Sabina NAKAHIGA kaming dalawa sa kama. Malalim na ang gabi subalit dilat na dilat pa rin ang aking mga mata. Hades is beside me, sleeping. Wala siyang suot pang-itaas dahil matapos naming mag-s*x at maglinis ng katawan, dumiretso na kami sa pagtulog. He said, nothing will change. Alam ko at naniniwala ako sa kanya na hindi niya ako iiwan, pero alam ko rin na may magbabago. Kung noon ay ang pamilya ko lamang ang humahadlang sa aming dalawa, nararamdaman ko na may bagong papagitna sa relasyon naming dalawa ni Hades. Kailangan kong maghanda. I know what I see, and I know that Neriah will not let go of Hades that easily. Sa pamamaraan pa lamang ng pagtingin ni Neriah sa amin, may iba na akong pakiramdam. Tiningnan ko si Hades na natutulog sa tabi ko. Hinaplos ko ang pisngi niya at pin

