Muli ay siniil siya nito ng halik sa leeg at dibdib. Bumaba ito nang bumaba hanggang sa marating ang gitnang pusod niya. Pinaikot-ikot nito ang dila roon. Nang magsawa ay mas bumaba pa ito. Ibinuka nito ang kanyang mga hita. Ni hindi na niya nagawa pang tumutol sa ginagawa ng kanyang asawa. Hinang-hina siya sa nakakabaliw na pinapalasap ngayon sa kanya ng asawa. Walang babala, sinunggaban nito ang kanyang p********e.
“Ah… a-asawa ko…”
Muli ay ungol na pagtawag niya kay Arkin. Halos mailubog niya ang ulo sa unan. Hindi rin niya mapigilan ang hindi mapatarak ang mata sa sarap ng ginagawang pagkain nito sa kanya. Mas ibinuka pa nito ang kanyang mga hita at saka sinipsip nang paulit-ulit ang kanyang p********e.
“Oh… ah… ang sarap, asawa ko…” halinghing niyang sambit. Ramdam na ramdam niya ang pamamasa ng kanyang p********e, at iyon ay dahil sa paulit-ulit na pagkain sa kanya ni Arkin.
“Ganyan nga, asawa ko. Paliligayahin kita… Oh, Elaina…” ungol na saad nito.
Muli ay kumubabaw ito sa kanya at ipinasok ang p*********i nito sa kanyang p********e. Sunod-sunod na pag-ulos ang ginawa nito sa kanyang loob. Kapwa hingal na silang dalawa dahil sa pagsasalpukan ng kanilang mga katawan.
“A-asawa ko, malapit na ako… ahhh…”
“Go on, baby… let it out. I’m coming too.”
Mas lalo pang bumilis ang paglabas-pasok nito sa kanyang kaselanan hanggang sa kapwa nila narating ang rurok ng sarap at kaligayahan. Kapwa sila hingal at pagod matapos ang mainit na gabing kanilang pinagsaluhan.
“Mahal na mahal kita, asawa ko,” ani Elaina, nanatiling nakayakap kay Arkin.
Matamis siyang nginitian ng asawa at hinalikan sa kanyang noo.
“Mahal din kita, Elaina… mahal na mahal,” ani nito.
Natulog silang kapwa masaya at may mga ngiti sa labi.Kinabukasan, sikat ng araw na nagmumula sa bintana ang nagpagising kay Elaina. Wala na sa tabi niya si Arkin. Pupungas-pungas siyang bumangon at napatingin sa orasan. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya nang makita kung anong oras na—alas nueve na ng umaga. Ngayon lamang siya tinanghali ng gising. Marahil ay dahil late at pagod na rin silang natulog kagabi.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang maalala ang mainit na tagpong pinagsaluhan nila ng asawa. Sobrang nasiyahan siya sa ginawa ng kanyang asawa sa kanya. Minsanan lamang na may mangyari sa kanila ni Arkin dahil madalas itong pagod sa kumpanya, at minsan naman ay nasa labas ng bansa kaya wala talaga silang time para doon. Aaminin niyang na-miss niya ito nang sobra. Kaya naman kagabi ay bigay na bigay din siya sa kanyang asawa.
Dumiretso siya sa banyo at mabilisan nang naligo. Inayos na rin niya ang magulong kama na naging saksi kung paano siya pinaligaya ni Arkin kagabi. Nang matapos ay agad naman siyang bumaba.
Nakasalubong pa niya sina Sonya at Doray sa malawak na sala. Kahit alam niyang hindi siya gusto ng mga ito ay kanya pa ring nginitian ang dalawa. Tiningnan lamang siya ng dalawang bruhang kasambahay.
“Feeling mo talaga kung sino na. Abay, anong oras na kung gumising,” si Sonya.
“Oo nga. Akala mo’y kung sinong prinsesa dito sa mansyon, anak-mahirap din naman. Kung hindi pa inasawa ni Senyorito, malamang nasa bundok pa rin ang babaeng ’yan,” mahina ngunit dinig na dinig niyang saad ni Doray.
Malalim siyang bumuga ng hangin. Gusto niyang supalpalin ang dalawang kasambahay sa mga palihim na sinasabi ng mga ito patungkol sa kanya. Ngunit naisip niyang magsasayang lamang siya ng laway sa mga ito. Isa pa, napakaganda ngayon ng kanyang umaga para sirain lamang dahil sa mga taong kagaya ng dalawang iyon
Dumiretso siya sa dining area. Tamang-tama, naroroon si Manang Erma. Naglilinis ito ng ibang pinagkainan na sa hula niya ay pinagkainan iyon ni Donya Octavia.
“Magandang umaga po, Manang Erma.”
Nakangiting bati niya sa mayordoma.
“Magandang umaga naman, iha. Kakain ka na ba? Sandali lamang at ipaghahain na kita,” tanong nito at akmang titigil sa pagliligpit ng mga nagamit na plato.
Ngunit mabilis niya itong pinigilan. Kaya na naman niyang gawin iyon.
“Manang, ako na po. Ipagpatuloy ninyo na lang po ang ginagawa ninyo.”
“O, sige. Ikaw ang bahala. Kung gusto mo ng kape, may brew na doon sa countertop,” saad nito at muling pinagpatuloy ang ginagawang pagliligpit.
Kumuha siya ng plato at sumandok ng pagkain. Kumuha na rin siya ng kapeng mainit at nagsimula nang kumain.
“Manang, si Arkin po?”
Hindi niya napigilang magtanong kay Manang Erma.
“Ah, si Senyorito—”
“Kanina pa nakaalis ang hinahanap mo. May importante silang pupuntahan ngayon ni Priea. At ikaw? Kagigising mo lang? Habang ang anak ko, kandaugaga sa pagtatrabaho, tapos ikaw, heto, nagpi-feeling senyorita na dito sa mansyon ko. Ang tamad-tamad! Hanggang palamunin ka na lang ba ng anak ko? Aba naman, sinuswerte ka. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang nakita sa’yo ng anak ko at pinakasalan ka! Ni wala ka pa sa kalingkingan ng mga naging girlfriend ng anak ko. Bilisan mo ang pagkain mo at umakyat ka sa taas. Linisan mo ang buong guest room nang may silbi ka naman dito sa pamamahay ko!”
Mula sa kanyang harapan ay mataray na saad sa kanya ng matapobre niyang biyenan. Nakahalukipkip ang dalawang braso nito at nakaarko ang makakapal nitong kilay.
Dahil sa sinabi ni Donya Octavia ay parang gusto na lamang lumubog ni Elaina mula sa kanyang pagkakaupo. Ang nginunguya niyang pagkain, pakiramdam niya ay bumara iyon sa kanyang lalamunan.
“Donya Octavia, kalilinis lamang po ni Arlene ng guest room noong isang araw,” sabat ni Manang Erma.
Kaya naman ang matalim na tingin ni Donya Octavia sa kanya ay napunta sa matandang mayordoma.
“Wala akong pakialam kung nilinisan man o hindi iyon. Ang gusto ko ang masusunod sa pamamahay ko. Kaya ikaw, huwag kang makikialam dito, Erma, kung ayaw mong masesante sa trabaho mo!” galit na sabi nito.
Walang nagawa si Manang Erma kundi ang manahimik na lamang.
Tulad ng gusto ni Donya Octavia, matapos kumain ni Elaina ay nagmadali itong umakyat sa guest room. Napabuntong-hininga siya nang makita kung gaano kalaki ang lilinisin niyang silid. Panigurado, pagdating ng hapon ay masakit na naman ang kanyang buong katawan.
“O, ito ang vacuum. Linisan mong mabuti itong guest room kung ayaw mong magalit nang husto sa’yo si Donya Octavia kapag hindi niya nagustuhan ang linis mo,” si Sonya sabay baba ng vacuum sa hamba ng pintuan.
“Ito ring mga jalousie ng bintana, saka ang CR, linisan mo rin. Kailangan walang maiwan na kalat o dumi kung ayaw mong managot kay Donya Octavia,” mataray namang saad ni Doray.
Pairap siyang tiningnan ng mga ito at saka siya tinalikuran.
“Buti nga sa kanya. Diyan naman siya nababagay,” narinig pa niyang sinabi ni Doray kay Sonya, sabay apir pa ng dalawa.
Malalim siyang bumuga ng hangin. Tuwang-tuwa ang mga ito kapag pinapahirapan siya ng matapobreng biyenan niya.