bc

One Night Mission

book_age18+
125
FOLLOW
1K
READ
spy/agent
one-night stand
fated
pregnant
playboy
serious
mystery
detective
prostitute
passionate
like
intro-logo
Blurb

Si Jaxson Alconez a.k.a. Agent Fang ang tinaguriang pinakamahusay na secret agent ng National Intelligence Agency (NIA). Wala pang misyon ang hindi niya napagtatagumpayan kaya ganoon na lamang kalaki ang tiwala sa kanya ng kanyang kinabibilangan na ahensya. Dahil dito, siya ang malimit na ipadala na kanilang ahensiya sa mga malalaki at napakahalagang mga misyon.

Ngunit sa pagdating ng rookie agent ng Philippine Intelligence Agency (PIA) ay unti unti na nagkaroon ng iringan sa pagitan ng dalawang ahensiya. Bago pa lumaki ang away ay pumagitna na ang gobyerno at nagbigay sila ng magkaparehong misyon sa dalawang ahensiya. At kung sino man sa kanilang napiling agent ang makakatapos ng ibinigay na misyon ay ito ang kikilalanin na pinamagaling na intelligence agency sa Pilipinas.

At katulad ng inaasahan, si Agent Fang ang siyang piniling ipadala ng NIA sa misyon na ito. Ngunit hindi inaasahan ni Agent Fang na sa gitna ng kanyang misyon ay makakatagpo niya ang isang misteryosang dalaga na agad pumukaw sa kanyang atensyon at puso. Sandali na nakalimutan niya ang kanyang misyon at sa halip ay buong init na pinagsaluhan nilang misteryosang babae ang isang hindi malilimutan at madamdaming gabi na magkasama.

Sandali na iniwan ni Agent Fang ang natutulog na babae para tapusin ang kanyang misyon pero sa kanyang pagbalik ay wala na ito. Dahil sa hindi malilimutan na gabi ng kanyang misyon ay ilang beses na sinubukan ni Agent Fang na hanapin ang babaeng nagnakaw ng puso niya ngunit wala ito iniwang kahit anong bakas at pagkakakilanlan. Para bang ito na naglaho na parang isang bula.

Gayun pa man ay walang balak na sumuko si Agent Fang. Gagawin niya ang lahat para mahanap muli ang misteyosang babae.

Tinawag niya ito na 'One Night Mission'.

