingin pa. "Soo it's Cath I guess" tsaka ito ngumiti ng nakakaloko. Fuck! Lagi na lang ako nadudulas pagdating sa kanya at kahit magsinungaling 'raw' ako sa kanya kilalang kilala na niya ako. "Fine inlababo na kung inlababo, but I'm not sure kung mahal ko na nga siya besides naiirita at naiilang pa rin ako sa kanya" that's it nasabi ko na. Namumulang napayuko ako. Narinig ko naman natawa ito ng mahina bago sinabing ang 'cute' ko daw. Hmp! "Don't worry Astra your secret is safe with me isa pa alam kong alam mo na nuon pa lang eh nililigawan ka na niya kahit hindi niya sabihin, right?" Tumango lang ako dahil totoo naman talaga at medyo obvious din naman si Irene. "Basta ba ako dapat ang unang makaalam kapag naging kayo na, okay?" Again I nod to her. Nabawasan 'yung bigat na nararamdaman ko. Wooohh! "Oh mukhang seryoso 'yang pinag uusapan niyo ah" biglang singit sa usapan namin ni Brielle bago niya inilagay sa tapat namin ang tray niya kasunod ng isa lang tray para sa kanya. "Care to share what is it?" Dagdag niya pa habang palipat lipat ang tingin saming dalawa. "Wala, pinag uusapan lang namin kung paano ka ililibing ng buhay sa bakanteng lote diyan sa tapat ng C.U" walang ganang sagot ko kahit ang totoo eh mamatay na ako sa kabang nararamdaman. Nagpipigil naman ng tawa ang nasa harapan ko kaya agad ko itong sinipa sa paa. "O-okay" sambit niya bago ngumiti ng alanganin, nawala rin ang kulay niya kanina kaya pansin na pansing namumutla siya. "Oh anong nanyari dito kay Cath?" Curious na tanong ni Jedi. Pero hindi kami sumagot. "Baka tinakot nanaman ni Astra kaya daig pa tinuklaw ng ahas sa pamumutla" sabat ni Sam habang nag ttype sa kanyang cellphone at ngingiti ngiti, tss another victim for her. "Hindi ah, actually tinanong ko siya kung ayos lang and she said 'okay' "sambit ko habang nakatingin sa kanila with my most innocent face. "If you said so" chorus nilang lahat bago kumain. Pagkarating sa bahay agad sumalubong sa akin ang nakakabinging katahimikan sa loob ng bahay. Hayss ang hirap talaga lalo na kapag mag isa ka. Naligo muna ako saglit tsaka nahiga sa kama at nag online ng rp. Hindi na rin ako kumain pa ng dinner dahil wala akong gana at wala rin naman akong kasabay kumain. Pagkatapos ay nanuod na lamang ako sa netflix ng movies hanggang sa makatulog ako. ——————— Maaga pa lang sumibat na ako papuntang sementeryo dead anniversary kase ngayon nila mommy at Mauve. Kasama ko ding dadalawa doon si Irene at doon na lamang kami mag kikita. Bumili muna ako ng Gardenias flowers kapwa paborito nila ito at laging inaamoy ito nung nabubuhay pa sila. Sobrang namimiss ko na silang yakapin at halikan. Gustong gusto ko na sila makasama. Kung ppwede lang na sumunod ako sa kanila ginawa ko na pero hindi pwede. Nakangako ako sa kanilang ipaghihiganti sa taong sumira sa pamilya namin at pumatay sa kanilang dalawa. Pinunasan ko muna ang aking mga luha na hindi ko namalayang umaagos nanaman. Nadatnan ko si Irene habang kinakausap si Mauve na para bang kausap at nakikita niya ito. Ang swerte ko dahil lagi siyang nandiyan lalo na ng pinagtatabuyan ko siya nung down na down ako sa pagkawala nila but she stay with me without any exchange. "Nandito ka na pala" sambit ko tsaka inilagay sa puntod nila ang mga bulaklak. "Akala ko nga late na ako eh, nakalimutan ko pang mag break fast" medyo nakabusangot na sagot nito. Halata ngang gutom siya ng tumunog ang kanyang tiyan. Ibinigay ko na lamang ang dalang sandwich na extra pamatid gutom at isang beer in can na nabilis ko sa convenient store sa daan. "Paniguradong sinesermunan na tayo ni tita dahil ang aga natin uminom ng alak" tama siya. Ayaw na ayaw kasi ni mommy na umiinom kami ng alak lalo na kay dad kaya lagi niya itong napipingor sa tenga na halos mabali na. Natawa naman ako sa alaalang 'yun. "At naalala ko din ng habulin tayo ni mommy and tita ng itak sa daan nang umuwi tayong lasing na lasing kaya napatakbo tayo ng wala sa oras at parang hindi nalasing" natatawang dagdag ko. Hinabol talaga kami ni mom and tita nun ng itak plus may mga aso ding humabol samin ng mapadaan sa isang street na puro pet owners ang nakatira. Nagtawanan kami. Hayss ngayon ko lang ulit natikman ang alak. Napatingin ako sa kanya ng tumayo ito inilahad ang isang kamay. "Tara na mukhang uulan ayoko namang magkasakit ka" at doon naramdaman ko ang kakaibang kiliti sa aking tiyan. Kinuha ko ito at ginawang suporta para makatayo. Muling tumingin ako sa puntod nila mommy bago napag desisyonang tuluyang umalis. Nagpunta muna kami sa isang street foods at doon kumain ng tanghalian, naglibot sa park hanggang magutom ulit, naglaro ng arcade na parang mga bata tsaka pumunta sa isang five star restaurant para mag dinner. Napagisip isip ko. Hindi na rin masama ang buhay ko, katunayan swerte pa rin ako kahit na namatay si dalawang babaeng pinakang importante saakin binigyan naman ako ng panginoon ng ikalawang buhay para mag patuloy at lumaban. Hindi katulad ng iba na hindj nabibigyan ng second chance at naiiwan ang mahal sa buhay. I love what I have now and contented pero may part pa rin sakin na hindi umasang babalik at babalik sila sakin ng buhay at may mga ngiti sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD