Sobrang naggagalaiti ako sa galit nang tumatawang lumabas sa aking kwarto si Agent Fang. Mabuti na lang ay napigilan ko ang aking sarili kanina. Kundi marahil ay humalik na ang kamao ko sa mapang-asar na mukha niya. "Grrrr... Hintayin mo lang na makalabas ako rito! Makikita niyo!” gigil na gigil na pagbabanta ko pa kahit alam ko na hindi naman niya maririnig iyon. Nang medyo kumalma na ako at masiguro ko na wala ng tao sa paligid ay doon ko naisipan na tumayo mula sa hinihigaan ko dito sa ospital. "Tch," bulalas ko saka sinapo ang aking tagiliran na nasaksak. Alam ko na hindi naman ito ganito kalalim saka ang mga ganitong sugat ay normal lang sa katulad kong agent. Mas malala pa nga ang mga sugat na natamo ko noon sa ilang misyon na ginawa ko pero buhay na buhay pa rin ako na akala

