Chapter:19

1048 Words

Naghahanda na siya sa pagtulog nang may mahihinang katok na muling nagpabangon sa kanya. Nagulat pa siya nang makita na si Manang Erma iyon. May dala itong tray. “Nagambala ba kita?” tanong nito. Tipid siyang ngumiti sa matandang mayordoma. Nilakihan niya ang bukas ng pinto upang makapasok ito sa loob. “Hindi naman po, Manang. Naghahanda pa lang naman po ako para matulog.” “Ganoon ba. Dinalhan kita ng makakain mo. Alam ko, gutom na gutom ka. Kumain ka na muna bago matulog, Elaina.” saad nito at ibinaba ang tray sa side table. Biglang kumalam ang sikmura niya nang makita ang dalang pagkain ni Manang Erma. Manok na adobo sa gata iyon. Saka may nilagang baboy din. Habang sa isang plato naman ay naroroon ang kanin. May isang baso ng tubig. Agad niya iyong nilantakan. Gutom na gutom talag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD