Sabina “BAKIT KAYO magkasama ni Neriah?” Nasa loob na kami ng kotse ni Hades at pauwi na sa bahay namin ng pamilya ko. Madalas na ring makapunta roon si Hades dahil sa akin, at kahit nararamdaman ko na mabigat pa rin ang ere sa pagitan niya at ng pamilya ko, hindi na naman sila harapang nagpapatayan. That’s an improvement. “Kinausap niya ako,” panimula ko. “He wanted to get you back.” Hinarap ko si Hades. Kahit sabihin natin na ilalaban ko rin siya kay Neriah, hindi ko alam kung ano bang magiging opinyon ni Hades kung malaman niya na gusto siyang mabawi ni Neriah. Hinawakan ko ang kamay ni Hades. Tumingin siya sa kamay namin bago sa akin. Ngumiti ako sa kanya. “Can you stop the car for a minute? Let’s talk.” Nasa may isang park kami at dahil madilim na ay wala nang tao masyado rit

