Ang buong akala ko ay mahihirapan akong makumbinsi ang girlfriend ni Rigor. Pero the hell, ang bilis kong napaniwala ang bruha na walang namamagitan sa amin ng boyfriend niya which is true naman pero for a girl like us? Masyado siyang marupok para maniwala agad. Masyado lang siguro siyang mabait. Grabe, Rigor doesn't deserve her. She's an angel. Sobrang bait ni Kourtney. I feel like I wanted to protect her from Rigor. Masyadong inosente si Kourtney para sa kaniya. Nagulat pa nga ako noong niyakap ako ni Kourtney at nagpasalamat siya sa akin dahil binigyan ko siya ng peace of mind na nawala sa kaniya nitong mga nakaraang araw. Akala niya raw ay makukuha talaga siyang lokohin ng boyfriend niyang si Rigor. Nagkamali raw siya kaya naman ayon nagkaayos na ang dalawa wala pang isang oras na

