Chapter:2

1577 Words
KINABUKASAN,maaga tumungo sa barangay si mang Victor.Upang ipagbigay alam ang lalaking nakuha nila kahapon sa kakahuyan. "Elaina,kapag mataas parin ang lagnat noong tao,ay punas punasan mo lang.At kung magising man, ay mas mainam na pakainin at painumin mo na rin ng gamot." bilin ni mang Victor at nagmamadaling inubos ang kape.Kinuha nito ang sombrero sa likod ng pintong kawayan at umalis na patungong baranggay. Malalim na pag hinga ang ginawa niya. Tanging sya lamang ang tao ngayon sa kanilang bahay. Kasama ng lalaking hindi naman niya kilala. Nahaplos niya ang braso. Paano kung masamang tao itong sinagip ng tatay at kapatid niya. Napalunok siya dahil sa naisip. Uso pa naman ngayon ang may mga gumagala galang masamang loob.Wala pa naman syang kasama ngayon. Si Aling Mercedes ay maaga pumunta sa ilog upang mag laba ng mga nabasang damit dahil sa lakas nang pag ulan kahapon.Habang ang mga nakababata naman niyang mga kapatid ay nasa paaralan na. Natigil siya sa ginagawang pag huhugas ng mga plato ng makarinig siya ng pag- ingit na nanggagaling sa kanyang kwarto. Hindi parin nawawala ang takot at kaba niya sa dibdib kaya naman kinuha niya ang may kaulingan na kawali at kanya iyong binitbit papunta sa kwarto kung saan naroroon yung lalaki. Dahan dahan na pag hakbang ang kaniyang ginawa palapit sa kwarto. Nang nasa pintuan na sya ay marahan din ang pag bukas ang ginawa niya. Ngunit nanlaki ang mata niya ng makita ang lalaki na nasa ibaba na ito ng katre. At naka subsob ang ulo nito sa lupa.Sa pakiwari niya ay nahulog ito. Mabilis ang naging pag kilos niya. Agad niyang binitawan ang kawali at dinaluhan ang lalaking hirap sa pagtayo. Kinuha niya ang braso nito at isinampay iyon sa kanyang balikat. May kalakihan ang lalaki. Kaya panigurado syang mahihirapan sya na tulungan ito. Pero wala na syang magagawa pa. Dahil wala naman ibang tao ngayon dito sa bahay nila kundi sya lang. Tama nga ang nasa isip niya. May kabigatan nga ang lalaki. Sa unang pag alalay niya rito ay pareho panga silang natumba. "Aray ko!"malakas na sambit niya ng tumama ang ulo niya sa bahaging kawayan na haligi ng katre. "I'm sorry miss,I-didn't mean---Ouch!"hindi na natapos pa ang iba pa sanang sabihin ng lalaki nang bigla na lamang dumugo ang sugat nito sa may bandang noo. Kaya naman ay nataranta siya. Agad na pagtayo ang ginawa niya at saka hinila ang braso ng lalaki upang makatayo rin ito.Mahirap pero kinaya niya. Dahan-dahan niya itong inupo sa edge ng katre at saka nagmamadaling kumuha ng gaza pamalit sa gazang nakatakip sa sugat nitong nasa noo. Inabot na rin niya ang betadine saka nag mamadaling pinalitan ang benda sa noo nito. "Ouch...Damn! Please..be careful." mahinang daing ng lalaki sa matatas na english nito. Napakamot sya sa sinabi nito. Paano ba naman ay hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng lalaking ito sa kanya. Dahan- dahan niyang inalis ang gaza na nakalagay sa sugat nito upang palitan iyon. Napakamot pa sya sa sariling noo ng pagdating sa kalagitnaan ng pag aalis sa Gaza ay may dumikit sa noo nito. Malamang sa malamang ay masasaktan ito kapag binigla niya ang pag alis sa benda nito. Nang tatanggalin na niya ang nakadikit na gaza ay bigla nitong hinawakan ang kamay niya.Nang tingnan niya ang lalaki ay nakapikit ito at kagat labi pa.Tila pinipigilan ang maaring maramdaman na sakit. "Mr.pu-pwede bang wag mong kahigpitan ang pag hawak mo saaking kamay?Paano ko maaalis itong naka dikit na gaza dito sa noo mo." nakaingos niyang reklamo. Paano ba naman ay kay higpit nang pagkakahawak ng lalaki sa kanya. Pinipigilan na nga lang niya ang wag mapadaing sa sakit ng pag hawak nitong ginagawa sa kanya. Agad naman nito inalis ang kamay na nakahawak sa kanya.Inayos niya ang tatlong unan. Pinag patung-patong niya iyon at inilapit sa headboard ng katre. Dahan-dahan niya isinandal doon ang lalaking hinang hina parin dahil sa mga tinamo nitong sugat. Isa pa ay hindi pa rin mawala wala ang lagnat nito. Saka sya umayos mula sa kaniyang pagkakaupo. "Aalisin ko na itong gaza,ah. Wag kang mag alala. Dahan dahan lang ang gagawin kong pag tanggal upang hindi ka masaktan. " hindi umimik ang lalaki sa tinuran niya. Ngunit marahan na pag tango naman ang ginawa nito. Inalis niya ng dahan-dahan ang gaza sa noo ng lalaki. At nakahinga sya ng maluwag ng matanggal niya iyon ng hindi nasasaktan ang lalaki. Pinalitan niya iyon ng bagong gaza. Nang matapos sya akmang paglabas ang gagawin ni Elaina,ngunit napatigil siya ng muli ay hawakan sya ng lalaki sa braso. Ewan niya pero hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang kabilis ang t***k ng kaniyang puso sa tuwing madidikit ang