''A-aalis ka?” Tanong ni Elaina nang makita na nag-iimpake si Arkin ng mga damit nito sa maleta. Panandalian itong tumigil sa ginagawa at hinarap siya. Kinuha nito ang magkabilang kamay ng asawa at marahang hinagkan ang mga iyon. “Yes, babe. Sorry kung hindi ko agad sa’yo nasabi. But don’t worry, two weeks lang akong mawawala.” Two weeks? Nanlumo siya sa narinig buhat sa asawa. Nilukuban siya ng takot. Tila tambol din sa lakas ng t***k ang puso ni Elaina. Iyong isang linggo na nga lang na wala rito sa mansyon ang asawa niya ay para na siyang mamatay sa mga pinaggagawa sa kanya ng ina nito. Dalawang linggo na naman siyang pahihirapan ng kanyang matapobreng biyenan. At panigurado rin siya na sa dalawang linggo na iyon ay katakot-takot na gutom ang aabutin niya. “Babe, huwag ka nang malun

