Simula

324 Words
"Bitbitin mo 'to. ako na kukuha ng mga maleta natin." Bilin ni tito Jack, bago ako pansamantalang iwan sa waiting shed na sinisilungan ko. Kabababa lamang namin sa bus nang saktong umulan- mabuti na lang at walking distance ang bahay nina lolo sa terminal. "Tara na. kanina pa tayo hinihintay nina papang." yaya ni tito habang nauna nang nagtatatakbo't sumulong sa ulan. Natawa na lamang ako palibhasa'y isip bata pa rin si tito kagaya noong mga bata pa kami. --- Kagaya ng dati ay sabay-sabay kaming naghapunan at nagkumustahan. Ito ang ikina-iba ng probinsya sa siyudad. Doon ay halos hindi kami magkita ni mama kaya madalas ay mag-isa lamang akong kumakain. Nakasanayan ko na rin ang fast-pace na buhay sa Subic kaya malamang ay mahihirapan akong mag-adjust. Naghahanda na akong matulog nang makarinig ako ng katok. "Pasok!" sigaw ko, ngunit nauna nang dumukwang ang pagmumukha ni tito Rick. Dahil only child lamang ako at unang apong babae ay naaalala kong mga tiyuhin ko ang madalas kong nakalalaro bago kami lumipat patungong Subic. "Bebang, tara sa plaza. Bagong semento 'yon ngayon. May bagong waveboard ako, subukan natin." Sabi nito at may pagkislap pa ang mata na animo'y batang excited. Hah! Bebang pala ha? Sorry ka, magwaveboard ka mag-isa mo. "Ano ba 'yan tito. Ang bantot naman ng palayaw mo sa akin! Tsaka pwede ba, umalis ka sa kwarto ko. Galing ako sa 17 hours na byahe kaya pagapahingahin mo ako." sabay sipa ko sakanya paalis sa kama ko. "Wow ha. Ang yabang mo na ngayon, bebang. Pumuti ka lang, ayaw mo nang makipag-bonding sa amin." Pumamewang pa siya habang sinasabi ito. Siya namang pagpasok ni tito Jack sa kwarto ko. "Doon na nga kayo. Idadamay niyo nanaman akong tumakas para hindi kayo mapagalitan." Sagot ko sa akusasyon niya sa akin. Sa huli ay tinigilan din nila ako at sa pagod ay tuluyan na nga akong ginapi ng antok. Napakahimbing ng tulog ko nang gabing iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD