Sabina NASA NEW YORK na ako para sa workshop. Naging emosyonal pa kami sa airport nang umalis ako dahil mami-miss ko na naman sila. But a little sacrifice for my dream. Nakapag-check in na ako sa hotel. May bahay kami pero nasa Beverly Hills pa at mostly ng mga kakilala at kamag-anak namin ay nasa California. Sa Queens, New York kasi ang lugar na paggaganapan ng workshop. Mas convenient ang mag-hotel. Hindi ako mapalagay. Kaya matapos kong magpahinga nang ilang sandali sa hotel suite ko, lumabas ako at gumala. Pumunta ako sa studio ng workshop. Sa ngayon ay close pa ito dahil bukas pa sila magbubukas. Sa kabilang bahagi ay ang ballet company ng La Grâce Ballet. Nakatagpi ang mga successful shows nila at ang mga susunod nilang shows. Nakita ko ang malaking poster ng kanilang prima baller