mga palad nito sa kanyang balat. "M--may kailangan kapa ba?"kinakabahan niyang tanong sa lalaki na hinang hina parin. "Can you get me.. some water,please?" nangunot ang kaniyang noo ng muli ay magsalita ito sa matatas na English. Hindi na naman niya ito maintindihan. Napakamot sya sa sariling ulo. Napakahirap ng hindi nag aral. At isa iyon sa mga pino-problema niya. Ang hindi makaintidi kahit mga simpleng English lang. Paano nga ba niya maiintindihan ang wikang english kung sa pag basa nga ay hindi rin sya marunong. At dahil iyon sa hindi sya nakapag aral. "Mr.p-pasensya na,pero hindi po kita maintindihan.H-hindi po ako nakaka intindi ng salitang English." nahihiya man ngunit nagpaka totoo na lamang sya.Saglit na natigilan ang lalaki sa sinabi niya. At napatitig sa kanya. Na labis na ikinakabog ng dibdib ni Elaina. Higit sa lahat ay ikinaiilang niya ang nakatutunaw nitong titig sa kanya. "Puwede ba akong humingi ng tubig na maiinom?" "Ah oo. Sandali lamang at ikukuha kita." ani niya at agad na lumabas sa kwarto. Kumuha sya ng tubig sa kanilang tapayan. Inilagay niya iyon sa nag iisa nilang babasagin na baso. Kakahiya naman kung ang ipapagamit niya rito ay yung mga baso na plastic at may kalumaan na.Kupas na nga rin ang kulay ng mga iyon. Kaya talagang nakakahiya naman sa bisita nila. Lalo na at mukhang galing sa mayaman pamilya yung lalaking nasagip ng kanyang tatay at kapatid Matapos kumuha ng tubig ay agad din syang bumalik sa silid.Naabutan niya ang lalaki na pilit inaabot ang sahig. Ngunit dahil sa mga natamong sugat nito sa katawan ay hirap ito sa pag galaw. "Ito na yung tubig mo." sabi niya at madaling inabot iyon sa lalaki. Agad naman kinuha ng lalaki iyon at nagulat pa sya ng inisang lagok lang ng lalaki ang laman ng baso. Mukha ngang uhaw na uhaw ito. "Sorry...but do you have food?" muli ay hindi niya maintindihan ang sinabi ng lalaki. Ang kulit naman nito!Sinabi na nga niya hindi sya nakakaintindi ng English. Kaya nangunot ng malalim ang kanyang noo. Nahalata naman iyon ng lalaki. At napakamot na lang din sa sariling batok. "Pasensya na.Baka may pagkain ka diyan. Kahit na ano. Nagugutom na kasi ako." sabi nito sa kanya.Sabay haplos sa bandang bahagi ng sariling tiyan. Agad naman syang tumalima papunta sa kusina. Napangiti siya.Tiningnan niya ang kalderong na kasabit sa taas ng kanilang paminggalan. Alam niya na may natira pa kanina sa almusal nila. Siguro ay sinadya ni aling Mercedes ang mga tira para dito sa pasyente nila. Agad niya ibinaba iyon at tiningnan ang laman. May kanin at gulay pa naman. Mayroon din prito ng tilapia. Kumuha siya ng pinggan at sumandok ng kanin. Inilagay na din niya ang kaputol na pritong tilapia. Pag ka-kuha sa pag kain ay bumalik na din siya sa kwarto. Ibinaba niya sa tabi ng lalaki ang dala niyang plato na nag lalaman ng pag kain.. "K-kain kana. " alok niya sa lalaki na ewan ba niya kung bakit nakatitig lamang sa ibinaba niyang plato.Lumipat ang tingin sa kanya ng lalaki. Saka itinaas ang kanang braso. Nung una ay hindi niya makuha ang ibig nitong sabihin. "Maari mo ba akong subuan?" walang ka- gatol gatol na pag kakasabi ng lalaki sa kanya. Napaawang ang kanyang bibig. Hindi niya alam kung susundin ba niya ang sinabi ng lalaki. "Hindi ko pa kasi kayang igalaw itong mga braso ko." sabi nito ng makita sa kanyang mukha ang pag-aalinlangan. Marahan na lamang syang tumango sa lalaki. Siguro naman ay hindi ito masamang tao. "S-sige. W-walang problema. " ani niya at kinuha ang kutsara at nilagyan iyon ng kanin at ulam. Sinimulan niya pakainin ang lalaking bisita. Nakakailang subo na ito ng kanyang mapansin na nakatitig sa kanya ang lalaki. Napalunok siya. Agad na pumasok sa isip niya na baka may gawin sa kanya ang lalaki. Hinagilap niya ang kanina ay nabitawan niyang kawali. Inihanda niya iyon at iniamba sa mukha ng lalaki. Agad na nangunot ang noo nito dahil sa ginawa niya. "W-what are you doing?" mula sa paos na boses ay takang tanong nito sa kanya na hindi naman niya maintindihan. "Wag mo akong ma-english -english Mr,hindi ko man maintindihan ang sinasabi mo,pero marunong ako makiramdam.Isang maling galaw mo lang,tatama itong mauling na kawali diyan sa mukha mo." bigay babala niya sa lalaki. Kita niya na lalo pang nangunot ang noo nito. Maya-maya pa ay nasapo nito ang sariling noo. At dahan-dahan sumandal sa papag. "Geezz...Do you think ,magagawan pa kita ng masama sa lagay kong 'to?" tanung nito sa kanya at itinaas ang kamay at braso na may benda. Napakagat labi siya. Kung sa bagay ay tama nga naman ito. Sa kalagayan kasi ng lalake ,kahit ang pag tayo ay hindi na magawa pa ng lalake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD