Chapter 2

1567 Words
"Kamusta ka na?" I gave him a sly smile at inabot sa kanya ang kape. "Ok lang." sagot ko tsaka niya kinuha ang kapeng inabot ko. "I know you're not, Imee. Nanjan na ba siya?" umiling ako at tumango siya. Tatlong linggo na rin simula nung huli namin pagkikita ni Gaston. Hindi pa rin siya umuuwi at hindi ko alam kung saan siya ngayon. 'Ni anino niya ay 'di ko nakita at wala akong alam ni kahit katiting na impormasyon na makakapaga-alam sa akin kung nasaan siya. "Do you miss him? " she asked at bumalik ako sa huwisyo nang itanong niya iyon. "Yes. So much, and I'm hurting for feeling this way." Totoo naman talaga. Miss na miss ko na siya kahit na iniwan niya ako na hindi man lang nagpapaalam. Kahit na ganun ang nangyare sa amin ay asawa ko pa rin siya at matagal din naging kami bago kami ikinasal. Gaston has been my husband for 2 years. Sa dalawang taon na iyon ay ilang ulit na namin sinubok na magkaroon ng anak pero sa tuwing hindi ako nadadatnan ay parating negative ang result ng test ko. Hindi ko alam kung sino ang may kulang sa amin pero kahit ganun, kahit hindi kami magkaanak, I will still love him. For me, marrying him and loving him is the greatest gift for me. Bonus na lang siguro ang magkaroon kami ng anak and it's a blessing for me kung magkakaroon man kami ng baby. Wala naman sigurong mag-asawa ang 'di gusto ng anak, diba? And maybe having a baby is not meant for us. I understand my husband. He just wants to be complete and me, bearing his child, will complete him. Kaso, hindi ko iyon maibibigay sa kanya dahil alam ko sa sarili ko, may kulang sa akin o sa kanya. I know darating sa point na maghahanap siya at hindi ko iyon mapipigilan. If that time comes, and he will give up, I will stay and fight for our relationship. Nangako ako sa kanya at hindi ko iyon sisirain. "Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa'yo o magagalit. I don't want to see you in this position Imee and your family don't want to see this too." Yes, she's right. Last week lang nalaman ng parents ko ang tungkol sa amin ni Gaston. They thought that our relationship was just fine, but they didn't know that my husband was already eaten by insecurities. I don't know kung ilang ulit na kami nag-s*x ng asawa ko pero wala pa rin kami nabubuo. Gusto kong magpa-check but Gaston is scared to know the truth, he doesn't want to know the truth. "Alam ko, Giselle. But I can't blame my husband for acting this way because he's having high hopes that we can have a baby." I said at tumango siya tsaka siya uminom ng kape. After taking a sip, she put the cup on the table at tiningnan niya ako. I hate those eyes of her, kahit bestfriend ko siya naiinis ako na makita siyang awang-awa sa akin. I can't blame her either, she just cared about my well-being. "You need to take a rest from all of this, Imee. We don't know where the hell your husband is, but I can feel that he's having fun right now f*****g bitches at the bar." She's right. Hindi ko rin iyon maitatanggi. That's the truth. "I'm not in the mood for taking a rest, Giselle. Hindi ko alam kung paano ba magpahinga sa mga nangyayare ngayon. I'm tired, but I don't know how to rest if problems are eating me." bigla na lang akong napayuko at tinakpan ng mga kamay ang mukha ko. I started to cry at kahit na ang hirap ng umiyak dahil parang wala ng luha ang lumalabas ay pinipilit ko pa rin ito ilabas. I've been crying for I don't know how many nights. Kusa na lang kasi ako tutunganga at maalala ang mga masasayang memories namin ni Gaston then I started to cry. Slowly, nararamdaman ko nang kinakain na ako ng depression at natatakot ako na baka isang araw, baliw na ako. "Imee..." naramdaman ko na lang ang kamay ni Giselle sa likod ko. "Im sorry, Giselle. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Gusto ko siyang hanapin, gusto ko siyang makita pero anong magagawa ko kung ang taong gusto kong hanapin ay ayaw magpakita?" "I know." Hinagod niya lang ang likod. Giselle was there caressing my back habang ako umiiyak sa lalaking iniwan ako. I still love him. I really do at 'di ako mapapagod na sabihin yun ng paulit-ulit. "Do you want me to visit you again tomorrow? Mag-sine tayo bukas para naman maiba yung atmosphere mo. Masyado kang emo kung dito ka lang sa bahay at nagiging-emo na rin ako kapag nandito lang tayo dalawa bukas." She smiled and gave her a smile too. A fake one. Kahit na ngumingiti pa rin kasi ako, nasasaktan pa rin ako. Smiling outside but hurting inside, ang hirap magpanggap na ok ka lang. "Sure. Just text me kung anong oras ka pupunta." I answered tsaka siya tumango at niyakap ako. "I love you best. 'Wag ng malungkot ah?" she said at kumawala ako sa yakap niya tsaka tumango. "Mag-iingat ka." I said tsaka siya ngumiti ulit at lumabas na ng gate at dumiretso sa sasakyan niya. "Bye!" she shouted, and I just waved for a response. Huminga ako ng malalim at pumasok ng bahay. Napasandal ako sa pinto ng maisara na ito. I looked at the house at nalungkot nang maramdaman ang katahimikan dito. Hindi na ito yung dating bahay na maingay dahil sa TV at full blast volume na music ni Gaston. Hindi na ito yung bahay na sabay kami mag-asawa kumakain at nagtatawanan. It's not the same. It's different. Pumunta ako sa living area at kinuha ang basong ininuman kanina ni Giselle. Nilagay ko ito sa kusina sa lababo tsaka naghilamos after. Pagkatapos kung maghilamos ay pinatay ko lahat ng ilaw at dumiretso kaagad ako ng kwarto namin. Bigla akong nalungkot, this room remind me of us. Mabilis akong humiga sa kami namin at napaiyak na naman sa lungkot nang maalala ang mga happy memories namin dalawa dito sa kama. "I miss you, honey. Umuwi ka na please." I wispered tsaka dahan-dahan na pinikit ang mga mata. --- Naalimpungatan ako nang may marinig akong apak ng mga paa. Kinusot ko ang aking mga mata at bumangon to see Gaston packing his things. Natigilan ako at nagulat nang makita siya. I looked at the wall clock hanging in front of me at alas tres na ng umaga. "Gaston?" I said at gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero nagulat ako ng lumingon siya. Ang pula ng mga mata niya at puno ng lipstick ang suot niyang white polo. Nakita ko pang may hickey siya sa leeg which made my heart ache so much. Nambabae siya. That's for sure. Tiningnan niya lang ako at 'di na siya sumagot tsaka pinagpatuloy ang pagiimpake niya ng mga gamit niya sa maleta. Tumayo ako at nilapitan siya. "Gaston saan ka pupunta? Are you leaving me? Saan ka nanggaling? 'Bat ngayon ka lang umuwi? Tsaka bakit ang dungis mo na?" sunod-sunod kong tanong pero dedma lang ang natanggap ko sa kanya. Tiningnan ko lang siya at nung matauhan ako sa ginagawa ko na pagtunganga lang sa kanya ay mabilis kong inagaw ang mga damit na hawak niya. He stopped, at mukhang nagulat sa ginawa ko. Dapat ko siyang pigilan, mahal ko siya at nangako ako that in sickness and in health nandito ako para sa kanya and he's sick. He's sick and that's the truth. "Give me that!" sigaw niya at pinipilit na kinukuha sa akin ang mga damit na inagaw ko sa kanya. "No! No one will leave this house!" sigaw ko at binabawi sa kanya ang mga damit na inagaw niya sakin. "Who are you to say that to me? " sigaw niya at mabilis niyang nakuha sa akin ang mga damit niya tsaka niya ako tinulak na ikinatumba ko. I looked at him at naiiyak ako dahil hindi na siya yung Gaston na kilala ko. Hindi na siya yung Gaston na mahal ko at minahal ako. Hindi na siya yung Gaston na pinakasalan ko. Hindi na siya si Gaston dahil kaya na niya akong saktan! "I'm your wife, Gaston! Pati ba naman iyon nakalimutan mo na?! Asawa mo ako at sana naman kahit yun lang sana alam mo." Naiiyak kong sagot at nagulat ako to see him smirk. "Since you give me that result over and over again, hindi na kita kinilala na asawa!" sigaw niya at mabilis na tumayo tsaka niya tinapon sa akin ang wedding ring namin. "Gaston!" sigaw ko at mabilis na tumayo tsaka siya sinundan nung makalabas na siyang kwarto. "Gaston don't leave me! Please maawa ka sa akin. 'Wag mo 'tong gawin sa akin." I said habang hawak-hawak ang manggas ng polo niya. "Bitawan mo ako!" sigaw niya tsaka niya ako mabilis na tinulak at sa hindi sinasadya ay nahulog ako sa hagdan. Para akong mawawalan ng malay. Ang sakit ng buong katawan ko at parang nabali lahat ng buto ko sa katawan. Nakita kong pababa si Gaston at nagulat ako nang tiningnan niya lang ako at 'di man lang tinulungan. "Serves you." He said at nawalan na ako ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD