Sabina HINDI AKO mapalagay. Kailangan kong malaman kung kumusta ang lagay ni Mommy at ni Hades. Iniwan na ako ng kapatid ko nang may tumawag sa kanya. Nang tanungin ko siya kung kumusta si Mommy, hindi niya ako sinagot kaya ngayon ay iniisip ko na maaaring hindi maganda ang lagay ng aking ina. Kanina ko pa rin binubuksan ang pinto pero naka-lock iyon sa labas ng kuwarto. Alam ko rin na may nagbabantay ng silid ko kaya’t kahit na mabuksan ko ang pinto, hindi rin ako hahayaan ng mga bantay. My brother confiscated my phone earlier, and he told me na grounded ako. Hindi ako makakalabas dito at dadalhin na lamang ang mga pangangailangan ko. Sa mga ganitong pagkakataon, si Mommy ang kakausap kay Kuya upang mapakalma ito, subalit si Mommy nga ang dahilan kung bakit ganito kagalit ang kapati