chap-preview
Free preview
Mission 1
“Welcome back to the Philippines, sir.” Malapad akong napangiti nang marinig ang magalang na pagbati ng mga flight attendant habang papalabas ako ng eroplano. I am finally back. Sa wakas, nakabalik na rin ako sa Pilipinas matapos ang anim na buwan na misyon sa Canada. Ngunit hindi ito simpleng paglalakbay o bakasyon—isa itong Class S mission na may kinalaman sa international security. Anim na buwan ng walang tulog na operasyon, surveillance, infiltration, at pagtugis. At ngayon, tapos na. Bilang Rank 1 secret agent ng National Intelligence Agency (NIA), ako ang ipinadala ni Boss Libra sa isang joint operation kasama ang Foreign Alliance. At ang target namin ay si Leon de Guzman—isang international terrorist na matagal nang nagtatago sa iba’t ibang bansa. Dapat ay aabot ng isang taon ang operasyon na ito. Pero dahil sa strategic execution at… well, ehem, pagiging ako, natapos namin ito sa loob ng anim na buwan. Nahuli si Leon. At mission accomplished kumbaga. Kaya ngayon, ang tanging dala ko ay pagod—at isang nakatagong ngiti ng tagumpay. Habang naglalakad ako palabas ng airport, ramdam ko ang normal na daloy ng mga tao sa paligid. Tourists. Locals. OFWs. Lahat abala sa kani-kanilang mundo. Pero hindi ako. Sanay na ako na iba ang mundo ko. Dahil sa mundong ginagalawan ko, bawat hakbang ay maaaring huli mo na. Habang papalapit ako sa exit, napansin ko ang isang lalaki na papalapit din sa direksyon ko. Normal lang sana iyon—kung hindi lang niya sinadyang banggain ang balikat ko. “Tsk.” Nagtagpo ang paningin namin sa isang segundo. Walang emosyon. Walang salita. Isang malamig na palitan lamang ng tingin. Pagkatapos noon, dire-diretso siyang naglakad na parang walang nangyari. Huminto ako sandali. That was intentional. Hindi iyon aksidente. Napabuga ako ng hangin sa ilong. “Welcome home nga naman,” bulong ko sa sarili. Ilang minuto pa lang ako sa Pilipinas, pero ramdam ko na agad—may mali. At kung tama ang kutob ko… Hindi simpleng pagbabalik ang naghihintay sa akin. Napakamot ako sa batok habang naglalakad palabas ng airport. “Gusto ko lang sana magpahinga… pero mukhang may ibang trip si Boss Libra,” bulong ko. Hindi na rin ako nagulat. Ang NIA ay hindi ordinaryong ahensya. Bawat agent ay may network ng informants, watchers, at silent observers. Kaya imposible na hindi nila alam na dumating na ako. Habang nasa labas, agad akong sumenyas sa paparating na taxi. Agarang huminto naman ito sa harap ko. “Sir, saan po tayo?” tanong ng driver habang nakangiti. Sumandal ako sa backseat at saglit na tumingin sa salamin ng driver. “Bring me to hell,” sabi ko nang diretso. Sandaling natigilan siya. Pero pagkatapos ng isang segundo, tumango lang siya at nag-drive na. Sanay na sila sa mga ganitong klaseng pasahero. Habang bumabyahe, tahimik ang loob ng sasakyan. Tanging tunog ng makina at trapiko ang naririnig. Maya-maya, sinilip ko ang maliit na papel na lihim na inilagay sa akin ng lalaking bumangga kanina. Manipis ito. Simple. Pero alam ko—hindi ito basta papel lang. May sequence ng letters at numbers. “Encrypted message,” bulong ko. Inayos ko ang paghinga ko at dinecode ito sa isip. Isa akong elite agent. Hindi ito mahirap na i-decode. After ilang segundo— Nag-form ang mensahe sa utak ko. “Head to my office, Agent Fang. ASAP.” Napakunot ako ng noo. “What the hell?” Hindi ito mission briefing. Hindi ito normal deployment. Ito ay personal summon. Mula kay Boss Libra. Napahawak ako sa gilid ng upuan. “Bakit biglaan?” nagtatakang bulong ko. Hindi ito ginagawa ng boss namin nang walang dahilan. Kadalasan, mga field operatives ang nagpapadala ng mission details. Hindi siya mismo. Huminga ako nang malalim. “s**t… may mali.” Pagkalipas ng ilang minuto, huminto ang taxi sa harap ng headquarters ng NIA. Isang malaking modernong gusali ang bumungad sa akin—simple sa paningin ng publiko, pero nakatago rito ang isang fortified intelligence hub sa loob. Bumaba na ako at inilibot ang tingin sa paligid. Everything looks normal. Pero alam kong hindi. Napahawak ako sa batok ko. “Sinubukan ko pa naman sana mag-surprise,” bulong ko. “Pero ako pala ang sinorpresa.” Doon ay naglakad na ako papasok. Sa entrance, sinalubong ako ng security guard na tila ba hindi ako nakilala. “Ako ito,” sabi ko habang tinanggal ang takip ng mukha ko. “Ang pogi at walang kapantay na si Jaxson Alconez.” Nag-pose pa ako. Isang segundo. Dalawang segundo. Walang reaksyon. Tumikhim ako. “Kuya Fredo, kahit tawa man lang oh?” Walang nangyari. Bumuntong-hininga ako. “Balang araw mapapatawa rin kita.” Dahil wala pa rin kahit anong reaksyon sa mukha ni Kuya Fredo ay dire-diretso akong pumasok. Ngunit bago pa ako makalayo— “Agent Fang.” Isang malamig na boses ang tumawag sa akin Agarang napahinto ako. Si Agent Virgo. “Ah, ikaw pala,” sabi ko. “Sino nag-sumbong na nandito na ako?” “Boss Libra,” sagot niya. “Alam niyang dadaan ka muna kay Kuya Fredo bago ka pumunta sa office niya.” Napangiwi ako. “Grabe naman kayong lahat, alam niyo galaw ko.” “Normal na ‘yan sa’yo,” sagot niya sabay tingin sa akin na parang pagod na pagod siya. Napangisi ako. “Miss mo ‘ko no?” “Delulu ka,” sagot niya agad na may kasama pang pag-irap. Tumawa ako ng mahina. Dahil mukhang isa lang ang aming pupuntahan ay sumabay na ako sa kanya sa elevator. Habang paakyat kami, unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero alam ko— May mangyayari. Pagbukas ng elevator doors sa top floor— Tahimik. Lahat ng top-ranked agents naroroon. At hindi sila nagsasalita. That’s not normal. Usually maingay ang lugar na ‘to kapag nagsama sama ang lahat. Ngayon… Parang libing. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “Boss! I’m back!” masigla kong bati. “Namiss niyo ba ‘ko?” Walang sumagot. Napatingin si Virgo sa akin. “Wrong timing,” bulong niya. “Ha?” tanong ko. Pero bago pa ako makareact— “Agent Fang,” seryosong tawag ni Boss Libra. Napatuwid ako. “Y-Yes, boss!” “Welcome back. You completed your mission successfully.” Walang emosyon ang boses niya. Napakunot ako. May mali talaga sa reaksyon nilang lahat. Mukha naman hindi sila ganoon kasaya sa pagbabalik ko. “Pero bakit parang patay lahat ng tao dito?” biro ko. At wala pa ring tumawa. “Sit down,” utos niya. Umupo naman ako at nagtataka na tinignan ang lahat. Inabot ni Boos Libra ang isang makapal na envelope. “Read it.” Walang pag-aalinlangan na binuksan ko naman ito. Pagtingin ko— Nanlaki ang mata ko. “...What the hell?” Mga documents. Reports. FAILED MISSIONS. Lahat galing sa top agents ng NIA na naririto ngayon. “Are you kidding me?!” sigaw ko. “Anong nangyari?! Kinakalawang na ba kayo?!” Tahimik. Lahat ng ulo nakayuko. Kahit si Virgo ay umiwas ng tingin sa akin dahil isa siya sa mga agent na nagkaroon ng failed mission. Napahawak ako sa mesa. “Hindi totoo ‘to…” “Agent Fang,” sabi ni Boss Libra, “hindi problema ang NIA.” “Eh ano?” hindi makapaniwalang tanong ko. “May bagong kalaban.” Tumahimik ang buong kwarto at makikita sa mukha nila ang pagkagigil kung sino ang kalaban ang tinutukoy ni Boss Libra. “A rookie agent ng PIA.” Napahinto ako. “Rookie?” Tumango si Boss Libra para kumpirmahin ito. “Limang major cases ang natapos niya. Sa loob ng six months na wala ka.” Napakuyom ako ng kamao. “Boss… bakit ako nandito?” Tumingin siya sa akin nang diretso. “Because you will face him.” Ngumisi ako. “Ah.” Gets ko na. Competition. “Gusto niyo mauna ako sa rookie na ‘yon,” sabi ko. “Tama,” sagot niya. “Because the government gave both agencies the same Class S mission.” Biglang bumigat ang hangin. “This is no longer just a mission,” dagdag niya. “This is reputation war.” Nakatitig ako sa envelope. Slowly, ngumiti ako. “Then I’ll take it.” Tumayo ako. Tumingin ako sa lahat. “Wala pa akong mission na hindi ko natapos.” Naglakad ako palabas ng mesa. Huminto ako. “Sabihin niyo lang kung nasaan siya.” Nagngitngit ang ngiti ko. “Susubukan kong ipakita sa rookie na ‘yon…” “…kung sino talaga ang numero uno.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.6K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.2K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.3K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook