Chapter:11

1117 Words
P-pasensya na po kayo, Manang. Pati kayo, nagtatalo na dahil sa akin,” hingi ng paumanhin ni Elaina kay Manang Erma. Tigas na pag-iling ang ginawa ng matandang mayordoma sa kanya. “Wala kang dapat hingin ng pasensya, Elaina. Sila ang dapat na humingi ng pasensya sa’yo dahil sa maling asal at pakikitungo nila sa’yo.” “Oo nga, Elaina. Sumosobra na kasi iyang kamalditahan ni Doray. Abay kung magsalita, akala mo kung sino dito sa pamamahay. Eh isang hamak na muchacha lang naman siya. ’Di hamak na mas may karapatan kang magsungit dahil asawa ka ni Senyorito,” gatong na saad ni Arlene sa sinabi ni Manang Erma. Malungkot siyang ngumiti sa mga ito at ipinagpatuloy na lamang niya ang pagkain, kahit nawalan na siya ng gana dahil sa eksenang nangyari kanina. Matapos kumain ay nagpasya na lamang siyang maligo. Medyo nanlalagkit na rin kasi ang katawan niya dahil sa pagtanggal ng mga damo sa paso kanina. Ilang minuto lang din ang itinagal niya at agad na rin siyang lumabas ng banyo. Nagulat pa siya nang datnan ang asawa na nasa kanilang kuwarto na. Nakaupo ito sa kama habang abala sa pagtingin sa laptop nito. Dumiretso siya sa vanity mirror at pinatuyo ang basang buhok. Nang medyo tuyo na ang buhok ay sinuklay na rin niya iyon. Mula sa salamin ay napasulyap siya sa asawa. Maya’t maya itong napabuntong-hininga habang nakatingin sa laptop nito. Sa hitsura ni Arkin ay alam niyang may mabigat itong dinadala. Kaya nilapitan niya ito at tinabihan sa pagkakaupo sa kama. “Ang lalim naman ng iniisip ng asawa ko,” sa malambing niyang boses na saad kay Arkin. Isinara ni Arkin ang laptop at hinarap siya. Matamis na nginitian siya ng asawa, ngunit alam niya—sa kabila ng ngiting iyon—na may mabigat pa rin itong dinadala. “Tungkol sa kumpanya,” saad nito at kinuha ang kanyang magkabilang kamay, saka hinagkan ang mga iyon. Wala man siyang alam at maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari ngayon sa kumpanya ng mga Delavega, ngunit sapat na ang mukha ng kanyang asawa na patunay na napakalaki at seryoso nga ang problemang kinakaharap ng kumpanya. “M-may maitutulong ba ako?” ani niya, kahit alam naman niya sa sarili na wala. Wala, dahil hindi naman siya nakapag-aral. Wala, dahil wala naman siyang kaalam-alam lalo na sa mundong ginagalawan ng kanyang asawa. Ano nga ba ang alam niya sa negosyo nito? Ni pangalan nga niya ay hindi pa niya kayang isulat nang maayos. Ni pagbilang nga ay hindi pa rin niya masyadong kabisado. Anong tulong ba naman ang magagawa niya para sa mahal na asawa? “Thank you for asking, babe, pero ang gusto ko, mag-relax ka lang dito.” “Relax naman ako ah.” “Hmmm… talaga ba?” ani nito habang kinindatan siya at kinabig ng asawa. Magaan na hinalikan siya nito sa labi. Napangiti siya sa inasal nito. Ito ang isa sa mga nagustuhan niya kay Arkin—na kahit may problema ay mas pinipili nitong maging kalmado. “Oo naman. Relaks na relaks ako dito. Wala na nga akong magawa dito eh.” Napalunok siya sa huling sinabi. Totoo—wala siyang ginagawa kapag nariyan ang kanyang asawa. Magaan ang buhay niya. Ngunit kapag wala ito, kapag nasa malayo ito, lahat ng gawain sa mansyon ay sa kanya inaasa ni Donya Octavia. Halos inaalila siya ng matapobreng biyenan. Hindi lang pang-aalila, kundi nagagawa rin siyang saktan ng matandang Donya. “At iyon ang gusto ko. At mas magre-relaks ka sa gagawin ko,” saad nito sa boses na halos pabulong na sa punong tainga niya. Halos makiliti pa nga siya nang unti-unting gumapang ang labi nito sa kanyang leeg at muling nagsimulang halikan siya pababa. Katatapos lang niya maligo, ngunit dahil sa ginagawang paghalik sa kanya ng asawa ay unti-unting umiinit ang kanyang katawan. Kaya naman kanya itong pinigilan. “Ahh… a-asawa ko, b-baka hanapin ka ng Mama sa ibaba, o b-baka hanapin ka ng bisita mo,” dala ng kiliti ay halos putol-putol na saad niya sa asawa. Akala niya ay titigil ito sa padampi-damping paghalik sa kanya, ngunit tila walang narinig si Arkin. Nagpatuloy lamang ito sa paghalik sa kanya. Kaya naman mas lalo pang nadagdagan ang init na nararamdaman niya. “M-mahal, b-baka—” “Shhh… wala kang dapat ipag-alala. Nakaalis na ang bisita ko, mahal. At ang tanging gusto ko lang ngayon ay ang makasama ka, babe,” putol nito sa boses na paos. Muli ay nagpatuloy ito sa padampi-damping halik sa kanyang labi hanggang sa kanyang leeg. Dahil sa kiliti at init ay hindi niya mapigilan ang pumikit. Nagsimula na ring gumapang ang kamay nito sa kanyang katawan. Napasinghap siya nang dumako iyon sa pagitan ng kanyang mga hita at marahang hinaplos ang kanyang gitna. “A-Arkin…” Hindi niya mapigilan ang mapadaing dahil sa unti-unti na siyang nilalamon ng init ng kanyang katawan. Imbes na sagutin siya ng asawa ay kinabig siya nito at marahang inihiga sa kama. Napalunok siya nang nagkukumahog itong hubarin ang suot nitong white T-shirt at pants. Mas lalo pang uminit ang buong silid nang tanging boxer brief na lang ang natirang saplot nito sa katawan. Nang matapos ito sa paghuhubad ay agad siyang nilapitan ni Arkin. Gaya ng ginawa nito sa sarili ay agad din siya nitong hinubaran. Hindi na niya nagawa pang tumutol, dahil siya man ay sabik sa asawa. Ah… asawa ko!…” Hindi mapigilan ang halinghing ni Elaina nang ipasok ni Arkin ang p*********i nito sa kanyang p********e at ang sunod-sunod na pag-ulos na ginawa nito sa kanyang loob. Hindi niya malaman kung saan niya ipapaling ang sariling ulo. Halos ibaon na niya ang sariling katawan sa malambot na kama dahil sa sarap at kaluwalhatiang pinapalasap sa kanya ng asawa. Hindi pa nga ito nakontento sa pag-ulos na ginagawa sa kanya; gumapang ang kanang kamay nito sa kanang dibdib niya at saka minasahe ang kanyang bundok. Nilaro-laro nito ang kanyang n****e. Halos mapaliyad pa ang likod niya nang sakupin ng bibig nito ang kaliwang ituktok niya at saka mapang-akit na dinilaan iyon. Dahil sa ginagawa ng asawa ay napasabunot siya sa buhok nito. “Ah… A-Arkin… Ah…” Halinghing na muli ang tawag niya sa pangalan ng asawa. Halos tumirik ang mata niya dahil sa sarap na ginagawa nito sa kanya. Bawat pag-ulos nito sa ibabaw niya ay nagbibigay ng kakaibang sarap na hindi niya kayang ipaliwanag. Bawat paglamas at pagdila nito sa dibdib niya ay tila apoy iyon na kapag sinindihan, anumang oras ay magliliyab. “Yes, baby… ganyan nga. Moan my name. I miss you, and I miss this. Kaya ngayon, papaligayahin kita,” humihingal na bulong nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD