"Is she OK?"I know that voice. Kay Giselle yun.
"Yes she is. Mabuti na lang at walang buto ang nasira kung hindi it could lead to a coma." That voice, kay mommy yun na boses.
I want to see mom. I miss her so much. Pero na saan ako? I slowly opened my eyes at nakita si Mommy and Giselle looking at me. Para silang natigilan nang makita ako, it's like for them, it's a miracle.
"Imee-Anak!" they said in unison.
"Mom, Giselle." ngumiti ako and Im so happy to see them both, especially Mom. I miss her so much that I want to hug her, but I can't dahil masakit pa rin yun katawan ko.
"Iiwan ko muna kayo." Giselle said at tumango si Mommy at ngumiti ako kay Giselle tsaka siya umalis at lumabas ng kwarto.
"I miss you, mom." I held her hand and she squeezed it.
"I miss you too. Are you already OK? Do you feel any pain?" umiling ako tsaka nakaramdam ng hilo. Hinawakan ko ang ulo ko at napansin na may bandage pala ako 'dun.
"It's really a miracle that you are OK, honey. Alam mo ba kung anong sabi ng doctor?" umiling ako at mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko tsaka niya hinawi ang buhok ko.
"If you really hit your head that hard you could lead to a coma. Nakakatakot yun anak and kapag nangyare yun hindi namin mapapatawad ang asawa mo." she said, and I can see she's serious about it.
Si Gaston, tama nga pala. Where is he?
Hinanap kaagad siya ng mga mata ko and mom notice it na hinahanap ko ang asawa ko dahil nagsalita kaagad siya.
"Your husband is not here, nandun na siya sa bahay ninyo." kumunot yung noo ko.
How come? I remember he left, and he didn't think twice na iwan ako.
"Bakit siya nandun mom?" I know there's a reason kung bakit hanggang ngayon ay nandun pa rin sa bahay si Gaston. He could leave me anytime soon at bakit 'di na lang ngayon? Nag-iba na ba ang desisyon niya?
"Your dad and his Dad talked. Malamang sa oras na ito ay pinapagalitan na ang asawa mo dahil sa ginawa nitong pagiwan sayo." she said at bigla akong kinabahan.
Natatakot ako na baka masapak ni Dad si Gaston. Ayaw kong mangyare yun at kung masasaktan man siya ay magagalit ako kay Dad at ayaw kong maramdaman yun. I could take any pain they throw at me, wag lang masaktan ang asawa ko.
Ganun ko siya ka mahal.
"Mom, I want to go home. Gusto ko makita si Gaston, baka kung mapano na siya dun. You know dad, mom. He could be so harsh sometimes with Gaston." tumango siya pero I could see in her that she was in pain too.
Why?
"Imee." she called me at tumingin ako sa kanya. Binitawan niya ang kamay ko at may kinuha siya sa bulsa niya tsaka niya inabot ito sa akin at inilagay sa kamay ko.
Nagulat ako and I'm sad to see the wedding ring of Gaston. Our wedding ring na tinapon niya sa akin kagabi. I hold it so tight na parang mababaon na ito sa kamay ko and I can't help it but to cry again. Umiiyak na naman ako dahil parang sinampal sa akin ang katotohan that my husband doesn't want me anymore. He doesn't want our marriage anymore.
"Nakita yan kahapon ni Giselle sa kamay mo. You're holding it so tight kaya naghinala si Giselle na nandun sa bahay mo galing si Gaston. Iniwan ka lang pala niya na nakahandusay kahapon and your Dad is really mad about it kahit na ang dad ni Gaston ay galit din."
"He wants to leave me mom kaya pinigilan ko siya but he doesn't want to. Tinapon niya sa akin ang wedding ring at hindi ko na alam ang gagawin ko kaya hinabol ko siya pero tinulak niya ako kaya nahulog ako." I said at hinawakan niya ang kamay ko.
"Anak hindi ko alam kung bakit dumating sa point na nangyare sa inyo ito. It was like a fairy tale at first and it's so shocking to know that it turns out to be a nightmare after. " tumango ako habang umiiyak pa rin.
"Anak kung 'di mo na kaya, tama na. I don't want to see you like this, nasasaktan din ako." she added at mabilis niya akong niyakap.
Napahagulgol na lang ako. Bakit ba hindi ako napapagod na umiyak sa kanya?
Why do I need to suffer for loving him so much?
Bakit kahit anong dami ng sakit ang ibigay niya sa akin ay nagagawa ko pa rin siyang mahalin?
Bakit?
Tatlong araw ang lumipas bago ako umalis sa hospital. Si mom at si dad ay busy sa negosyo nila kaya hindi muna nila ako maihahatid pauwi kaya ang kasama ko ngayon ay si Reve at si Giselle.
"Ate let me carry that." sabi ng kapatid ko na mas matangkad na sa akin ngayon. I smile tsaka tinapik siya. He looked at me and I could see in him tha he was worried.
Napansin kong may sugat siya sa gilid ng bibig niya. Napaaway ba siya?
"Reve," tumingin siya sa akin habang pasakay kami ng elevator.
"Yes, ate?"
"What happened to your face? Napaaway ka ba? May sugat ka." umiwas siya nang tingin tsaka natahimik pagkatapos ay ngumiti sa akin.
"If I tell you that I punch kuya Gaston will you get mad at me? " nagulat ako and saw how serious he is.
He punched Gaston? Kaya ba nagkasugat siya dahil sinuntok din siya ni Gaston? Oh my God. I gasped, and he just smiled at me. Bigla akong nalungkot dahil napaaway ang kapatid ko dahil sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya and he was shocked to see what I did. I squeezed his hand and faked a smile to him.
"Why would I get mad, Reve? Thank you for fighting for me and I am sorry because you have to punch Gaston for me." gusto kong umiyak pero pinigilan ko ito.
Biglang bumukas ang pinto ng elevator at lumabas kami. Bigla siyang tumigil sa paglalakad at humarap siya sa akin.
"I will do everything for you ate. Women like you shouldn't deserve this. Women like you should be taken good care of and be loved." he said and I'm proud to know that my brother is thinking this way.
Panatag ako na pag magmamahal siya, I know he will love his girl at 'di niya ito sasaktan tulad ng ginagawa ng asawa ko sa akin.
"Ate do you want me to come with you? " he asked nung papasok na kami ng gate. Naiwan sa loob ng kotse si Giselle at umiling ako sa tanong ng kapatid ko.
"No need. Kaya ko na tsaka may pasok ka pa, you need to go Reve." nagdadalawang isip man ay tumango na lang siya and he kissed my cheek.
"Call me if anything happens. ate." tumango ako tsaka kumaway sa kanya nung umalis na siya at nakasakay na ng kotse at humarurot na sila.
Humarap ako sa bahay namin. I took a deep breath and saw that our door was open. Bigla akong kinabahan at mabilis na pumasok ng bahay. Umikot yung tingin ko sa loob ng bahay at mas lalong kinabahan nang may marinig na ungol sa itaas.
I can hear it dahil tahimik lang sa baba. Dahan-dahan kong binaba ang mga gamit ko sa sala tsaka pumunta sa itaas. Habang papalapit ako ng papalapit sa kwarto ay parang papalakas ng papalakas yung ungol at kahit hindi ko man aminin sa sarili ko alam kong may nangyayareng mali.
Ang ingay ay nanggagaling sa guest room at para akong maiiyak nang pagbukas ko ay nakita ko ang asawa ko na nakahubo't hubad at may kasamang babaeng nakahubad din. Napaupo ako at 'di naiwasang mapaiyak sa mga nakikita ko ngayon.
"Oh my ghad!" natigilan sila nang makita ako ng babae at nagulat ako nang makitang nakangiti lang ang asawa ko sa akin.
"Let her see it," he said at parang pinuga ng ilang beses ang puso ko at parang sinaksak ako ng ilang ulit sa sinabi niya.
Bakit niya 'to ginagawa sa akin?
Para lang akong timang na nakatingin sa kanila. Habang nasasarapan ang babae at ang asawa ko sa ginagawa nila ay nakaupo lang ako na para bang nanunuod lang ako ng porn sa isang isang porn site.
What am I doing?
Bakit nakatunganga lang ako? Nakita kong tumingin sa akin si Gaston at mas lalo siyang ngumiti. Para bang ang saya niya na makita akong nahihirapan dahil sa ginagawa niya sa akin.
I touched my chest and clenched my hand nang maramdaman ang hapdi nito. Hindi ko na gaano nakikita ang asawa ko at babae niya dahil ang bilis ng pag-agos ng mga luha ko sa aking mga mata. Para bang pakiramdam ko ay nalulunod ako sa mga luha ko ngayon dahil sa mga natutunghayan ko sa asawa ko.
Pinunasan ko ang aking mga mata tsaka mabilis na tumayo. Para akong matutumba at kahit nanghihina man ang aking mga tuhod ay pinilit ko pa rin tumayo. I need to get out of this place. Hindi ko na kaya pang tingnan ang ginagawa nila. Hindi ko kaya.
Dahan-dahan akong tumalikod at napapikit nang marinig na umungol ang babae. I hate him. I hate her. Gusto ko silang pagu-untugin pero 'bat 'di ko kaya? 'Bat nanghihina ako? Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at mabilis na sinara ito.
Namanhid ako at isa lang ang nasa isip ko ngayon. Kailangan ko pang magluto.