Habang naglalakad ako patungo sa opisina ni Boss Libra ay kapansin pansin ang ginagawang pag-iwas sa aking daan ng mga baguhang agent. Para silang mga takot na kuneho na nagtatago sa isang leon. At sa pagkakataon na ito ay ako ang leon na iyon. "What the f**k is their problem with me?” hindi kong natutuwang sambit na siyang lalong ikinataranta ng mga rookie agent sa aking paligid. "Good morning, Agent Fang, " seryosong pagbati naman sa akin ni Agent Virgo at naramdaman ko pa ang kanyang pagtapik sa aking balikat, "Aga aga ay tinatakot mo yata ang ating mga rookie agent." Lalo ako sa napasimangot sa kanyang sinabi. "Tss... Anong tinatakot ko sila?” naiiritang tanong ko, "Kita mong tahimik na naglalakad lang ako rito patungo kay Boss Libra." Tinuro ni Agent Virgo ang magkabilang dulo

