Sabina ANG SABI ng utak ko, itapon ko ang bulaklak, pero ang sabi ng pathetic kong puso ay huwag. Kaya ang ending, nagpakuha ako ng vase kung saan ko mailalagay ang mga bulaklak. “Sinong nagpadala ng bulaklak?” Sa pamamaraan pa lamang ng boses niya, alam kong hindi na maganda ang indikasyon na iyon. Huminga ako nang malalim at inayos sa vase ang mga bulaklak. Nagkibit-balikat ako at nagpanggap na hindi ko alam. Mataman akong tiningnan ni Kuya. Kahit hindi ko siya tingnan, alam ko na masama ang tingin niya sa akin nang dumaan ako sa harapan niya. Inilagay ko ang vase sa kuwarto ko. Huminga ako nang malalim at nasapak ko ang sarili. Why am I doing this? Hindi ko rin alam. Naging abala ako sa pag-aasikaso ko ng pagpunta ko ng New York. Pumayag ang school na online class lang muna ako.

