Chapter:15

1062 Words

Bandang alas-nuwebe, nagsimula ang mas mabigat na gawain. Pinapunta siya sa likod-bahay. Naroon ang isang malaking batya. “Labhan mo lahat iyan,” utos ng donya. Napatingin siya sa tambak ng kumot, kurtina, at bed sheets. “Pero… may washing machine naman po—” Isang matalim na tingin ang ipinukol sa kanya ni Donya Octavia at namewang sa sinabi niya. “Akala mo ba sasayangin ko ang kuryente para sa’yo? Bakit kailangan kong magsayang ng kuryente kung naririyan ka naman? Anong silbi mo rito sa pamamahay ko kung kahit sa mga ganitong gawain ay iaasa mo sa washing machine? Kamayin mo lahat iyan nang magkaroon ka naman ng silbi. Sige, labhan mo na ang mga iyan. Ayusin mo ang paglalaba sa mga iyan, dahil oras na masira mo ang mga iyan, malikintikan ka sa akin,” ani nito bago siya talikuran.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD