Blurb
"Hoy babae,tumayo tayo kana diyan!Anong akala mo?Porket, kasal kana sa anak ko mag bubuhay reyna kana dito sa pamamahay ko?"galit na sita na naman sa kanya ni Donya Octavia ng maabutan siya nito nag papahinga sa kwarto nila ni Arkin. Dahil masama nga ang pakiramdam niya ay hindi niya agad nagawang bumangon ng maaga. At heto nga pinuntahan na naman siya ng malupit niyang biyenan sa silid nilang mag asawa. Halos sumakit ang buong katawan niya dahil sa paglilinis ng buong mansiyon kahapon.May ukasyon kahapon sa mansion ng mga Dela Vega. At ito nga, matapos ang ukasyon na iyon ay pinalinis sa kanya ng malupit niyang byenan ang mga kalat sa buong mansion. Ni hindi man lang siya pinatulungan sa mga maids na naroroon.
"P-pasensya na po ma,pagod at masakit po kasi ang buong katawan ko."saad niya at dahan-dahan ang ginawang pag bangon sa kama.Imbis na maawa sa kanya ang byenan ay nagawa pa sya nitong hablutin mula sa kama.
"Sabihin mo,umaarte ka lang!Hoy babae,ito ang isaksak mo diyan sa kokote mo a,'di porket asawa ka ng anak ko ay magagawa mo na ang mag pasarap sa buhay!"saad nito na mahigpit ang naging pag hawak sa braso niya. Nanlilisik ang mata nito dala ng galit sa kanya.
"Mama,nasasaktan po ako."halos mangiyak ngiyak siya dahil sa higpit na ginagawa nito sa braso niya.
"Talagang masasaktan kang babae ka!Hindi ko alam,kung ano ba ang nagustuhan sayo ng anak ko at ikaw ang pinakasalan. Bukod sa walang pinag aralan,hindi marunong bumasa ay hampas lupa pa!"ani nito at hinila ang buhok niya.
"Mama,tama na po. N-nasasaktan na po ako."reklamo niya sa malupit na byenan. Ngunit tila bingi ito at patuloy lang sa pag hila ginagawa sa buhok niya.Kinakaladkad siya nito patungo sa laundry area.
"Yan,labhan mo mga yan! Nang magkaroon ka naman ng silbi dito sa pamamahay ko!Wag na wag mong gagamitin ang washing ko!Kung ayaw mong malintikan sakin!Total naman,sanay ka sa hirap,kamayin mo lahat ng mga yan!"
ani donya Octavia at pabalang siyang binitawan at tinalikuran. Muntik pa syang masubsob dahil sa lakas nang pag kakatulak sa kanya ng matandang donya.
Mangiyak ngiyak siya habang pinag mamasdan ang mahahaba at may mga kalakihan na mga kurtina.Marurumi ang mga iyon. Alam niyang sinadya na naman ng donya na lagyan nito ng dumi ang mga kurtina.Ganito ang ginagawa sa kanya ni Donya Octavia, ang pag malupitan at pahirapan kapag nasa malayo or ibang bansa ang kanyang asawa.Akala niya ay okay na ang lahat ng makipag bati ang mga ito kay Arkin at inalok pa nga na dito na sila tumira sa mansiyon. Ngunit hindi niya akalain na pahihirapan at pag mamalupitan lang pala siya ng ina ni Arkin. Umiiyak na kinuha niya ang mga may kalakihan na mga kurtina at saka inumpisahan iyon labhan ng manu-mano.
Sanay naman sya sa mga mabibigat na gawain. Ang hindi lang niya kaya ay ang paulit ulit na pang aalipusta at pag hamak sa kanya ng nanay ni Arkin.Matapos ang dalawang oras at kalahati ay natapos na din niya ang isang katerbang mga kurtina. Napangiwi pa sya nang kumalam ang sikumura niya. Wala pa nga pala syang almusal.Nag mamadali na niyang sinampay ang mga mabibigat na kurtina. Pag katapos nagmamadali na tinungo ang kusina. Ngunit ganoon na lang ang panlulumo niya ng makita na walang kahit na anung laman ang mga kaldero na naroroon. Gutom na nga sya masama pa ang pakiramdam.Tapos heto,wala man lang makain. Gusto na naman niyang maiyak dahil sa kanyang sitwasyon.Kung naririto lang sana ang kanyang asawa ay hindi niya mararanasan na pag malupitan ng ina nito. Humihikbi na binuksan niya ang ref,nag babaka-sakali na makakita doon ng pagkin. Ngunit nanlumo lang din siya nang makita na walang kalaman laman iyon kun'di puro malamig na tubig. Kumuha siya ng baso at nag salin ng maiinom na tubig at agad na ininom iyon. Kahit paano ay nabusog siya. Palabas na siya ng kusina ng makasalubong niya ang mayordoma ng mansiyon na si Aling Erma.Habag na tiningnan sya ni Aling Erma.
"P-pasensya na, Elaina,pinag utos kasi ni Donya Octavia na wag kang pakainin ngayon tanghali.H-hindi naman namin magawang suwayin,alam mo naman pag uugali ng matapobre mong byenan kapag nahuli kami na binibigyan ka namin ng pagkain."
ani aling Erma. Hapo na tumango na lamang siya sa matanda. Alam niya na binalaan ni doña Octavia ang mga maids na wag syang pakainin. O kahit ang tulungan sa mga pinagagawa sa kanya. Tumalikod na sya sa matandang mayordoma at pinag patuloy ang ginagawa sa laudry area.May mga damit na dinala doon si Arlene kanina. Pinalalabhan daw iyon ni donya Octavia sa kanya. Wala siyang nagawa kun'di ang labhan ang mga damit na iyon.Nanakit na ng sobra ang mga kamay niya.Halos pula at nagka sugat-sugat na din ang pala pulsuhan niya sa dami ng mga nilabhan na kurtina. Tapos eto at may pahabol pa.
"Mahal, nasaan kana ba?Pakiusap,umuwi kana."piping hiling niya sa sarili.Halos mangiyak ngiyak siya ng maalala ang mahal na asawa. Isang linggo itong out of the country dahil sa negosyong inaasikaso nito sa labas ng bansa. Kaya naman ay malaya ang ginagawang pang aalila sa kanya ni donya Octavia.
"Kung naririto ka lang mahal,sanay di ko ito nararanasan ngayon."ani niya sa sarili at napahagulgol na nang pag iyak. Pagka habag at awa sa sarili ang kanyang naramdaman.Napasandal siya sa pader ng maramdaman na umiikot ang kanyang paningin. Nasapo pa niya ang kanyang ulo. Pakiramdam niya ay mabibiyak iyon sa sobrang sakit.Tuluyan na syang napasadsad sa pader.Nang hihina siya. Para syang kandila na nauupos.Hanggang sa nanlabo na nang tuluyan ang kanyang mga mata.
"Kawawa naman itong asawa ni senyorito Arkin. Halos gawin na syang katulong ni donya Octavia."ani Arlene habang pinagmamasdan si Elaina na hanggang ngayon ay natutulog at mataas ang lagnat.Nadatnan nila ito sa Laundry area na walang malay at mataas pa ang lagnat. Marahil ay hindi na nito kinaya ang labis na gutom. Napailing si aling Erma. Hindi sya sang ayun sa mga maling ginagawa ni donya Octavia kay Elaina. Ngunit sino ba sya,para sawayin ito sa kalupitan na ginagawa kay Elaina. Isang hamak na mayordoma lang siya.
"Wala tayong magaga-"hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ng bigla bumukas ang pinto ng kanilang kwarto. Iniluwa noon si Donya Octavia. Lahat silang mga katulong ay nahintakutan ng makita ang malupit na donya.
"Sinong may sabi sa inyo na tulungan nyo ang babaeng yan?!"galit na sita nito sa mga maids.
"Isko,ipasok mo dine ang isang timba nang tubig!Bilis!"sigaw at galit na utos nito sa driver nito. Walang magawa ang driver kun'di ang sundin ang matapobreng donya.
"Donya Octavia,ano pong gagawin mo?"
ani aling Erma ng makita ang isang timba na naglalaman nang tubig at yelo. At humarang sa harapan ni Elaina.
"Gigisingin ko lang naman yang hampas lupa na yan.Kaya tumabi ka dyan kung ayaw mong madamay!''ani nito sabay tabig sa kanya at saka ibinuhos ang isang timbang tubig na may yelo kay Elaina. Kaya naman sa pag kabigla ni Elaina ay napabalikwas ito ng bangon mula sa pag kakatulog.
"M-mama.."paos at takot na saad ni Elaina ng makita sa harapan ang galit na naman si donya Octavia.
"Hoy,kumilos kilos kana diyan,ayusin mo ang sarili mo.Darating si Arkin ngayon gabi."bulyaw nito sa kanya.Tila bigla syang sumigla ng marinig ang sinabi ni Donya Octavia. Darating na mamaya ang kanyang asawa. Agad siyang tumayo upang ayusin ang sarili ngunit agad din naman syang napatigil ng hablutin ni donya Octavia ang kanyang braso.
At nang gigigil na dinuro duro siya
"Binabalaan kita,Elaina,wag na wag kang magkakamaling mag sumbong sa anak ko,kung ayaw mo, pati pamilya mo ay madamay sa galit ko sayo!Naiintindihan mo!?"napalunok siya sa sinabi ng matandang donya.Marahan syang tumango dito.
"Magaling. At kayo,itikom nyo ang mga bibig ninyo! Kung ayaw nyo masesante kayo sa mga trabaho nyo!"bigay babala naman nito sa mga maids na naroroon at nagmamadaling lumabas ng quarters maid ang malupit na si Dona Octavia.Sya naman ay nag tungo na sa silid nila ni Arkin at inayos ang sarili.Ganoon naman madalas ang nangyayari. Kapag parating na Ang asawa niya ay pinag aayus sya ni Donya Octavia na para bang walang nangyaring pag papahirap sa kanya. At kapag kaharap na nito ang anak ay nagpapanggap na mabait sa kanya ang matapobreng biyenan upang hindi mahalata ni Arkin Ang mga kalupitan sa kanya ni Donya Octavia. At kapag nasa trabaho na ulit ang asawa niya ay balik na naman sa pagpapahirap at pagmamalupit sa kanya si donya Octavia.Akala niya ay maayos na ang lahat. Akala niya ay tanggap na siya ng mommy ni Arkin.Alam niya na halos isumpa na si Arkin ng mga magulang ng siya ay pakasalan nito. Sino nga ba naman na magulang ang gugustuhin na ang maging asawa ay isang katulad niya. Galing sa mahirap na pamilya,walang pinag aralan.Higit sa lahat ay hindi rin siya marunong bumasa at sumulat. Sa isang salita,mahirap na nga ay mangmang pa. Nuong unang dating niya sa mansyon ay naging maganda ang pag trato sa kanya ni donya Octavia.Na akala niya ay totoo na. Ngunit hindi pala. Pakitang tao lang pala ang lahat ng ginagawa nito sa kanya.Lalo na sa kanyang asawa.Nang matagal tagal na silang nakatira sa mansyon ay doon niya nakita ang totoong pag uugali ng matandang donya.Sakim,malupit at maitim ang budhi ni donya Octavia.At iyon ang kinakatakot niya. Hindi niya alam kung anu pa ang kaya nitong gawin sa kanya kapag wala sa mansyon ang kanyang asawa.