Sabina HINDI AKO makapaniwala nang marinig ko ang sinabi ni Hades. Sa sobrang pagkakatulala ko at pagkagulat ay hindi ko namalayan na nag-land na pala kami sa rooftop ng building ng mga Salvatore. Nanlalamig ang kamay ko at hindi ako mapalagay. Nangyayari ba talaga ito? Ang sabi ni Hades, handa siyang kalimutan ang galit niya sa pamilya ko kung iyon ang makakaayos ng relasyon naming dalawa. He’s giving up his revenge for…me. Hindi ko alam kung matutuwa ako. Matagal niyang pinaghandaan iyon, alam ko. Marami siyang alam sa pamilya ko, at kung hindi kami nagkakilalang dalawa, malamang ay may malaking damage na siyang nagawa sa mga ito. I was the one holding him back to annihilate my family, and now he’s giving it all up for me. Hinawakan ni Hades ang kamay ko. Nagtaas ako ng tingin sa

