Chapter 3. Pain

2302 Words
Andrei Dawson POV Dala ang tray na naglalaman ng mga pagkain na hinanda ko ay umakyat ako sa room naming dalawa. Nakita ko itong nakahiga pa rin patagilid. Nilapag ko ang tray sa bedside table at umupo sa kama. "Hon?" Inayos ko ang mga buhok na tumatabing sa pisngi niya para makita ko ang mukha niya. Hindi ako nagkamali. Umiiyak na naman siya. Parang may kumirot na naman sa puso ko. Sa tuwing makikita ko siyang ganoon, nasasaktan at nalulungkot ako. Mula nang makauwi kami galing hospital ganito na siya. Naaalala ko no'ng ianunsyo ng doktora na wala na ang baby namin sa tiyan niya, parang tumigil 'yong mundo. Parang gumuho 'yong mga pangarap namin. Parang may nawala rin sa pagkatao namin. Iyak siya nang iyak at ganoon din ako. Gusto ko nang bumigay pero alam kong kailangan kong maging matatag para sa kan'ya lalo na sa nakikita ko kung paanong hindi matanggap ang balita. Mas kailangan niya ako sa panahon na iyon. Sa akin siya kukuha ng lakas para makayanan niya 'to at ganoon din ako sa kan'ya. Pareho naming mahal ang anak namin kahit wala pa siya sa mundong ito. Pareho namin itong hinintay ng matagal at inalagaan pero gusto kong sisihin ang sarili dahil wala ako no'ng mangyari ang insidente. "Hon, nagluto ako ng sopas. Paborito mo 'to, hindi ba?" Ilang araw na siyang hindi kumakain ng maayos at sobrang nag-aalala na ako sa kaniya. Hindi ito sumagot at tulala pa rin habang tumutulo ang mga luha. Namimiss ko na siya. Halos hindi ko siya makausap. Pinunasan ko ang mga luha niya. Tinabihan ko siya at niyakap siya mula sa likuran. "I know how you feel, Hon. I know how it hurts because I feel the same. But please, take care of yourself, Hon. Kailangan mong makabawi ng lakas." Ilang sandali ang lumipas pero wala akong narinig na kahit ano mula sa kaniya. *** Hindi ko magawang pumasok sa opisina dahil sa sitwasyon niya pero mabuti na lang at naiintindihan ako ng boss ko. Sobra rin nalungkot ang mga pamilya, kaibigan at kakilala namin nang malaman nila ang nangyari. Alam ng lahat na halos isang taon naming hinintay ang baby. Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin siya lumalabas ng kwarto. Mabuti na lang at napilit siyang pakainin ni Bea at ng Mommy niya nang bisitahin nila ito. Gumaan naman ng kaunti ang bigat sa dibdib ko nang makitang bumabangon o umuupo na siya. Pagpasok ko sa kwarto nakita kong nakaupo siya sa gilid ng kama habang nakaharap sa bintana at napansin kong bagong ligo siya. Kinuha ko ang suklay sa vanity table niya at naupo sa tabi niya. Akma ko siyang susuklayan pero nagsalita siya. "Leave me alone," malamig na wika niya. Nangunot ang noo ko at tiningnan siya sa mukha. Walang kahit anong ekspresyon doon. "Hon? W-why?" "Just leave," kulang na lang lamigin ako sa lamig ng boses niya. I heaved a deep sigh. Nagtataka man ay sinunod ko ang gusto niya. "O-okay. Just let me know kung kailangan mo na ako." Baka... gusto niya lang ulit mapag-isa. I kissed her forehead bago ako lumabas ng silid. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib sa tuwing pinapalayo niya ako. Sa tuwing pakiramdam ko, hindi niya ako kailangan. Because I want to be the one na kailangan niya, I want to be the one na mag-co-comfort sa kaniya. Dahil siya lang din ang kailangan ko para makayanan ko ang lahat ng 'to. Akala ko magiging maayos ang lahat kapag pinaramdam ko na nandito lang ako palagi sa tabi niya, but I guess, mali ako. Lumipas pa ang mga araw na hindi niya ako kinakausap at pinagtatabuyan niya ako. Hindi niya rin gusto na makatabi ako sa iisang kama kaya napilitan akong matulog sa couch para at least nakikita ko at na-che-check ko pa rin siya. Dahan-dahan akong nagmulat nang makarinig ng ingay sa paligid. Agad akong bumangon at tumayo nang makita ko siyang nakaupo sa harap ng vanity mirror niya habang nagtutuyo ng buhok gamit ang hair dryer. "W-Where are you going?" tanong ko nang makitang nakabihis ito at mabilis siyang nilapitan habang nagpupunas pa ng mata. Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa ginagawa. I'm not sure if she heard me so I asked her again. Tiningnan niya ako mula sa salamin. Walang kahit anong emosyon na makikita sa mga mata niya. Wala 'yong kislap na madalas kong makita noon. "Office," matipid niyang sagot bago tumayo at akmang lalagpasan ako pero marahan kong kinuha ang braso niya. "B-balik ka na sa trabaho?" Nakaramdam ako ng tuwa. "B-Bakit hindi mo sinabi? Okay ka na ba?" sunod-sunod kong tanong. Hindi ako sanay sa nakikita ko sa mga mata niya. Emotionless. "Do I need to tell you everything?" Kumunot ang noo ko kasabay ng pagkirot ng dibdib ko. Yes... that's how we used to do. Gusto kong sabihin ang mga iyon pero hindi ko nagawang ibuka ang bibig sa pagkabigla. Binawi niya ang braso at nilagpasan ako. Sandali akong naiwan sa kinatatayuan ko bago mabilis na humakbang ang mga paa ko. Nakita ko siya na palabas na ng main door kaya mas binilisan ko ang lakad. "Kumain ka na ba? Ihahatid na kita," malakas kong tanong para marinig niya ako. Nakasakay na siya sa driver's seat ng sasakyan niya nang makalapit ako sa gilid niya. "Hon, wait!" Hindi niya ako pinansin at sinimulang paandarin ang kotse. Kumatok ako sa bintana pero mabilis niya nang pinaharurot ang sasakyan. Wala akong nagawa kun'di panuorin ang sasakyang papalayo. Pumasok ako sa loob para kunin ang susi ng kotse ko. Sinubukan ko siyang sundan dahil nag-aalala ako sa kan'ya pero hindi ko na nakita kahit anino man lang ng kotse niya. I just called her secretary and told her to inform me kapag nasa office na si Elise. *** I really don't know what's happening to her. Ilang araw niya pa akong iniiwasan at tinitingnan na tila hindi niya ako kilala. Araw-araw na siyang pumapasok sa trabaho kaya ganoon na rin ang ginawa ko. Inisip ko na rin na mas mabuti 'yon para mabaling sa iba ang atensyon niya at hindi na masyadong dibdibin ang nangyari. Sinusundo ko siya sa office dahil ayaw niya talagang magpahatid pero maaga siyang umuuwi kaya hindi ko siya naaabutan. Minsan naman ay nasa meeting pa raw ayon sa secretary niya. She's not even answering my calls. Gusto ko nang magalit sa mga ginagawa niya pero mas pinili kong intindihin siya. Naisip kong baka nagluluksa pa rin siya sa pagkawala ng baby namin. Nang matapos sa pagluluto ng hapunan ay umakyat na ako para ayain siyang kumain. "Hon," mahinang tawag ko sa kan'ya nang makita ko siyang nakatayo sa balcony na tila malalim ang iniisip. I wrapped my arms around her waist nang makalapit ako. I smelled her hair. I missed her smell. I missed hugging her like this. I missed everything about her. Akala ko sa wakas hahayaan niya akong yakapin siya pero naramdaman ko na naman ang unti-unting pag-alis niya ng mga braso ko sa baywang niya. I felt the familiar pain in my chest. Ilang sandali bago siya humarap sa 'kin. Katulad ng mga linggong lumipas, walang kahit anong emosyon akong nakikita roon. "Hon... C-can you please tell me what's happening? D-did I do something wrong? Something you didn't like? I... I really don't know..." Hindi ako sanay na ganito siya sa 'kin. She's been a loving and sweet wife to me, kahit noong magnobyo't nobya pa lang kami. "I want to go home." Kumunot ang noo ko at hinarap siya sa akin. "W-What do you mean?" "Uuwi ako kina Mom and Dad." Ilang sandali akong natahimik. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Hindi ko inaasahang maririnig 'yon mula sa kan'ya. Normal naman na umuuwi at bumibisita kami sa bahay nila pero hindi ko alam bakit may kaba at lungkot akong nararamdaman sa pagkakataong ito. Parang may iba... "I-I'll go with you. S-Sasama ako." "No," mabilis niyang sagot. Pagkasabi niyon nilagpasan niya na ako at lumabas ng kwarto bitbit ang dalawang maleta na noon ko lang napansin. Kumunot ang noo ko sa dami ng dala niyang gamit. Kusang kumilos ang mga paa ko para habulin siya na kasalukuyang bumababa sa hagdan. "H-Hon, B-Bakit ang dami mong dala?" Akma kong kukunin ang maleta mula sa kaniya para tulungan siya pero tinulak niya ang kamay ko. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Tumigil siya at tiningnan ako. Her stare was cold as ice. "Just let me go." Muli siyang nagpatuloy sa pagbaba sa hagdan at inalalayan ko siya. Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang naka-park na kotse niya sa garahe. "Hon, let's talk first," pinigilan ko ang akma niyang pagsara ng pinto sa driver's seat, "K-Kung ayaw mo, hayaan mo na lang akong ihatid ka." Napalunok ako nang tingnan niya ako ng matalim. "I can handle myself. I don't need you." Parang nabingi ako sa narinig at hindi agad nakagalaw. Namalayan ko na lang ang sariling pinapanuod ang sasakyan niya palabas ng automatic gate. Parang hinihiwa ang puso ko sa mga katagang binitiwan niya. I never felt this pain before. It is the first time I heard those harsh words from her and it's crashing me down. Sumunod ako sa bahay ng parents niya dahil nag-aalala akong mapano siya sa daan at nakahinga ako ng maluwag nang malamang naroon na ito sa kwarto niya. They asked me what happened but I didn't know what to say. I was clueless. They tried to knock on her room and talk to her but she didn't let them in. Kumatok rin ako sa room niya pero wala akong nakuhang sagot. We just decided to let her rest. Umalis ako sa kanila nang mabigat ang dibdib. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang naging malamig. Bakit parang biglang hindi niya na ako nakikita. Iyon ba ang epekto sa kaniya ng pagkawala ng baby namin? Hindi ko na alam ang gagawin ko para gamutin ang sugat niya. Kahit 'yong kaniya na lang. Nag-iinit ang mga mata ko at malakas kong hinampas ang manibela. Nakakita ako ng bar sa 'di kalayuan. Huminto ako sa tapat niyon at pumasok sa loob. Dire-diretso akong nagtungo sa bar counter at umupo sa isang stool. Sunod-sunod kong nilagok ang mga alak habang iniisip ang mga nangyari sa nagdaang mga linggo. Hindi ko namalayan ang paghigpit nang kapit ko sa baso at pagtulo ng isang butil ng luha sa pisngi ko. Mabilis kong pinahid 'yon. Sinubukan kong maging matatag para sa aming dalawa. Kahit mahirap ginawa ko ang lahat para bumalik sa sigla ang pagsasama namin sa kabila nang pagkawala ng anak namin sa sinapupunan niya pero bakit naging ganito? Bakit ang hirap? Muli akong lumagok ng alak at muling umorder. "Hi." Tinapunan ko lang ng saglit na tingin ang babaeng sumulpot sa katabing stool bago muling tinutok ang atensyon sa pagsasalin ng alak sa basong hawak ko. "Don't drink too much. Baka mahirapan kang mag-drive pauwi." Hindi ko pinansin ang sinabi nito at nagpatuloy lang sa pag-inom. Ilang sandali bago ako mapalingon sa isang bagay na inaabot nito. Isang stick ng sigarilyo. Saglit kong tiningnan 'yon. "No, thanks." Mula nang makilala ko si Elise inalis ko lahat ng bisyo ko. Pati barkada tinalikuran ko dahil alam kong ikasisira sila ng namumuong pagmamahalan naming dalawa. Siya ang naging mundo ko. Sa kaniya na umikot ang buhay at pangarap ko. Hindi ko na ito pinansin pero hindi siya umalis sa tabi ko. Mukhang nag-inom lang din ito nang tahimik habang may hawak na sigarilyo. Hindi ko alam kung ilang oras na akong umiinom. Nakakaramdam na ako ng konting pagkahilo pero alam kong kaya ko pa. Kinuha ko ang phone sa bulsa at sinubukang tawagan ang asawa ko. I miss her. Kapag nakakainom ako sa tuwing may okasyon, hindi siya umaalis sa tabi ko. Inaasikaso niya ako at palaging nakayakap kahit maraming tao. Inulit-ulit kong tawagan ang numero niya kahit hindi man lang nag-ring 'yon. Did she turn off her phone? Again, I felt the pinch of pain in my chest. Hinaplos ko ang wallpaper ng phone ko na nakangiti ang maganda kong asawa. What's going on, Hon? Please don't do this to me... "Your wife?" Muli akong napalingon sa katabi ko nang nakakunot ang noo. She smiled sweetly at tinuro ang singsing sa daliri ko. Wala sa loob na tumango ako. "Galit sa'yo?" I heaved a deep sigh bago tumango. She chuckled softly. "You know what? Kaming mga girls kapag nagagalit, we just need some space and time to think. Then after that, malamig na ang ulo namin." Bahagya ko itong nilingon. "You think so?" She smiled and nodded. "Don't worry, kung ano man 'yang problema niyo, I know maaayos niyo rin 'yan. By the way, I'm Lovina." Tiningnan ko lang ang naghihintay nitong kamay at hindi ko inabot iyon. Tumingin ako sa wrist watch ko. It was already 11PM. Hindi ko napansin na matagal na rin pala ako sa loob ng bar na 'yon. Nag-iwan ako ng ilang libo sa counter at tumayo. Hindi pa man ako nakakahakbang nang tumayo rin ang babae sa gilid ko. "You're leaving?" tanong nito. Saglit ko lang itong tiningnan at nagpatuloy na sa paglabas ng bar na 'yon. I stopped entertaining women na hindi ko kilala or even talking to them especially inside the bar mula nang makilala ko ang asawa ko. Pag-uwi ko ng bahay sinalubong ako ng katahimikan. Naiwan ko pang bukas ang ilang ilaw pero ramdam ko ang lungkot ng buong paligid. Kasabay ng pagbagsak ng tubig mula sa shower ang pagbagsak ng luha ko. Dumapo ang kamao ko sa pader at hindi ininda ang pagdugo niyon. It was only her who could make me cry. It was only her who could hurt me like this. I miss her. I miss my wife.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD