"Si Rigor iyon, 'di ba?" tanong sa akin ni Lhai habang naglalakad kami sa hallway. And she was right. Rigor is standing there na para bang mayroon siyang hinihintay. "Bakit nandito siya sa department natin?" tanong ulit ni Lhai. "Hindi ko alam. Hindi ko naman siya ka chat at lalong hindi niya naman ako ininform para malaman ko kung ano ang ginagawa niya rito sa department natin. Baka naligaw." "Naligaw? Seryoso ka ba, Sab? Sa laki ng school natin at sa dami ng map na nakapaskil, imposibleng may maligaw dito. Isa pa, siya ang anak ng may ari, sana kumuha na lang siya ng magiging tourist niya rito sa school nila. Sa sobrang yaman nila, wala lang iyon sa kanila." "Girl, konti na lang maiirita na ako sa iyo. Bakit ba sa akin ka nag rarant? E, wala naman akong kinalaman diyan kay Rigor.

