Chapter 2. Worst day

1743 Words
Kinakabahan ako habang hinihintay ang paglabas ng resulta sa pregnancy test na ginamit ko. Napapikit ako nang mariin nang makitang isang guhit lang 'yon. Nakakaramdam ako ng lungkot sa tuwing makikitang negative pa rin ang result. Few months have passed and it was so frustating dahil halos araw-araw kaming nagta-try pero wala pa rin kaming nabubuo. Gustong-gusto ko nang bigyan ng anak ang asawa ko at alam kong naghihintay rin siya. "What's the result?" tanong niya nang lumabas ako ng banyo. Napanguso ako at umiling. Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. "I'm sorry," bulong ko habang namumuo ang luha sa mata. "Don't say sorry. It's fine, Hon. Marami pa namang oras. Hindi tayo nagmamadali. We can try again." I felt his kisses on top of my head. The doctor advised na iwasan ko muna ang stressed at kumain ng healthy foods kaya tumigil muna ako sa trabaho at nag-stay muna sa bahay. Nag-e-exercise din kami ni Andrei at iniwasan magpuyat. Another few months have passed. Isang araw nagising ako na parang hinahalukay ang sikmura ko. Agad akong tumakbo sa banyo at sumuka sa lababo. Hapong-hapo ako nang matapos. Naghilamos ako at tiningnan ang repleksyon ko sa salamin nang may biglang pumasok sa isip ko. Mabilis kong kinuha ang pregnancy test kit sa cabinet at sinimulan kong mag-test. Awtomatikong namuo ang luha sa mga mata ko nang makita ang dalawang guhit do'n. Hanggang sa sunod-sunod nang nalaglag ang mga iyon sa pisngi ko. Finally... Excited akong nagluto ng hapunan namin habang hinihintay siyang makauwi mula sa office. Pakanta-kanta pa ako nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran. "Hmm, I'm so lucky... Ang ganda na ng boses ng asawa ko, masarap pang magluto. Kaya naman excited akong umuwi lagi." I giggled nang makiliti ako sa paghalik-halik niya sa leeg ko. "Amoy adobo ako, Hon!" "You smelled delicious, Hon. Ikaw muna ang dinner ko," He whispered bago pinatay ang apoy sa stove. Napatili ako nang buhatin niya ako. Inupo niya ako sa dining table at agad sinunggaban ng halik. Nadadala ako sa mga halik at malilikot na kamay niya kaya hindi ko nagawang tumutol. Namalayan ko na lang na nakahiga na ako sa mesa at pareho kaming walang kahit anong saplot. "Hon, be gentle," tanging nasambit ko bago ko maramdaman ang kahabaan niya sa loob ko. Punong-puno na naman ang pakiramdam ko sa loob. Napuno ng ungol at daing ang buong dining room. Pareho kaming pawisan pagtapos. "I love you so much..." bulong niya sa tainga ko. Hinugot niya ang kaniya at kumuha ng paper towel. Pinunasan niya ang mga pawis ko ganoon din ang pagitan ng mga hita ko. Isinuot niya muli sa 'kin ang dress ko na hinubad niya kanina bago inayos ang sarili niya. "Now, let's eat your adobo," nakangiting saad niya nang alalayan akong bumaba mula sa mesa. Inirapan ko siya pero may ngiti sa mga labi. Malakas masyado ang atraksyon namin sa isa't-isa kaya alam kong kailanman hindi kami magsasawa. Sabay naming pinagsaluhan ang niluto ko bago kami umakyat sa kwarto namin at sabay rin naligo. Kinuha ko ang PT na tinago ko at umupo sa tabi niya sa kama. I cleared my throat. "Hon..." tawag ko sa kaniya. Ngumiti ako, "I have a surprise for you." Nilahad ko ang palad ko sa harap niya at tiningnan niya iyon. Nakita ko kung paano unti-unting umawang ang bibig at ilang sandaling tumitig sa hawak ko bago muling nag-angat ng tingin sa 'kin. Hindi ko napigilan maluha muli nang makita ko kung gaano kasaya ang mukha niya at pamamasa ng mga mata niya. "W-We're having a baby?" hindi makapaniwalang tanong niya. Sunod-sunod akong tumango habang tumutulo ang mga luha."I'm pregnant." Mabilis niya akong kinulong sa mga bising niya. "Oh, God! Thank you!" He cupped my face and kissed my lips. Paulit-ulit niya iyong hinagkan maging ang halos buong mukha ko. He wiped my tears bago hinaplos ang maliit kong tiyan ko. "Hi, Litte buddy. I can't wait to see you." Kung noong magnobyo at nobya pa lang kami ay maalaga na siya sa 'kin, ngayon dumoble o triple pa 'yon. Lahat ng kailangan ko binibigay niya at halos ayaw niya na rin akong pakilusin sa bahay kahit kaya ko pa naman. Hinayaan ko na rin siyang kumuha ng pupuntang tigalinis at tigalaba sa bahay. Sinamahan niya rin akong magpunta sa OB-Gyn para sa check-up at maluha-luha kami pareho nang marinig ang heartbeat ni baby. Tinawagan namin ang mga pamilya namin para sabihin ang good news at syempre, masayang-masaya silang lahat. "Congrats, Elise! Excited na 'ko sa baby shower! Ako nang bahala mag-prepare n'on," masayang wika ng bestfriend kong si Bea nang tawagan ko ito. Napangiti ako. Alam kong gan'yan ang mga hilig niyang gawin. "Thank you, Bea. The best ka talaga." Mabilis na lumipas ang mga isang buwan at masasabi ko na hindi madali ang pagbubuntis ko. Tuwing umaga kasi ay masama ang pakiramdam ko at kapag nakakaamoy naman ako ng hindi ko gusto, ay naduduwal ako. Halos ayaw na nga pumasok ni Andrei sa office pero ayokong maging sagabal sa trabaho niya lalo na at may inaasikaso siyang malaking deal. Inip na inip na 'ko sa bahay dahil nauubusan na ako ng gagawin sa araw-araw. Wala na akong ibang ginawa kun'di manuod ng TV at magbasa ng mga romance novel. Naisipan kong pumunta na lang sa mall para bumili ng maternity dress. Maliit pa rin naman ang tiyan ko dahil magtatalong buwan pa lang pero baka mahirapan na ako lumabas sa oras na lumaki iyon. Tinext ko na lang si Andrei para ipaalam na aalis ako. Nag-park ako sa basement ng Mall at nagsimulang mag-ikot ikot. Namili ako ng mga dress at undergarments bago naghanap ng makakain. I was craving for ice cream kaya bumili ako bago umuwi. Agad kong binuksan ang isa at kinain habang naglalakad. Malapit na ko muli sa basement nang mag-ring ang phone ko. Kinuha ko iyon sa maliit kong bag at sinagot ang tawag ni Andrei. "Hon? Where are you? Bakit ka umalis nang hindi ako kasama?" Bakas ang pag-aalala sa boses niya. "Pauwi na 'ko, Hon. May binili lang ako saglit dito sa Mall." I heard him sighed. "You should have told me na may plano kang lumabas para umuwi ako agad." May himig ng magtatampo at alam kong pagagalitan niya ako mamaya. "Sorry, Hon," sabi ko nang may paglalambing. "Bigla lang ako nainip sa bahay kaya naisip ko magpunta sa Mall. Nandito na ko sa parking lot, pauwi na 'ko. Don't worry." Binilisan ko nang maglakad para makauwi agad at nang mapanatag na siya. "Okay. Mag-ingat sa pag-drive, please. Masyado mo akong pinag-a-" Hindi ko na narinig ang mga sumunod niyang sinabi dahil namilog ang mga mata ko at nanigas ang buong katawan ko nang makita ang mabilis na motorsiklong palapit sa direksyon ko. Sinubukan kong umatras pero lumiko rin siya na mukhang sadya niya ako babanggain, kaya sa sobrang takot at gulat ay mabilis akong napaatras at malakas na bumagsak ang puwitan ko sa semento. Napadaing ako sa sakit. Nakita ko pa ang natapong cup ng ice cream sa 'di kalayuan at ang cellphone na nabitawan ko. Ramdam ko ang sakit ng dalawang kamay ko na naitukod ko sa sementadong sahig. Mabilis ring tumakbo palayo ang motorsiklo. Sinubukan ko pang tingnan ang plate number pero wala akong nakita. Tanging itim na boots lang ang nakita ko na parang boots ng isang... babae. Hindi ako sigurado. Nang subukan kong tumayo natigilan ako nang makita ang dugo na dumadaloy sa hita ko. Nanlaki ang mga mata ko at nilukob ng matinding kaba ang dibdib ko. Namalayan ko na lang ang sarili na sumisigaw ng tulong. May nakita akong kotseng palapit at bumaba sa tapat ko. Bumaba ang isang lalaki at agad na lumapit sa 'kin. Nang makita ang dugo sa binti ko ay mabilis niya akong binuhat at isinakay sa loob ng sasakyan nito. Dumating rin ang isang guard at sinubukang tumawag ng ambulansya pero nagpresinta ang lalaki na ito na lang ang maghahatid sa akin sa hospital dahil baka matagalan pa kung hihintayin ang ambulansya. Hindi na ako nagsalita pa at wala akong ibang ginawa kun'di umiyak nang umiyak. Natatakot at nag-aalala ako sa baby ko. Hindi ko alam bakit may dugong lumalabas sa 'kin. Hindi ko alam bakit masakit ang tiyan ko. Nang makarating sa hospital ay agad kaming sinalubong ng mga nurse. Dinala nila ako sa emergency room at kung anu-ano pang tinanong sa akin na hindi na pumapasok sa utak ko. Maraming test silang ginawa sa 'kin at naghintay pa kami ng resulta. Lalo akong naiyak nang makita ko si Andrei na nagmamadaling pumasok sa emergency room at puno nang takot at pag-aalala ang mukha. Mabilis siyang lumapit sa 'kin at niyakap ako nang mahigpit. Tiningnan niya ako sa mukha at sa buong katawan ko. Sinakop ng mga palad niya ng magkabilang pisngi ko. "What happened?" Muli akong napaiyak at hindi ko nagawang sumagot. Hindi ko kayang magsalita dahil sa tila nakabara sa lalamunan ko. Pinugpog niya ng halik ang mukha ko bago muling niyakap nang mahigpit. "Shh... Hush now, Hon. I'm here." Hindi siya tumigil sa pag-alo sa 'kin hanggang sa may lumapit sa 'min. "Uhm, excuse me. I guess, I have to go now," wika ng isang lalaki habang nakatingin sa 'kin. Tumingin sa 'kin si Andrei bago muling tumingin sa lalaki. "Who are you?" "Ako ang nakakita sa kan'ya sa parking lot. Ako ang naghatid sa kan'ya rito," kaswal na sagot nito. "T-thank you..." sambit ko. Bahagya itong ngumiti. "I hope you feel better soon." Kaswal na nagpasalamat rin si Andrei dito bago ito tuluyang umalis. Maya maya ay may lumapit na doktor. Seryoso ang mukha nito at nagsimulang lukubin muli ng takot ang dibdib ko. "D-Doc, 'yong baby ko po?" kinakabahang tanong ko. Umaasa ako na kahit kaunti, nandito pa rin siya, na kumapit siya. Humugot ito ng malalim na hininga at ilang sandaling nanahimik bago sumagot. Si Andrei naman ay tahimik rin na naghihintay sa sasabihin ng doktor habang mahigpit na nakahawak sa isang kamay ko. "I'm sorry, Mr. and Mrs. Dawson... You lost the baby. Masyadong malakas ang impact ng pagbagsak-" "No," He cut her off. "Don't say that." Tila nabingi na ako at tumigil ang mundo ko nang marinig ang mga salitang 'yon. Umiling-iling ako. "Hindi... hindi 'yan totoo. Please huwag kang magbiro, Doc." Hinihintay ko ang sagot ng doktor pero nakita ko lang ang paglunok nito at yumuko. "I'm sorry..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD