Sabina HINDI KO maitago ang ngiti ko nang umalis si Hades. Ayoko sana siyang hayaang umalis pero kailangan kong magpakipot. Baka sabihin naman ng lalaking iyon ay gustong-gusto ko na dinakip niya ako. Hindi ko naranasan na magpakipot noon dahil patay na patay ako sa kanya. Sino ba namang hindi? Para naman talaga kasi siyang god na bumaba mula sa Olympus. The man has everything a man could wish for himself. Pero ngayong hinahabol ako, magpapakipot lang ako ng slight. Isa pa, gusto kong malaman kung kaya niya bang iisang-tabi ang galit niya sa pamilya ko para sa akin. Tinitingnan ko ang black card ni Hades. May ganito rin si Kuya at madalas ko itong hinihiram. Ayaw pa kasi akong bigyan nina Dad ng ganito dahil gastadora raw ako at bagsak sa money management. Lumabas ako ng kuwarto at na

