Hades SABINA WAS still sleeping soundly. Buhat-buhat ko siya nang makipagkita ako kay Chaos sa tuktok ng building namin dito sa Manila. Inaabangan niya ako dahil siya ang magdadala sa private island na binili ko lang nitong nakaraan at kung saan ko plinano ang pag-kidnap kay Sabina. “The law-abiding citizen and disciple of the law is now committing a crime. Hindi ko minsan inisip na bagay pala sa ‘yo ang maging kidnapper, Hades.” Maingat akong sumampa sa helicopter kung saan si Chaos ang magmamaneho. Hindi lang alam ng marami but Chaos, as the heir of the Van Aalsburg Airways, studied and graduated as pilot-engineer. Dalawang beses siyang nag-aral para maging aerospace engineer at piloto. Nagtrabaho bilang pilot ng ilang taon, bago manahin ang negosyo ng kanyang ama. “Shut up and drive

