Sabina NAGBIHIS KAAGAD ako matapos kong marinig ang pangalan na iyon ni Hades. Bakit siya naandito? Gusto niya ba talagang mamatay? Sinakto niya pa talaga na naandito ang mga pinsan at kapatid ko. He’s really out of his mind! Naabutan ko sila na nakaharang sa gate at sa labas nga ay si Hades. Nakatayo lang siya roon, like no one can destroy him. Bukod kina Kuya at sa mga pinsan ko, naroroon din ang mga tauhan namin. Mabilis akong tumakbo. Kahit naman gusto kong kalimutan si Hades at iniiwasan ko siya, o may galit akong nararamdaman sa kanya, hindi naman ibig sabihin nito na gusto ko na mapahamak siya. Mahal ko pa rin si Hades kahit na nakakaramdam ako ng galit sa kanya. Naabutan ko na tinutukan ni Kuya si Hades ng baril. “Leave, or I am going to make a hole in your skull with my bu

